12th of October 2013

40 0 0
                                    

Diary, 

                     Ansarap sa feeling na tapos na ako sa project ko sa filipino. To think na sobrang nose bleed huh. BTW I just wanna share what I typed there since the topic I chose is about love. Actually, I don't really want to share it but L said it I can post it here since this diary contained some moving on shit. Don't mind the shit. XD Maybe this will help you guys. So here.

             Sa lagay ngayon, aminin man natin o hindi halos lahat ng tao ay naghahanap ng lalaki/babaeng mamahalin siya, bagay sa kanya, o ang taong magpapasaya sa kanya. Hindi naman masama magantay ang masama lang ay pag sumuko ka na. Tulad nga ng sinabi sa taas, posibleng nakita o nakilala mo na siya, pero pano mo naman malalaman na siya na nga kung ikaw sa sarili mo ay sumuko ka na. “Ang masaklap sa lahat ay yung nasa iyo na pero pinakawalan mo pa. Pero paano nga kayo no? Kung isang beses lang dumarating yung para sayo”. Sa sinabi niyang iyan, naniniwala akong masaklap nga kapag pinakawalan mo pa, pero hindi naman natin malalaman kung siya ba talaga ang para sa iyo dahil ang nakakataas lang naman ang may alam ng lahat. Kaya naniniwala akong kahit gaano kalaki ang pagkakamali ng tao o kung gaano ka man niya sinaktan ay may karapatan pa rin siyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon dahil tao lang naman tayo at nagkakamali. Hindi naman tayo matututo kung hindi tayo nagkakamali. Ngayon kung sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan ka pa rin niya ay ikaw na sa sarili mo ang magdedesisyon kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon. Pero ang maipapayo ko lang, kahit gaano mo siya kamahal ay hindi naman tama na lagi mong siyang pinagbibigyan sa kamalian niya. Kinakailangan niya rin matuto hindi iyong laging niyang naiisip na ayos lang ang lahat sa iyo.

VICTORIA.

Start your day with a smile and also end it with with a smile too.

Diary ng mga Cute.Where stories live. Discover now