KABANATA 31

37.4K 343 6
                                    

KABANATA 31

BASEHAN

Hapong-hapo na ako sa kakalakad pero hindi ko ito pinakita sa mga head ng magazine habang ako'y naglalakad sa entablado. Kailangan kong mapili para makabalik kaagad ako sa team A. Pahirap ang mga ginagawa dito sa Team B.

"Good job, Summer. " Puri sa akin ni Yanni, isa sa mga stylist ni George.

"Thanks, Yanni."

Madali akong bumalik ng kwarto para makapagpalit na ng damit at makauwi na. I want to rest big time.

Madali kong ginawa ang mga dapat kong gawin. Isang itim na shorts and maluwag na shirt ang sinuot ko para maging kumportable na ako. May nakita akong malambot na sofa sa gilid kaya doon ako nagtungo para magpahinga sandali. Para akong hinahatak palapit dito at hindi ko iyon matanggihan dahil sa sobrang pagod. 

Napamura ako ng mahina ng makaupo ako at maramdaman ang ginhawa sa buong katawan ko. Sandali akong pumikit para magpahinga. Ang maingay na kwarto ay unti-unting naging natihimik.

Napamulat ako para tignan ang nangyayari. I was surprised when I saw Timothy in front of me. Naestatwa ako ng unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko at maingat na inalis ang sandals sa mga paa ko.

"Aww. Sila na ba?" Kumento ng isa kong kagrupo.

Naging maingay ulit ang kwarto dahil sa bulung bulungan ng mga co-models ko.  Napaayos ako ng upo at sinubukang kuhain sa kamay niya ang mga sapatos ko pero itinago niya iyon sa likod niya.

"Timothy. " Reklamo ko pero nginitian niya lang ako.

He's always like that. Umaarte na parang may namamagitan sa aming dalawa. Simula ng nangyari iyon isang linggo na ang lumilipas ay hindi na niya ako tinantanan. Araw-araw siyang nasa studio na kinagugulat ng karamihan. Araw-araw pinapadalhan niya ako ng pagkain.  Pero pagdating ng tanggali ay aalis din siya dahil kinakailangin niya daw pumasok sa opisina nila.

Hay. Ang swerte ko naman kung totoo ito. Napatitig ako sa mukha niyang maaliwalas. Nasasanay na akong sabayan siya sa pagtitig sa akin kahit na masyadong nakakaitimidate ang pagtitig niya. Nalulusaw ang puso ko sa tuwing tinititigan niya ako. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ako mapakali sa tuwing nandyan siya.

"You look so tired. Namumula na iyang paa mo." Saad niya. Hindi ko napansin na may isang paper bag sa gilid ko kung hindi niya pa iyon kinuha. Nilabas niya sa isang box ang pares ng malambot na doll shoes at tinabi naman ang sandals ko sa paper bag.

"I'm okay with my sandals. You don't have to-"

"Well, I'm not. Tara na?" Napatagilid ang ulo ko dahil hindi ko naintindihan iyong sinasabi niya.

"Saan tayo pupunta? Wala ka bang pasok?" Umiling siya at nginitian ako ng pagkatamis tamis. Jusko pakisalo yong puso ko baka mahulog ng wala sa oras.

"Basta." Saad niya at sinikop na ang mga gamit ko. Siya na ang nagbuhat ng mga ito paglabas namin ng kwarto. Naririnig ko ang pagbubulungan ng nga kasamahan ko. Paniguradong maraming maiinis sa akin nito. May iba pang sinundan talaga kami at nagkunwari pang uuwi na rin pero ang totoo ay nakikichismis lang.

Nahuhuli ako sa paglalakad at pinagmamasdan lang ang matipuno niyang likod. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ito dahil maging siya mukha namang sinasakyan lang ako kawisyuhan ko.

Lumingon siya sa akin at kinunutan ako ng noo. Hinila niya ako palapit sa kanya. Bago pa man kami makalabas ay nakita na kami ng mga producers ng ibang magazines maging sila George na kakalabas palang ng meeting room.

Drifting Memories (Summer Love Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon