#42

5.6K 149 77
                                    


3RD PERSON POV

           

             Napangisi si Luna. Ilang oras nalang at babangon na ang 'New Dark Lord.' Binago ni Luna ang takbo ng pangyayari dahil alam ni Luna na sasabihin ng taksil na si Kassandra ang plano nilang mga Darks kaya inutakan niya ang napakagaling niyang kapatid. Nakipagsanib pwersa na rin ang ibang mga nilalang na nakatira rin sa Underworld tulad ng nasa kanyang plano. .

Namumuhay ngayon ang mga Lights sa planong kanyang matagal nang naisipan. Pinaniniwalaan ng lahat na ang kanyang Ama ang magpapabagsak sa lahat ng kaharian pwes duon sila nagkakamali. Matagal nang WALA sa mundo kinabibilangan nila ang DARK LORD hindi alam iyon ni Kassandra tanging siya lang at ang Reyna ang nakakaalam ng katotohanan. Sa katunayan ay dati ay wala talagang posibilidad na manalo sila laban sa mga Altherian beings pero dahil nasa kanila ngayon ang pinagmamalaking alas. . Sigurado siyang mapapabagsak na nila ang mga kaharian at nararapat lang na sila ang umupo sa trono at mamuno sa buong mundo.

"Mga kaawa awang Altherian Beings.. Tuluyan nang nahulog sa patibong. Next step? I want that Mystique Academy DOWN."

***

Lahat ay nagsimula nang maghanda sa palapit na digmaan isinantabi na muna nang lahat na nawawala ang Prinsipe tanging magpapabagsak sa Dark Kingdom. Naghanda na rin maging ang lahat ng kaharian sa Altherianavi gumalaw na rin ang Hari ng Light Kingdom upang pamunuan ang lahat.

Maging ang mga estudyante ng Mystique ay dumaan sa matinding pag eensayo habang nawawala ang Prinsipe. Mas triple naman para sa mga matataas ang Rank.. Walang oras ang kanilang sinayang hindi nila alam ang mga plano ng Darks. Bawat oras ang lumilipas sunod sunod lang na balita ang kanilang nalalaman sa labas ng Mystique Academy.

"Sui.." Tawag ni Alyssa kay Sui na ngayong pinagsakluban ng langit at lupa. Seryosong seryoso ang itsura neto simula nang malaman nilang napabagsak na ng mga Darks ang kaharian ng Water Kingdom labis na nag aalala si Alyssa kay Sui ni wala ngang balita sa pamilya ni Sui kung ligtas ba sila o kung ano pa man..

Napayukom palad si Sui hindi niya na alam ang gagawin gusto niyang sugurin ang mga Darks na paniguradong nasa kaharian nila. Pero hindi siya pwedeng kumilos mag isa. . Napapikit siya ng mariin iniisip niya palang maraming nabawian ng buhay na galing sa kanyang kaharian ay parang tinutusok ng napakaraming karayom ang kanyang puso. Masama man ang turing ng Reyna sa kanya hindi pa rin naman mawawala kay Sui ang pagmamahal niya sa pamilyang pilit niyang kinalimutan at ang mga tao ng Water Kingdom.

"Magiging maayos rin ang lahat.. Ayos lang sila. Magtiwala ka sa kanila Sui. Sigurado akong nasa maayos silang kalagayan." At inakap ni Alyssa si Sui ayaw niyang nakikita ang nasasaktang itsura neto mas gusto niya pa ang pilyong palaging kumukulit sa kanya

***

Humingang malalim si Shiori. Malaki ang pagbabago neto mas naging malakas at seryoso kahit na nasasaktan siya sa tuwing maririnig na may napabagsak ang mga Darks ay naiinis siya dahil wala man lang siyang magawa para protektahan ang mga ito. Sigurado siyang lahat sila ay iisa lang ang nararamdaman mahigpit na ipinagbawal ni Headmaster na walang kikilos ni isa sa kanila ng walang paalam. Ngayon ay wala si Headmaster at kahit delikado ay nagtungo ito papuntang Light Kingdom si Prince Knight ngayon ang namamahala sa Mystique.

"Ano nang plano natin? Hindi tayo pwedeng tumuganga lang rito habang nagkakagulo na sa labas ng Mystique." Seryosong sabi ni Shiori wala naman nang iintindihing Kaharian si Shiori dahil katulad lang ng Water Kingdom ay pinabagsak ito ng mga Darks pinagdasal niya na sana ay nasa mabuting kamay ang pamilya ni Sui at maging mga taga Water Kingdom

Mystique Academy (2014)Where stories live. Discover now