1 (05/29/16)

17 4 1
                                    

KYLIE

NAKABUSANGOT akong pumasok sa paborito naming coffee shop. Padabog pa akong umupo.

Eh paano ba naman kasi, I overheard yung isang grupo ng mga babae na nagbubulung bulungan kanina. Akala nila di ko naririnig yon!

Sinabihan ba naman akong pangit eh I'm so fabulous nga in my black crop top and black mini skirt. Naka choker necklace pa!

Sus, if I know, inggit lang yung mga yun sakin. Hiyang-hiya sa combat boots ko! Ang p-plain lang kasi ng suot na feeling mo grade 6 kung makapagpants at t-shirt na angry birds!

Pasalamat sila late na ako sa tagpuan namin ni Lina.

And speaking of Lina, gosh! May ikakalate pa pala yung babaeng yon!

"Kylie! I'm so sorry I'm late! Si Dice kasi kinalkal na naman closet ko," she said and guilt was written all over her face habang umuupo sa katapat kong upuan. Hay nako, ginawa na namang rason yung dog nya.

I pouted habang nagtatampu tampuhan, "It's okay, I'm already used to it naman na eh. You know, yung laging pinag-aantay. Pinalampas ko na nga yung mga umaaway sakin eh. Kahit gustong gusto ko nang sabunutan ang mga yon, kasi alam kong late na ko. Pero ayun, wala ka pa pala. It's okay."

Sabay kaming naglakad papunta sa counter. We ordered coffee then we went back to our seats while talking.

"Ay ano ba naman yan Ky! 2 minutes lang naman akong late oh. 10 o'clock yung usapan, 10:02 palang ngayon," pinakita nya pa yung wristwatch nya.

"And besides, alam naman nating dalawa na hindi mo naman talaga papatulan ang mga yun. You don't like petty fights," she pointed out.

I shrugged while taking a sip on my hot brewed coffee and munching a slice of my blueberry cheesecake. Mmm, I feel so relaxed na agad. Blueberry cheesecakes are my stress-reliever.

"Whatever Lina. Ay oo nga pala, may chika ako sayo girl!"

"Chika na naman."

Ay, ano ba naman yan. Nakakawalang gana kapag ganito ang kausap mo!

"KJ mo ha! Pero wag ka, about to kay Tristan!"

Automatic naman na napalingon sakin si Lina. Tingnan mo to, pag pangalan talaga ng ex namin ang bilis!

But yes, ex namin. Actually sya talaga yung dahilan kung bakit kami naging magbestfriends nitong babaeng to. I was in college and stupid nang maging boyfriend ko si Tristan. We lasted for exactly 7 months.

Naaalala ko pa noon, nasa DQ kami, celebrating our 7th monthsary. Masaya kami nung nagkkwentuhan with matching holding hands pa when suddenly, a beautiful girl with black straight hair na umaabot hanggang bewang nya ang galit na galit na sumugod samin. I still remember the exact words she said.

"Tristan! How dare you cheat on me!? At sa mismong anniversary pa talaga natin ha!? Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko! You're a worthless fucking bastard!"

Nanggagalaiti pa nun ang babae at pulang pula ang mukha dahil mestiza. Syempre ako naman, I was so shocked back then. I don't know what to do. And then Tristan said "Babe, it's not what you think" or something like that.

And so saka lang sa akin rumehistro na tinu-two-time kami ng lalaking yun. I was so angry at nakalimutan ko na kung anong mga sinabi ko. Nakakahiya pa nga kasi nag-eeskandalo na kami dun. Mabuti nalang at walang masyadong tao. Basta I remember na parehas naming sinampal si Tristan and nagkasabay pa kami sa pagsabing "Break na tayo".

Then the next day, nakaupo ako nun sa park kung saan kami madalas ni Tristan. Tahimik lang akong umiiyak habang minumurder sya sa isip ko nang biglang may marinig akong humahagulgol. And there she was too, Tristan's other girl-- no, I think the appropriate term is original girl. Sabit lang ako. I approached her and patted her back. Tutal hindi nya naman kasalanan. Wala kaming kasalanan. Si Tristan ang may kasalanan.

Nagulat pa sya pagkakita nya nun sakin. But after a while, when she recovered, she then hugged me. We both said sorry at the same time. Yun pala kaya sya nandun sa park ay dahil dun din sila madalas ni Tristan.

"He's a jerk," nagkasabay na naman kami.

"I hate him," and again.

"Mamatay na sya," and again.

Then we both laughed while crying. And that, is the start of our friendship. Napapatawa na nga lang kami ngayon tuwing maaalala namin kung gano kami kabaliw noon kay Tristan. By noon, means 5 months ago.

"Hey Kylie!"

Bumalik yung utak ko sa kasalukuyan when Lina snapped her finger in front of me.

"You're spacing out again," aniya while pouting.

"Ay sorry girl!"

"So, what about Tristan?"

"Oh, yeah. Do you know na may bago na naman yung sira-ulong yun?"

"Really!?"

"Yes! At ito pa ha, tingnan mo yung girl," agad agad kong hinanap sa gallery ng phone ko yung picture nila ng new girl na dinownload ko kanina galing facebook.

Pinakita ko kay Lina and the moment na nakita nya, she bursted out laughing. I laughed din kasi nakakatawa naman talaga.

"Sya?! Hala! Ano ba yan girl, hindi naman tayo informed na bumaba na pala ng husto yung standard ni Tristan! What a downgrade!" sabi ni Lina in between laughter. Like me, Lina is a bit maarte rin naman, but slight lang. Nahawaan ko kasi. Kaso nga lang the difference is reserved pa rin sya gaya ng dati, kumbaga mahinhin parin. And she still have this overwhelming addiction to books, to which I cannot relate to.

"Agree! Look at her! Parang langka na tinubuan ng mukha! At hindi pa naawa sa sarili nya, ginawa pa nyang espasol mukha nya! Seriously, ilang pounds ng foundation ba to?!"

Tawa kami dun nang tawa at napapatingin na nga ang iba (actually halos lahat) sa amin.

We know what we're doing is a little bit--okay, a lot rude, but anong magagawa namin? May tinatago naman kasi talaga kaming galit dun sa babae whose name is Rona.

Nakasalubong namin yan once sa mall, at grabe! Pinagtarayan kami ng husto just because basa yung shoes ni Lina nun. Natapunan kasi yun ng juice.

Grabeng panlalait yung ginawa samin. She even stomped on my brand new Ked's sneakers. I got so irritated that time and I nearly cried because ang dumi ng sapatos nya nun. Hindi nga lang kami makalaban because that's so unlike us lang talaga. And besides, she have 5 little alipores following her. Anong kalaban-laban namin?

But little did I know, sya pala ang magiging bago ng ex namin! Juice colored, what is happening to the world!?

Not The Way You AreWhere stories live. Discover now