Introduction

12 1 0
                                    


Introduction:

SINGKO ang gradong bumungad sa akin nang tignan ko ang aking online account. Para akong pinagsakluban ng langit dahil sobra kong pinaghirapang pumasa sa asignaturang iyon ngunit bumagsak pa rin ako. Kung tutuusin, hindi ko dapat ituon masyado ang atensiyon ko doon dahil napakalayo ng Computer sa Accounting - minor subject kumbaga - ngunit mas marami pang kailangang gawin doon kaysa sa major subject ko. Ilang gabi akong nagpuyat upang tapusin ang mga proyektong pinapagawa niya. Hindi ako natulog noong gabi bago ang finals exam namin sa Computer para lang aralin iyon ngunit wala pa rin pala.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko na bumagsak ako. Sobrang nakakahiya dahil napakataas ng ekspektasyon nila sa akin ngunit hindi ko nagawang ipasa ang asignaturang iyon. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga taong iniidolo ako? Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa mga taong naniwalang kakayanin ko?

Biglang kumalampag ang pinto sa dorm namin ng pinsan ko kaya nagmamadali kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Kate, lumabas na d-" nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nagpupunas ng luha.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong saka umupo sa kama ko. Muli ay tumulo nanaman ang aking luha dahil hindi ko na mapigilan pa ang sakit.

"Bagsak ako." maiksing tugon ko dito. Matagal na akong nagsasabi sa kanyang nahihirapan ako sa Computer at may posibilidad na maibagsak ko iyon kaya alam niya na ang tinutukoy ko. Nakita niya kung paano ako naghirap para lang isalba iyon. Nakita niya akong nagpupuyat para lang aralin iyon at saksi rin siya kung paano ko isinantabi ang pag-aaral ng ibang subjects para lang ituon ang atensiyon ko doon.

"Paano 'yan ngayon?" tanong niya sa akin na hindi ko rin alam ang sagot. "Sigurado akong magagalit 'yung mga magulang mo."

Alam kong magagalit sila. Alam kong may posibilidad na baka itakwil na nila ako dahil sa nangyari ngayon. Nakakatakot lalo na't masungit si mommy samantalang istrikto si daddy. "Hindi ko na alam, Megan. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Hindi ako matigil sa pag-iyak. Pakiramdam ko, mas masarap na lang ang mamatay kaysa ipagpatuloy ko pa ang buhay kong ito. Para saan pa? Isa naman akong talunan. Hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa mundong ito. Pero paano na ang mga pangarap ko? Hindi ko na alam.

"Sabihin mo na lang na mababawi mo 'yan sa summer class. Baka payagan ka naman nila kasi ginawa mo naman lahat eh." Tama. Buti na lang pala at uso sa amin ang summer class. Kailangan kong bumawi para patunayan kong kaya ko talaga. "Besides, una mo pa lang naman. Siguraduhin mo lang na hindi na masusundan 'yan kasi hindi ka na talaga papayagan niyan."

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang talaga at may pinsan akong laging nasasandalan sa mga panahong sobra akong nahihirapan. 

When I Met You in the Summer #WATTYS2016Where stories live. Discover now