Prologue+Chapter 1

55 2 0
                                    

"Fangrling is my job and Baekhyun is my ECSTACY"

~~~Andrea Roline Cortez

Posters, Magazines, at mga song hits ng exo. Ano pa ba ang kelangan kong bilhin??                                      AH!! may concert pala sila this coming month!! kelangan kong makabili nun SVIP dapat para makita ko nang harapan si BAKHYUNMYLOVESS !!

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip kung ano pa ang mga upcoming events ng exo ngayong month nang sumigaw ang BABAITA kong BESTFRIEND

"ANDREAAAA  !!!    wala ka bang balak sagutan yang test paper moooo?? FYI, 30 mins na kaming naghihintay na matapos ka para sa 15 items quiz na yan!" HA? totoo?? nakuuu, sa kakadaydream ko kay fiance di ko napansing ako na lang pala ang hinihintay.

"Eto na nga po DEANNE  ARTEMIS SPENCER sasagutan na. Sorry po ma'am. "sabay tapon ng tingin kay ma'am na inip na inip na.

Pagkatapos ng 987654321 years, natapos ko rin. Putahamnida, ang hirap nun ah!! Buti sana kung yung quiz eh tungkol sa height ni boyfriend,weight, type sa babae, hate niya, fave food, likes, fave actor, SAKALING MAPERFECT KO PA.

"BESTIEEEE~~-- kamusta yung quiz? Ang dali diba? Sabi sayo eh, basta mag-aral ka lang.!" oo, deanne ang dali talaga ng quiz...T_T

"Sus! Kung hindi lang siguro ako nag space out kanina ko pa natapos yung quiz. Piece of cake lang yun." Liar, liar, pants on fire. Bakit ba ako ganto? Hindi ko masabi-sabi na kada may quiz, ang pumapasok sa isip ko ay ang gwapong mukha ni Baekhyun ko.... Sana magkaroon din ako ng taong mapagsasabihan ng mga nararamdaman ko bilang isang fan girl.

Ang lake ng problema ko ano? Haay. Siguro yung ibang tao pagtatawanan lang to. Kase unang una, bakit mo ba prinoproblema ang mga taong di man lang alam na nage-exist ka pala sa mundong ibabaw? Bakit ka mag eefort para lang makita sila kahit sa mga video man lang? Do you get where  I'm coming from?

Tingin ko, bawat fan girl alam to. Pero dapat you should know kung kelan ka na dapat tumigil. May limitasyon kumbaga. Hindi sa lahat ng gagawin mo, parati silang nandiyan sa isip mo at pinopollute yang utak mo. Dapat alam mo ang priority mo sa buhay di yung puro "waaaaaahhh!!!Si blahblahblah nagkiss ang kyut nila tingnan I ship blahblahblahblah' yung ganun ba.

Omo. Saang balon ko yun hinugot? Putakte naman oh. 

Pagkatapos ng History class namin, nagmartsa na ako  palabas ng pinto. Wala na sana akong balak bumalik at magpaalam man lang sa mga kaklase ko nang----

"Andreaaa!! Uhuhuhu. Bakit mo ako iniwan?? Nakalimutan mo na bang routine na naten na kada uwian eh magsasabay tayo para makasiguraadong ligtas na makakauwi ang isa't isa??" Sabi niya nang padrama. Sus wala namang luha. Ano ba naman yan.

"Osya, tara na. Marami pa tayong assignments diba? Atsaka yung project natin na by pair, ako nalang gagawa."

Napansin kong parang nabato siya at nakatulala lang sa akin?

Masyado na ba akong maganda ngayon at pati tong bestfriend ko eh natitibo na sa akin?

"O, bakit ka natigil?" 

"A-eh.. wala naman. parang ngayon lang kase kita napansing nagkaroon ng pakialam sa academics. At yung sinsabi mong project, bukas na ang deadline nun. Gagawa ka ng robot gamit ang pieces of---"

"Tama na. Alam ko na yun. Hahaha. Anong kala mo saken? Di nakikinig sa teacher? Di naman ako gaya mo na walang alam kundi ang mag aral nang mag aral kapag oras na ng quiz at pag discussion nakanganga lang na parang walang kamuwang muwang sa kung ano ang pinagsasabi ng teacher."

