CHAPPIE 34 ♚

39.2K 1.1K 31
                                    

"Sh*t." I cussed kasi, dumugo yung ulo ko pati yung iba ko pang katawan. Hindi ko na pinansin si Vieve.

Kay Porsh yung focus ko ngayon. Tinuro niya yung puno at naggesture siya na bumagsak sa akin kaya agad naman akong lumayo kung saan hindi ako mababagsakan.

Mababagsakan na sana ako nang sanga when I cutted the branch into half. Oh, lumalakas siya ah.

Sh*t kasi yang telekinesis na yan. I keep on running while my eyes are focused on every trees falling. Nang tumigil siya, tumigil na rin ako.

Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako alerto sa mga nahuhulog. Pinatamaan ko yung mga batong nalalaglag hanggang sa tumigil na siya.

"Why?" ...are you fvckin doing this, Porsh?

"Oh, ikaw nga pala yung piping lalaki. Hahaha! Pasensya na pero kasalanan niyo naman kasi kung bakit ako naging ganito!" Pinatamaan ko naman yung mga branches na pinapatama niya sa akin. May nahulog na trunk ng puno na agad ko namang hinablot saka pinutol with my bare hands.

"We did not." Matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Ako naman tagatak na ng pawis ang mukha.

"No! Kayo ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito!" Alam ko ang rason kung bakit niya ginagawa ko. Probably revenge kasi never namin siyang ginustong mapasama sa grupo.

Ang babaw para sa amin pero dinidibdib niya iyon kahit puro likod lang ang mayroon siya.

"Your fault, not ours." Sagot ko saka ibinato sa kaniya ang putol na trunk ng puno. Agad naman niyang iniwasan yun pero natamaan parin naman siya kahit papano.

"Hah! Me!? Talagang ako pa ang may kasalanan? Eh kayo nga ang umayaw sakin na mapasali sa grupo niyo! Masakit na pinagtatabuyan niyo ako! Masakit na hindi niyo ako gustong makasama sa grupo niyo!" Spoiled brat, tch.

"Well, okay then." I murmured. Biglang humangin ng malakas kaya, mukha na siyang aswang ngayon dahil nakataas na yung lahat nang buhok niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi rin ako natinag. Binatuhan niya ako ng malaking bato na agad ko namang hinablot at ibinalik sa kaniya. Pero may tumama sa likod ng ulo ko na kung ano pagkatapos ko siyang matamaan ng bato, and everything went black.






------







Hazel's Pov






Bigla nalang akong nakarinig ng ingay sa labas. Mas malala pa sa ingay na ginawa nila nang makalabas ako nang illusyon. What just happened? Sana nga ay walang napahamak sa laban.

Nagulat ako at napahawak sa dibdib nang biglang may bumukas ng pinto ng walang katok katok o kahit pasabi man lang.

"Sorry little sissy! Si Luke kasi," Huminga muna siya ng malalim kasi hinihingal pa siya. Tumakbo yata.

"What happened?" Inilagay niya yung palad niya sa tuhod niya saka naghabol hininga. Maya-maya ay tiningnan na rin niya ako ng diretso. "What!?" Ikinalma ko ang sarili ko kahit na parang may nangyari yatang masamam

"Kaya mo na ba?" Anong kaya? "Kaya mo na bang tumayo diyan?" Gumalaw ako ng konti. Medyo masakit parin pero mukhang kaya ko namang gumalaw.

"I think so." Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan ako ni Andre.

Kinakabahan ako sa nangyayari, panay kabog lang ng dibdib ko. Ayaw naman kasing sabihin ni Andre kung anong nangyayari. Puro 'basta' lang siya, siguro dahil sa medyo pagpapanic niya.

Nakarating na kami sa harapan nang pinto na dahan-dahang binuksan ni Andre. Napatunganga nalang ako at hindi natinag nang makita ko si Luke na nakapikit at naliligo na nang dugo.

It feels like my heart skipped a beat. Inilalayan ako ni Andre paupo, tumulong pa nga si Kodie.

Maayos pa siyang nagpaalam kanina tapos ano na ngayon? Naliligo sa sariling dugo at nakapikit. Hindi pa naman siguro siya patay, ano?

May binulong yung doktora sa nurse at tumango naman ito.

"Labas daw po muna kayo." Tumayo na sila pero hindi ako natinag.

"Labas na daw." Hinawakan na ako ni Andre sa braso.

"Ma'am.." Tawag ng nurse sakin pero nanatili akong hindi natitinag saka hindi makaimik.

Bigla nalang akong binuhat ni Andre palabas pero tulala parin ako.. can't believe na makikita ko siyang ganiyan.

Natulala nalang ako sa kawalan at parang nanuyot yung lalamunan ko.

"He'll be alright." Sabi ni Kodie saka nag-aalalang tumingin sakin.

"Yeah right! Malakas yun! Macho!" Pagpapagaan ni Andre sa atmosphere. Agad naman siyang binatukan ni Rex habang natatawa. Paano kaya nila nagagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon?

'Sanay na kami.' Sabi ni Cymon, na ikinakunot nang noo ko. Minsan lang din kasi ako makakita ng duguang estudyante sa MA ng dahil lang sa training.

"Kalaban na pala siya ngayon." Biglang sabi ni Cymon. Nakarating na kami dito sa room ko at hiniga ako ni Andre sa kama at kinumutan.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Cymon. Kalaban? Sino?

"Kaya nga ehh, mabuti nalang talaga noh?" Ani Rex saka nag-unat.

"Sabi ko na eh, nung una palang ayoko na sa kaniya e." Sabi naman ni Andre. Sinong pinag-uusapan nila?

Nagsiupuan sila habang si Andre naman ay may dalang isang basong tubig at tumabi sakin.

"I'm glad na hindi siya nakapasok sa grupo natin." Sabi naman ni Kodie sabay tanguan nila. Na parang sang-ayon silang lahat.

"Hindi lang siya basta-basta babae, kaya kailangan nating mag-ingat." Sabi ni Andre at binigay sakin yung isang basong tubig. Umupo ako at ininom yun. Still, nakakunot parin yung noo ko.

"Kaya nga." Ani Rex. Naguguluhan parin ako. Tomboy pala yun, ganon? Hindi basta-basta babae?

"Hahaha! Nah, iba kasi." Sabi naman ni Kodie. Huminga ako nang malalim nang matapos kong inumin yung tubig. Medyo bumababa na naman yung lakas nang pintig nang puso ko.

'Teka, ma'am? Pwede na nila akong basahin?' Tanong ko kay ma'am kahit hindi ko alam kung nasaan siya. Ilang minuto at sumagot na rin siya.

'Hindi ka nila mababasa kapag iniisip mo yung nasa ilusyon.' Napatango nalang ako ng palihim doon.

Sino nga ba yung tinutukoy nila? Bakit parang ang laki ng galit nila dun?

"Ganito kasi yun, siya dapat yung dadagdag sa grupo namin." Pag-eexplain ni Rex, katabi nito ngayon si Cymon.

"Tapos, ayaw namin siya dahil sa pinakita niyang ugali. Muntik na nga akong mapatay ng isang yun. Aksidente kuno." Cymon continued saka napailing.

"Kapag gusto niya kasi, gusto niya. Vice versa." Sabat naman ni Rex at palipat-lipat lang sa kanila ang tingin ko.

"Siya si Porsh." Porsh? Kilala ko siya, kilalang kilala. Bakit hindi ko makakalimutan ang babaeng yun?




Royal Academy ♚Where stories live. Discover now