Anong Mararating ng Piso Mo? [One shot]

119 3 2
                                    

Napabuntong hininga si Janna, tila hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa sandamakmak na problema. Ilang beses na syang nag-apply sa kung anu- anong trabaho ngunit di pa rin sya natatanggap. Hindi na nya alam kung kanino pa ba sya hihingi ng tulong at kung saan siya kukuha ng kanyang panggastos araw-araw.

Dinukot niya ang natitirang barya sa kanyang bulsa; isang limang piso at tatlong piso, sakto lamang para sa pamasahe niya pauwi. *BLAAAAAAAAG* Di niya napansin na may isang lalaking nagmamadali ang paparating kaya sila ay nagkabanggaan. “Miss, tumingin ka naman sa dadaanan mo!” naiinis na sabi ng lalaki saka umalis. Nahulog ang mga barya sa kamay ni Janna kaya agad nya itong pinulot , ngunit kulang ito ng piso. Natataranta nya itong hinanap, hindi pwedeng magkulang pa ang pamasahe nya pauwi. Nakita naman nya ito kaagad na gumugulong sa kalsada, napakaraming tao noon kaya nahirapan sya sa paghahabol. Tuloy tuloy ang piso sa paggulong hanggang makapasok ito sa loob ng simbahan. Tumigil din ito sa paggulong at agad niya itong dinampot.

Biglang napangiti si Janna. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos nyang pulutin ang pisong iyon. Napatingin sya sa may altar ng simbahan, napangiti ulit sya. Agad naman niyang nasagot ang mga katanungan sa isipan niya.  Naalala nyang may nakalimutan pa pala syang lapitan. Dahan dahan siyang lumuhod at taimtim na nagdasal. Masayang umuwi si Janna na parang bang wala na syang problema. Hindi na muling sumimangot si Janna sa mga problema dahil alam niyang may kasama siya at may tutulong sa  kanya. Naniniwala siyang masasagot din ang mga panalangin niya.

Kinabukasan…*Kriiiiiiing* tumunog ang cellphone ni Janna at agad naman niya itong sinagot “Hello? Ito ba si Janna Martinez?” sabi sa kabilang linya. “ Opo, ito nga po. Bakit po?” pagtatanong ni Janna. “I’m the secretary of GDVQL Co. Nabasa namin yung application form mo, pwede ka na bang magsimula sa Lunes?”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's note: Helloooooooooo! Kamusta! lol Sa wakas after 123456789 years nakapag-wattpad din at nakapag-post ng story. Actually dati ko pa 'to ginawa for our school newspaper. Nakalkal ko lang kaya naisipan kong ipost ditech.  Sana na-inspire kayo kahit konti lang. xD Salamuch! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anong Mararating ng Piso Mo? [One shot]Where stories live. Discover now