ENTRY 3.4: Bésame Mucho (Kiss Me A LOT)

16 2 0
                                    

Chapter 3:



"Hazel, nakita mo ba yung nasa business dapartment! Grabe ang gwapo nila!" kilig na tili ni Cynthia.

"Naku, wala akong panahon diyan. Kumukuha ako ng Law diba? Kaya busy ako," sabi naman ni Hazel at ibinalik ulit sa libro na binabasa ang kanyang atensyon.

"Pa'no kung ako na ang kumausap sa'yo at hingin ang iyong atensyon?" biglang singit ng isang baritonong boses.

Muntik nang matumba si Hazel sa gulat. Tumili si Cynthia nang Makita kung sino ang nagsalita.

Si Marc. Isang nakangiting Marc ang nakita ni Hazel na nakatayo sa kanyang harapan.

Sayang.

Yung lang ang maisip kong salita ngayon.

Medyo luting pa ang utak ko nang makabalik ako sa kwarto ni tita. Gising na pala siya.

"Tita, nakita ko na ang anak ni tito Marc. Magkamukhang-magkamukha sila, tita. Parang pinagbiyak na bunga."

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na tantanan mo na yang pag-asa na yan! Ang tigas din ng ulo mo?! Sinabi ko ng tumigil ka na!" Nagwawala na si Tita Hazel kaya agad akong pumunta sa Nurse Station upang humingi ng tulong.

"Hindi pwede, Cassy. Hindi na mangyayari ang gusto mo," paulit-ulit na sabi ni tita Hazel habang pinagtutulungan siyang pakalmahin ng mga nurses at doktor. Nagwawala parin siya kaya wala silang ibang magawa kundi saksakan siya ng pampatulog.

Walang humpay sa pagtulo ang aking mga luha. Wala naman akong ibang hiling kundi maging masaya si Tita. Wala na siyang ibang ginawa kundi ibuhos ang kanyang sarili para sa mga taong mahal niya. Saksi ako sa mga sakripisyo niya. At utang ko lahat pati buhay ko kay Tita. Siya na lang ang nag-iisang kong pamilya.

"Pag nagising siya inform mo na lang kami," sabi ng doktor at umalis na.

Umupo ako sa tabi ng Tita ko."Tita hindi lang ako ang umaasa. Kahit hindi mo aminin, alam ko na hinahangad mo pa din siyang makita. Nararamdaman ko, ang paghihirap mo tita. Kahit ngayon lang sana. Kanhit ngayon lang pumayag ka na magkita kayo," naluluha kong sabi sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

"Akala mo ba matutuwa siya dyan sa ginagawa mo?"

Nagulat ako sa boses kaya agad akong lumingon upang tingnan kung sino ang nagsalita.

"I-ikaw?" Siya yung lalaki kanina. Yung anak ni tito Marc.

"I forgot to tell you my name kanina. I'm Niel nga pala."

I nodded. "C-Cassandra. Call me Cassy, for short. Pa-paano ka nakarating dito? How did you know?"

"Bumalik ako. May kilala akong doktor dito kaya ipinagtanong ko kung saang room kayo. Ipinakita ko lang yung picture ng tita mo kasi di ko naman sure kung anong apelyido ninyo."

"B-bakit?" maang na tanong ko.

"Alam kong nasaktan kita kanina. Surprisingly, nakaramdam ako ng guilt. Kaya bumalika ako. And besides, I need to know more about the situation. There's this part of me who wants to hear your side."

"Salamat kung ganon," I said. Napagod ako sa kakaiyak kaya wala na akong lakas para kwestyunin pa kung ano talagang totoong motibo niya. Mas mabuti na rin nandito siya. Atleast may kasama ako.

"Anong bang sakit ng Tita mo?" he asked gently. Tiningnan niya ang walang malay na katawan ni tita.

"Cancer, Stage 4. May bato siya sa bladder niya. Magpapa-laser treatment dapat siya kahapon pero bigla na lang siyang nawalan ng malay. Nakita sa mga test results na may cancer cells pa lang umakyat sa utak niya. Di kasi niya sinabi na may nangyayari na pala. Umiihi na pala siya ng dugo pero di man lang niya sinabi sa akin. Worst, medyo matagal before niya naisipang magpa-check up." Di ko napigilang umiyak sa harapan ni Niel.

Behind The Lines: A PRWC Book ProjectWhere stories live. Discover now