Chapter 7

28K 682 9
                                    

Jared's POV

"Ah guys. May practice daw tayo mamaya" sabi ko sa mga ka grupo ko habang naglalakad kami papasok.

"Okay" sabay sabay na sagot nila. Good boys. Haha.

"Nasaan si boss?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina pa lumabas, may kakausapin ata" ang matalinong si Jiro ang sumagot.

"Sino naman?"

"Kanina nakita ko siyang naglalakad kasama sina Captain Aron at Athan"

"Bakit naman kakausapin ni Boss sina Kuya Aron at Athan?" Nagtatakang tanong ni David. Oo nga. Bakit nga ba?

"Ewan"

Pagdating naman namin sa gym ay nakita namin ang mga team mates namin na nag wa-warm up na.

Si Boss naman at ang Roswell Brothers ay naka-upo lang sa isang bench na malayo samin at seryosong nag-uusap.

Sobrang serious ng mga mukha nila, at medyo nakakunot-noo si captain Aron.

"Mga dude, anong meron at bakit ang seryoso ng tatlong yon?"

Tinignan lang nila sina boss, at sabay-sabay na nagkibit balikat.

**

Zack's POV

Pagkatapos kong maka-usap ang Roswell brothers ay nag umpisa na ang practice namin.

Kung nagtataka kayo kung anong pinag-usapan namin ng mga kuya ni Ashley, well sinabi ko lang naman na girlfriend ko na ang kapatid nila, hindi naman sila galit basta daw wag kong gagaguhin ang kapatid nila. Dahil ipapa salvage daw nila ako, at gusto rin nila na kuya daw ang itawag ko sa kanila.

After ng practice ay pumunta muna kami ng Dark Angel Gang sa rooftop kung saan madalas kaming nakatambay.

Ipinaayos ng parents ko ito para talaga samin, may bubong ang kalahati ng rooftop kasi nandoon ang mga malalaking sofa, may tv din, at mini ref, At dun naman sa bahaging walang bubong ay may mga halaman at bulaklak na nakatanim, at meron ding swing.

At hindi ka basta-basta makakapasok dito, dahil may password ang pinto na tanging Dark Angel Gang lang ang nakaka-alam.

"Boss, bakit mo kausap ang Roswell brothers kanina?" Tanong ni Kyle sakin.

Napatingin ako sa kanila, at nakita kong nakatingin silang lahat sakin.

Uhm.. I think pwede ko namang sabihin sa kanila ang tungkol kay Ashley, diba?
Lalo na kay David at Ken kasi pinsan nila yun.

"Actually, i just told them na girlfriend ko ang kapatid nila"

"Kapatid? You mean si Princess?" Si David habang naka kunot noo pa.

"Girlfriend mo ang pinsan namin?"

"Yeah"

"Paano? Kailan pa?"

"Yesterday" sagot ko.

"Kahapon pa pero bakit walang sinasabi si Princess samin?"

"Wait lang ha, hindi kasi namin kayo ma gets, sino ang pinag-uusapan niyo?" Takang tanong ni Liam habang palipat lipat ng tingin sa aming tatlo.

Heto ang isa sa mga ayaw ko eh, ang mahabang palinawagan, masyadong maraming tanong.

"Si 'Princess Ashley Perez Roswell', ay bunso at nag-iisang kapatid ng Roswell Brothers, at sa pagkaka-alam ko ay nag-iisang pinsan na babae din nina David at Ken, ay girlfriend ko na kahapon pa"

"Wow, for the first time nagka girlfriend ka na boss" ani Liam. Nang aasar ba siya?

*death glare*

"Hehe, nagbibiro lang boss"

Si David naman ay seryoso lang na nakatingin sakin, pati ang makulit na si Ken.

"Zack, tell me, seryoso ka ba sa pinsan ko?" Naka kunot noo pa si David sa tanong niyang iyon.

"Halata naman siguro"

"Boss, wag na wag mong sasaktan ang pinsan namin, mahal namin yon, pag pinaiyak mo yun kahit na kaibigan kita, baka mapatay kita"

**

Jiro's POV

Grabe ang ang serious nina David at Ken.
Mahal na mahal siguro talaga nila ang pinsan nila.

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas si boss, nasa baba daw kasi ang mama niya at pinapatawag siya.

"Uy Ken, maganda ba yung pinsan mo? Parang tinamaan ng husto si boss eh"

"Syempre, wala namang pangit sa pamilya namin"

"Tss, yabang!"

"Pero ano bang itsura? Bakit parang hindi pa namin nakikita?"

"Well, kapag kasama namin siyang gumagala ay siguradong napapatingin sa kanya ang mga tao, napagkakamalan pa nga siyang artista o model eh, at talagang hindi niyo pa siya nakikita kasi nasa Korea yun eh" sambit ni Ken.

"Hanep, ang swerte siguro si boss"

"Mabait ba?"

"Mabait naman, tsaka sweet, ang kaso may pagka spoiled brat, at matigas ang ulo" natatawang sabi ni David.

"At nagiging partner in crime ni Ken pag magkasama"

"Ha, bakit naman?"

"Hey, siya ang nakakaisip ng mga ganung pranks, nagpapatulong lang siya saken"

"TSS.. Kaya nga lagi kayong pinaghihiwalay eh"

"A-anong klaseng pranks?"

"Madami, katulad nung mga bata kami, nang may reunion ang family perez sa isang resort, inutusan nya ako na lagyan ng kulay pink na liquid food color ang buong pool, kasi ayaw nya ang kulay blue dati"

"Mahilig kasi syang mag explore sa mga bagay bagay, halos lahat gusto nyang subukan"

"Talaga? Astig"

**

Hazlyn Styles

The Gangster and The Princess (✔️)Where stories live. Discover now