At sa sinabi kong yun, hinabol niya ako. Ako naman itong si gaga takbo nang takbo na kala mo may humahabol na K-9 na aso.

Hingal na hingal kami pagdating sa bahay ko. Nasa kabilang street lang yung bahay ng bruhang to kaya palagi kaming nagsasabay niyan papunta at pauwi ng school.

Nadatnan ko si mama na umiiyak....

Nakaluhod siya sa bulto ng isang tao... Ang matagal ko nang inaasam-asam na makita sa loob ng mahabang panahon. Ang papa ko. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit si mama nakaluhod at umiiyak? Baka  sobrang saya niya na bumalik na si papa after 8 years?

I'm about to greet them nang may humila sa akin from behind habang kinakaladkad ako upstairs. Dalawa lang ang palapag ng bahay namin. Simple pero elegante ang mga muwebles. Mas inuna ko pa talagang idescribe ang bahay namin sa gitna ng paghila sa akin ng kung sino mang tukmol na to diba?

Sa wakas, pinakawalan niya rin ako at hinarap sa itim niyang pagmumukha.  What I mean is, naka mask siya kaya di ko makita kung gwapo ba siya o hipon.

Hindi naman ako kinabahan dahil may hinala na ko kung sino to.

"Lly, makinig ka kahit anong mangyari huwag mong kakalimutang mahal na mahal ka namin ni mama at papa. Lagi mong tatandaan yan bunso..."

Si kuya Hence. Siya ang anak sa labas ni papa.... Hindi ko alam kung kanino basta yung lang ang alam ko at kung bakit siya naka maskara eh dahil ayaw ni mama na makita ang pagmumukha ng kuya ko dahil naaalala lang daw niya kung paano siya ipinagpalit ng papa ko sa ibang babae.

"Bakit kuya? Kung magsalita ka naman kala mo mamamatay ka na.Hahahhaha" Pabiro kong sabi habang hinahampas ko siya sa braso.

"Basta. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo. Masyado ka pang bata. Ngayon, wag kang aalis dito hanggang sa umalis si papa.  Okay?"

And with that, he jumped out from my window. 

Ang weird ni kuya. Paano ko malalaman kung wala na si papa kung dito lang ako magmumukmok sa kwarto ko?

Haaay. Bahala na nga. Hindi nalang ako kakain ng rice tutal meron naman akong natirang burger sa bag ko. Lucky me.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtapos sa project namin na pesteng robot. At nasa kalagitnaan na rin ako ng gabi gising na gising parin ang diwa ko.

Ang hirap palang maging masipag no? Ngayon, alam ko na kung anong pakiramdam ng mga estudyanteng inaasa lang sa kanila ang mga group projects na dapat sana ay nagtutuong-tulong ang mga members pero dahil sa alam nilang masipag ka at GC, iaasa nila ang lahat lahat sayo.

Ganyan ako dati. Palaasa, at hindi nag cocooperate sa iba. Hindi ko nga alam kung pano ko naging bestfriend yang si Deanne eh samantalang mas ok naman yung buhay niya nung wala ako. Kaya nga thankful ako at nakakaya niyang pagtiisan ang ugali kong to...

Almost 2 am ko na natapos yung hinayupak na robot at ok naman siya sa tingin ko. Ngayon, ang gagawin ko nalang ay matulog nang mahimbing dahil maaga pa ako bukas. Marami pa akong kailangang gawin. At para na rin maka adjust ang utak ko. Baka kasi lumipad na naman yung imagination ko at mapunta dun sa planeta kung saan ako lang at si Baekhyun ang creature.

Tomorrow is the day. Change for the better ikanga.:))

Sorry po sa mga naghintay ng Ud neto. Kung meron man. Atsaka medyo lame. Bawi nalang ako next time! Hehehe Thank you sweeties!'~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Buhay FangirlWhere stories live. Discover now