-Last Part: Dalawang Multo In One Night-

4.5K 100 3
                                    

Naalimpungatan ako ng di oras.

Maya-maya'y pagkagising ko ay

nagulat ako sa aking nakita..

Isang parang mukhang pari na

WALANG ULO ang nakatunghay sa akin.

Paano ko masasabing walang ulo

kahit walang ilaw?

Kasi, ang gamit namin ni Ate Nonz ay

yung Hello Kitty na orasan na may

ilaw.. At TAKE NOTE!

Yun mismo ang hawak-hawak niya

at talagang isinasampal niya sa akin

na WALA SIYANG ULO!!

Mahaba ang kulay brown niyang 

damit, kilala mo ba si Padre Damaso?

Yung suot-suot niya? Yung suot ng

mga pari nung unang panahon..

Ayun yun!

Isang pugot na ulong pari ang tumunghay 

at nakatayo sa paanan ko.

Halos manlamig ang buong katawan ko.

Pakiramdam ko, imbis na aantuk-antok

pa ako, ang BUONG DIWA ko ay nagising.

Ikaw ba naman, kakagising mo lang,

hindi ka ba matakot sa mukha este

walang ulong pari na iyon???? >____<

Ilang seconds rin akong nanlamig at nkipagtitigan 

sa kanya. Andun pa rin siya, walang katinag-tinag.

Mukhang tansyahan kami kung sino unang

matatalo.

Ako naman, maya-maya ay unti-unting nanginginig

ng bahagya sa takot.

Andun pa rin ang takte! >___<

Ayokong lumingon saanmang direksyon dahil baka

may makita na naman akong hindi kanais-nais 

na nilalang..

AKO --> O_______O

SIYA --> _____ 

Eh, sa walang ulo siya eh! Paano ko malalaman reaksyon

nea? >____<

Minutes na ang nakalipas na at nasa ganoon pa rin

kaming posisyon.

Dahil siguro sa pinaghalong nerbiyos, takot,

pagkabigla, pagkatae, ay ewan...

Walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Nanatili lang akong nakapako sa kinahihigaan ko..

Nakatitig dun sa pugot ulo.

Maya-maya ay hindi ko na nakayanan ang nerbyos ko,

habang nakahiga, hinagilap ko ang kumot ko.

"Putang ina! Nasaan na yung kumot ko!!" sabi ko sa isip ko

Nang mahagilap na ng kamay ko ay dali dali akong tumalukbong

at dumapa. NG NANGINGINIG. SABAY PIKIT ng MATA..

Nang Isang Gabi &lt;Completed&gt;Where stories live. Discover now