CHAPTER 1-Edited1

39K 640 14
                                    

Cover credits to Jhen Zabala...



"WHAT THE hell was wrong with you, hija?!" mahina ngunit mariing tanong ng ina ni Chyna.

Kasalukuyan silang nasa 35th year wedding anniversary ng mag-asawang Bachelor. A family friend. Matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila, ang mga Speckhart at Bachelor na parehong nasa peak of success ang mga business empire.

Chyna, being the only princess of Aldeguer-Speckhart family would always get what she wanted. Pero hindi sa mga ganitong sitwasyon. Kung ayaw niyang maputol ang maalwan at masarap na pamumuhay gamit ang salapi at kapangyarihan ng kanyang pamilya ay kailangan niyang humarap at paluguran ang mga taong kabilang sa society na kinaroroonan niya—ayon sa nais ng kanyang mga magulang.

Hindi siya nagtatrabaho. Ayaw niyang magtrabaho. Mayaman na ang pamilya niya. Bakit pa siya magpapakakuba sa paghahanapbuhay kung kaya namang suportahan ng kayamanan nila ang buong buhay niya—sa maalwang pamumuhay?

Apat silang magkakapatid at nag-iisa siyang babae. Ang tatlong mga barako niyang kapatid ay kanya-kanya ng negosyong pinapatakbo. And surely, ang mapupunta sa kanya ay ang food corporation na inaasikaso pa ring mag-isa ng kanyang ama. She was pampered by her father. Hinahayaan lang siya nitong mag-enjoy sa buhay dahil alam raw nitong magsasawa din siya sa lime light at matatagpuan nalang ang sarili na nakikialam na sa isa sa mga negosyo na meron ang kanilang pamilya.

And she doubts it. Hindi gustong bulukin ng dalaga ang sarili sa apat na sulok ng opisina, kaulayaw ang computer at mga papeles. Hindi niya gustong maging tulad ng ina at ama na wala nang panahon para sa pamilya dahil walang ibang iniintindi kundi pera at negosyo. Ni wala ang mga itong kaide-ideya sa mga pinaggagagawa niya.

At sinong magsasawa sa mga parties and vacation escapades? Sinong magsasawaang mag-shopping galore? Sinong magsasawang gumastos ng walang patumangga? Suki siya ng airport sa mga nakaraang buwan dahil sa mga out of the countries vacation niya.

Nah! Imposibleng magsawa siya sa ganoong buhay. She could travel the world anytime she wanted.

Halos humalakhak si Chyna kapag bigla nalang kakastiguhin ng ama at ina sa kung saan na naman nagpunta. Pero nagsawa na din ang mga ito sa pangangastigo sa kanya at hinayaan nalang siya. Kung kailan naman hinayaan na siya ay saka naman siya huminto at lumipat ng bagong pagkakaabalahan. At iyon ay ang bar hopping and parties.

She was wild and free!

Hindi siya hihinto hanggang hindi nakukuha ang full attention ng mga magulang niya at pakinggan ang kanyang mga sentimyento.

But for now, she needs to be submissive.

Again.

Kamuntik mag-freeze ang mga bank accounts niya dahil two weeks ago lang ay naibangga niya ang bagong-bagong convertible sports car habang nagmamaneho siya ng lasing. Kung hindi siya magpapakabait ay baka hindi na niya maipagpatuloy ang mga ginagawang pagwawala.

"The party was so boring!" Hindi napigilang sambit ng dalaga sa ina,

Na kulang nalang ay kaladkadin siya palapit sa mga business colleagues ng kanyang ama para ipakilala bilang heiress ng Speckhart Foods Corp. o SFC.

Aware si Chyna sa mga humahangang tingin ng mga naroroon, lalo na mula sa mga kalalakihan. At hindi naman niya masisisi ang mga ito.

Pero hindi niya ma-enjoy ang atensyon.

"Oh, shut up! May makarinig sayo! At ano ba ang masaya na party para sayo? Iyong maingay at may malilikot na ilaw? Yung may mga mahaharot na sayawan?" Yes, they know. Alam ng mga ito ang mga bar escapades niya pero hinahayaan lang siya. Na para bang sinasabing gawin niya ang gusto niyang gawin. "This is more pleasing and formal."

Owning The Heiress (Completed And Published)Where stories live. Discover now