My Closet Queen (Chapter 71)

10.5K 173 12
                                    

Bonus Chapter

SAM

Pagkadating na pagkadating namin sa resort kanya kanya kami punta sa mga assign room dahil magpapahinga muna kami dahil nakakapagod ang ilang oras na byahe din.

Nagdadabog na pumunta sakin si Giezel

" bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya pero pinipigilan ko yung tawa ko dahil bugbog ang abot ko pag nalaman nyang pinagtatawanan ko sya

Tumingin lang sya ng masama sakin pero bago nya pa ako saktan, saktong padating si Jess kaya tumakbo ako at nagtago sa likod ni Jess. Nagtaka naman sya kung bakit ako nagtatago sa likod nya kaya tinuro ko yung babaeng parang mangangain na ng buhay

"bwisit ka Sam plano mo tong lahat no?" inis na sigaw sakin ni Giezel dahil hindi sya makalapit sakin dahil pinanghaharang ko si Jess

"wala akong ginagawang masama ah!" natatawa kong sagot sa kanya pero hindi ko mapigilan matawa talaga dahil sa reaksyon nya

Hindi nagtatanong si Jess kung bakit dahil alam nya na siguro dahilan kung bakit ganito si Giezel, saka kaya pumapayag sya ipangharang sarili nya

"humanda ka sakin, Jess umalis ka dyan makakatikim sakin yang jowa mo" inis na sabi ni Giezel kay Jess

Napailing nalang si Jess halatang pinipigilan din nya matawa dahil malamang ay malalagot din sya kay Giezel.

"okay! Aalis na ako kayong dalawa umayos kayo ang daming tao dito oh parang kayong mga bata" sabi ni Jess na natatawa na

"baby wag mo ako iwan dito mababali buto ko sa babaeng yan" kapit ko sa bewang ni Jess

"dun ka na nga sa kwarto mo, kailangan natin magpahinga, mas lalo kailangan mo magpahinga mukhang may laban ka mamaya" sabi ko naman kay Giezel na lalong nainis dahil sa huli kong nasabi

"bwisit ka talaga!!" sumugod sya at buti nalang talaga nandito ang baby ko kaya tawa ako ng tawa at hindi ako mahuli nya

"hindi ako dun matutulog!"

"Choosy si ateng!"

Sabay sabay kaming napatingin sa nag mamay-ari ng boses nay un nasa likod sya ni Giezel

Pero si Giezel pagkakita nya kung sino nagsalita nun ay agad agad nyang binalik yung tingin samin pero kung kanina inis yung itsura nya ngayon namumula sya na nahihiya

"bakit hindi ka dun matutulog? Natatakot ka no?" sabi ni Samuel na nakangiti

"bakit ako matatakot?" sabi ni Giezel

"natatakot kang ma turn off ako sayo pag narinig ko yung pagkalakas-lakas mong hilik at makita ko yung panis na laway mo pag gising, at baka Makita ko yung gagawin mong mapa sa unan"

"bwisit ka talaga eh no!" sasapakin sana nya si Samuel pero mabilis nakaiwas si Samuel at ayun yung dalawa magkayakap na dahil sumubsob si Giezel kay Samuel nagkatitigan lang sila

Hay! Etong dalawa na to gumagawa pa ng eksena.

"Tara na baby pumunta tayo sa kwarto natin, may nalalaman pa yung isa dyan na ayaw pero hindi na nakaalis sa mga bisig oh!" sabi ko habang dumadaan kami sa dalawang love birds na dati ay aso't pusa.

Natauhan si Giezel at agad agad na tinulak si Samuel para makaalis sa mga bisig ni Samuel. At ayun humabol samin ni Jess dali dali na kinuha yung card ng room naming at sya na nagbukas.

"Huy! Hindi dito room mo" tapik ko kay Giezel dahil nakadapa sya sa kama

"ayoko dito ako, lalo na sa nangyari kanina ayoko na!" sigaw nya habang nakasubsob yung mukha nya sa unan

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now