Chapter 10

2.6K 136 30
                                    


     Pagpasok ko pa lang sa NHU marami nang sumalubong na mga estudyante sa'kin. Lahat sila ay nakangiti habang ang iba naman ay may hawak na mga cartolina at may nakasulat na "Welcome back, Zoey."

"Kamusta ka na Zoey?"

"Okay ka na ba?"

"Tuloy ba 'yung concert mo, Zoey?"

Ilan lang 'yan sa mga tanong na naririnig ko.

"Okay na ako. Maraming salamat sa mga dumalaw sa ospital at sa mga nagbigay ng mga regalo." nakangiting sabi ko sa kanilang lahat at yumuko.

"Guys, 'wag n'yo munang dumugin ang best friend ko kagagaling lang niyan sa aksidente baka madala na naman sa ospital." singit ni Kyla.

"Sige Zoey. Bibili na lang kami ng ticket para sa concert mo. Hindi na kami makapaghintay." tumingin ako sa isang estudyante na nagsabi non.

"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanya. Hinila naman ako ni Kyla palayo sa napakaraming estudyante.

"Grabe ka na talaga bessy. Instant celebrity ka na!" tuwang tuwang sabi niya.

"Tumigil ka nga Kyla. Hindi kaya."

"Uy pa-humble ka pang gaga ka! Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa isa ka na sa sikat na sikat na mga singer sa buong mundo." nakangiting sabi niya.

"Tara na nga! Kung ano ano pa 'yung iniisip mo d'yan." hinila ko na siya papunta sa classroom namin.

"Uy Zoey, tingnan mo! Si Cyrus 'yon 'di ba?" napatingin ako sa tinuturo niyang kulay itim na kotse. Nakita ko si Cyrus na naglalakad papunta sa kabilang pinto ng kotse at binuksan niya iyon. Lumabas naman si Kathleen.

"Grabe talaga 'yang Kathleen na 'yan! Hindi pa naman sila break ni Patrick pero sumasama na siya kay Cyrus." inis na sabi ni Kyla.

Napaiwas ako ng tingin nang makita kong hinalikan ni Cyrus si Kathleen sa pisngi nito.

Grabe naman Cy. Lantarang panloloko na 'yang ginagawa mo ah! Boyfriend kita!

Mahina kong hinampas ang magkabilang pisngi ko.

Oo. Boyfriend mo siya Zoey. Boyfriend mo siya noong mga panahong isa pa siyang multo.

Mariin akong napapikit dahil sa mga naiisip ko.

"Tara na Kyla, baka ma-late pa tayo sa klase natin." nagsimula na akong maglakad, hindi ko kayang tingnan ang lalaking mahal ko na hawak ang kamay ng babaeng mahal niya.

Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko para hindi ako maabutan nila Cyrus pero paghakbang ng kanang paa ko, dumulas ito. Parang nag slow motion ang paligid. Napapikit na lang ako at hinintay kong bumagsak ako sa sahig pero wala akong naramdamang kahit kaunting sakit.

"Bakit ba hindi ka nag-iingat?"

Agad akong napadilat nang marinig ko ang boses na 'yon. Tumambad sa'kin ang kulay itim niyang mga mata.

"Tititigan mo na lang ba ako hanggang mamaya?" tanong niya kaya natauhan ako.

"Buti na lang at nasalo kita. Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" tanong niya nang makatayo na ako ng maayos.

"M-May iniisip lang ako." sagot ko sa kanya.

"Grabe ka talaga Bessy! Kakagaling mo lang sa aksidente tapos maaaksidente ka na naman? Masyado mo naman yatang inako ang kamalasan sa mundo." sabi naman ni Kyla. Napatingin ako sa kanya at sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Si Nick Mendoza. Ang drummer ng Black & White.

I'm in Love with a Ghost (Completed)Where stories live. Discover now