Chapter 4: Awakening

34.6K 752 10
                                    

Alexandria Davis POV

(see the right side for Alexandria's Picture)-----> 

Katatapos lang nang klase namin at papunta na kami nila best sa canteen ng biglang nagliyab damit ni best Venus. At alam ko na hindi sakin galing ang apoy na iyon. I swear and yes as you can see my element is fire. But still, may ibang tao may gawa noon.

At nabigla naman kaming tatlo ng may binigkas si best tas biglang naglaho ang apoy at tumingin siya sa mga tao sa canteen at nanggagalaiting sumigaw.

'Who did this?' maawtoridad na tanong niya sa may estudyante na nasa canteen, But still wla parin sumasagot at bagkus nagbulon-bulongan pa sila.

'I said who did this?' Galit na tanong niya ulit at pati kami ay natatakot narin kasi nag-iba aura niya at shocks lumindol pa.

At biglang humawi ang mga estudyante sa bandang kanan ni best Venus . At may nagsisulputan na tatlong babae doon.

'Ako bakit?' mataray na sagot nang babaeng nasa gitna.

Huminga muna si best ng malalim at pagkatapos ay pinagaling niya sugat niya. So Spell Chanter siya tapos Healer pa? At tinignan niya ang mga ito  nang masama.

'Oh bat ang tahimik mo bitch? Natakot ka?' sabi pa nang babae. At siguro ako na malaking gulo ito kasi alam ko iyang si best hindi yan basta-basta nagpapaapi.

' You'll pay for this.' sabi niya doon sa babae.

'Oh really?' *pakk*, oh my god sinampal niya bestii namin. Nakakainis nato ah.

'How dare you.' biglang sigaw ni best sabay tulak sa bababe. At kasabay noon nagkanda-basag-basag salamin ng school at biglang nahimatay si best.

Agad namang may nagsidatingan at isa doon si Ms. Principal.

At agad naman nilang dinala si best at iyong babae sa clinic sa pamamagitan ng pagteteleport at syempre sumunod kami.

Pagdating namin sa clinic eh 50/50 na iyong babae at sabi ng doctor halos nagkabali-bali na ang buto nito. At kinakailangan nila itong dalhin sa isang private laboratory para maobserbahan at gumamit ng maselan at delikadong majika upang mailigtas ito.

Si best naman ay kasalukuyan na walang malay. Pinaalam narin namin sa mommy at daddy niya ito at agad naman silang dumating.

At ayon sa kanila hindi lang daw ito ang unang bisis na nangyari ito dahil noong 5 years old palang daw si Venus eh nangyari nato. Inaway daw ito ng kalaro at noong sumigaw ito ganito rin ang nangyari. At buti nalang walng nasaktan dahil nakagawa ng shield si Mr. Lincoln. Natrauma daw iyong bata pero buti nalang nabura niya alaala nito para hindi na maapektuhan pa. 

Magtatatlong araw na ngunit hindi parin siya nagigising at dahil doon nilipat na siya sa ospital ng school. Pati iyong babae eh mas lalong hindi pa dn. At ang babae palang iyon ay si Stacy, Sophomore students at sikat sa school dahil sa husay nito. Ngunit marami din galit sa kanya dahil may pagkabrat ito at may pagkaabusado dahil anak ito ng kanang kamay ng kaharian ng Greenshia.

Actually may bad news na pweding mangyari. Kasi pinag-aaralan na ng mabuti ng mga counsel ang mga nanyari at pweding ma kicked-out si best sa school na ito dahil sa nangyari sa babae na nasa critical stage hanggang ngayon. And worse pweding I SEALED ng mga counsel ang kapangyarihan ni best pag nagkataon at hindi lang basta-bast seal ng isang buwan o taon. Its for lifetime.

At para din sa babaeng iyon. Kung sakali man na magising siya ay may kahaharapin din siya na parusa. Dahil one of the policies nang school eh bawal gumamit ng kapangyarihan kong hindi pinahihintulutan. At sa pangbubully niya may karampatan din iyong parusa at pweding-pwedi ring ma sealed ang kapangyarihan niya ng one month, one year or lifetime din depindi sa desisyon ng counsel.

Mag-aapat na araw na naman ngayon hindi parin siya nagigising sobrang nag-aalala na kami sa kanya lalong-lalo na ang parents niya. At sa apat na araw na ito eh lagi kaming bumibisita nila Casey at George dito tuwing vacant, lunch o pagkatapos ng klase.

At kasalukuyan ay pumapasok kami ngayon sa klase namin at mamaya-maya ay dadalaw nanaman kami doon. Hay sana magising na siya at bumalik na sa dati ang lahat.

Halos wala kaming tatlo sa pag-iisip hanggang sa matapos ang last subject namin. Napagalitan pa nga kami ng guro namin eh kasi lumilipad daw utak namin. Hay hirap namn nito, mapuntahan na nga namin si best.

Tok... Tok... Tok... katok ni George sa pintuan ng room ni Venus.

'Tuloy.' sagot ni Mrs. Lincoln at pumasok na kaagad kami.

As usual wala parin siyang malay, ganoon parin. Hay naku.

Mga isang oras nariin kaming nagbabantay dito nang biglang gumalaw daliri ni best.

'Guys nakita niyo iyon? Gumalaw daliri ni bes.' wika ni casey at tumingin kami sa gawi ni best. At mayat-maya nga gumalaw ulit at tumawag na kami ng doctor.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Venus POV


'Bumalik kana, isa kang bukod tangi. At sa pagdating ng panahon matutuklasan mo rin ang lahat.' sabi ng napakagandang babae sa akin.

'Doc gumagalaw po ang daliri ng aking anak.' Teka anong ingay iyon?

Sa pagmulat ng aking mata ang una kong nasilayan ay ang puting kisame at may mga tao sa gilid ko na hindi ko mawari kong sino-sinu.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon