Chapter 45 *He's the one*

1.1K 37 7
                                    

~Daily words~

Put your trust in the Lord.

Psalm 4:5


Sofia's Pov


Automatic na tumulo yong luha ko nong sinabi niya ang salitang 'yon nakalimutan niya nga lahat 😞.


"Aray ang sakit ng katawan ko. Ano ba nangyari sa akin? Ba't wala akong maalala? kapatid ba kita.?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya bumukas bigla 'yong pinto at pumasok sina Justin at henry.

"Sofia gising na pala siya." Justin.

"Andiyan na pala kayo." Pinahid ko na luha ko.

"Sino ba kayo?" Medyo mahina niyang sabi.


Hindi ko na napigilan yong emosyon ko lumabas na ako nakakahiya kina justin at henry na umiiyak ako sa harapan nila. Lumabas ako ng hospital at nakita ko si Dave papunta sa kinaroroonan ko.


"Sofia." inalukan naman niya ako ng panyo at umupo sa tabi ko.

"Gising na ba siya?." tumango naman ako.

"Dave wala na siyang maalala ;(."

"wag kang mag-alala Sofia maalala rin niya ang lahat. Tiwala lang."

"Magdidilim na hindi ka pa ba uuwi ?" alalang tanong sa akin ni Dave.

"Sige uwi na tayo bukas ko na lang uli dadalawin si Ethan."


Aalis na sana kami ni Dave nong may tumawag sa pangalan ko.


"Sofia!!" sigaw ni Justin kaya napahinto kami ni Dave sa paglakad

"Sofia hinahanap ka ni Ethan." hindi ako makapaniwala na sinabi yon ni Justin kaya dali dali na akong pumunta sa room niya.


Pagdating ko nakatingin siya sa akin hindi ko alam anong nararamdaman ko bumibilis yong takbo ng puso ko tapos nagsloslow down yong paligid ko.


"Sofia." binanggit niya yong pangalan ko ;)

"Ethan. *sabay tulo ng luha*" lumapit ako sa kanya.

"Wala man akong maalala kung sino ka man sa buhay alam ko mahalaga ka :)" hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko halo halo >.< ;( ;).


Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya.


"Wag ka ng umiyak papangit ka niyan." natawa naman ako sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan yong iyak ko.


Kinabukasan dahil walang pasok dahil sabado pumanta ako ng grocery store para bumili ng prutas para kay Ethan nong tapos na ako bumili lumabas na ako ng grocery store nagulat akong may tumakip ng bibig ko at piniring yong mata ko at sinakay sa van.


"Sino kayo?!!!! hoy pakawalan niyo ko.!!"

"Hahahaha ganda naman niya." sabi nong lalaki.

"Hoy wag niyong galawin papagalitan kayo ni boss niyan!." sabi nong lalaki.

"Ano ba kailangan niyo sa kin.?!!!" nag-umpisa na akong umiyak dahil takot na takot ako.

Isang HAHA mo pa, HAHAlikan na kitaWhere stories live. Discover now