Chapter 1

9 1 1
                                    

PINAYAGAN ako ng aking mga magulang na magsummer class. Gaya ng inaasahan ko, nagalit sila ngunit ipinangako kong iyon na ang huling beses kong babagsak kaya naman nakumbinsi ko silang maipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Ngayon ang araw ng enrollment para sa summer class. Ako lang mag-isa ang nag-enroll dahil wala namang naibagsak si Megan kaya umuwi na siya sa Pasig. Mahaba-haba rin ang pila ng mga mag-eenroll para sa summer class kaya medyo nakampante na ako. Hindi lang naman pala ako ang bumagsak dito.

Nagulat ako nang biglang kinalabit ako ng lalaking nasa likod ko. "Hi Kate." napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kakilala pero parang kilalang kilala niya ako.

"Yes?"

"Grabe naman. Ako si Edward, remember?" Pinilit kong alalahanin siya ngunit hindi ko pa rin maisip kung sino siya. Base sa lanyard na suot niya, galing din siya sa College of Accountancy pero hindi ko maalala kung kailan ko siya nakasalubong o nakausap man lang.

"Sorry pero hindi talaga kita maalala eh. Saan tayo nagkakilala?" tanong ko dito. Hindi ko naman siya naging kaklase. Hindi rin naman yata siya miyembro ng political party na sinalihan ko. Pero parang unti-unti ngang nagiging pamilyar ang hitsura niya sa akin.

"Leadership training seminar. Magkagrupo tayo noon, 'di ba?" sa pagkasabi niya noon ay bigla ko na siyang naalala at saka ako napatawa nang napakalakas.

"Naaalala na kita. Ikaw 'yung nagpanalo sa 'tin!" natatawa ko pa ring sabi rito.

Napakahigpit ng laban namin. Siyam na activities na ang nagagawa namin at tatlong grupo rin kaming may tigtatatlong puntos. Isang activity na lang ang natitira kaya sigurado akong lahat ng grupo ay sobrang gagalingan na dahil ito ang magdidikta kung sino ang mananalo sa aming lahat.

Maya-maya lang ay umakyat nang muli ang emcee sa stage para sa huling activity na gagawin namin. "For your last activity, I need two representatives. It has to be one lady and one gentleman. Now, decide who is it going to be." Binigyan niya kami ng oras para makapag-usap sa isa't isa.

"As if namang may choice pa ako?" nagtawanan kami nang sabihin iyon ni Edward. Siya lang kasi ang lalaki sa grupo namin kaya awtomatikong isa na siya sa mga representatives.

"Ikaw na lang kaya, Pia?" suhestiyon ko dahil baka maging beauty pageant ang labanan dito. Maganda naman si Pia kaya siya talaga ang dapat maging representative namin. "Oo nga." Sumang-ayon lahat ng kagrupo namin kaya wala nang nagawa si Pia.

"Okay. Since meron nang representatives ang bawat grupo, let us now discuss the mechanics of this final activity. This will be a beauty pageant but there will be a twist." iba ang ngiti ng emcee kaya naman biglang tumaas ang tensyon sa paligid. "All of the gentlemen will act as a lady and all of the lady will act as a gentleman." Nagtawanan lahat nang sabihin niya iyon. "Your groupmates will be in charge for your make-up so that they will have their contributions. Now, I ask all of you to please go outside and all of the representatives should please come forward for the sequencing of your performance."

Hindi pa rin nawawala ang tawanan sa paligid. Halos lahat, hindi makapaniwala na naging ganoon ang mechanics ng huling activity. Hindi namin naisip na pwede palang magkagan'on.

Maya-maya lang ay nagsilabasan na rin ang mga representatives. Hindi maipinta ang mga mukha nila dahil miski sila ay hindi inasahan ang ganoong mechanics.

"Pangalawa kami. Una daw, rampa muna. Tapos, talent portion na. Huli raw 'yung question and answer." pagpapaliwanag sa amin ni Pia. Kaming mga hindi kasali ang sobrang natutuwa sa mangyayari mamaya samantalang sila, kulang na lang ay malaglag ang nguso sa sobrang pagkadismaya.

Nagsimula na kaming ayusan sila. Mabuti na lang at may dalang lipstick si Pia kaya ito ang ginamit kay Edward. Nilagyan din siya ng make-up para lalong magmukhang babae. Ang nakakatuwa rito, ang kumot na gagamitin sanang pantulog mamaya ay ginamit para maging gown at buhok niya.

"Last one minute." sobra kaming nagmadali nang biglang sabihin iyon ng emcee. Inayos din si Pia para magmukhang lalaki. Ipinahiram sa kanya ang sumbrero ni Edward kaya nagmukha siyang astiging lalaki. "Three, two, one... Pumasok na kayong lahat."

Nagsipasukan na kaming lahat sa loob at hinintay na lang ang magiging daloy ng programa. Nang magsimula na ang programa, napuno ang silid ng tawanan dahil lahat sila, nakisama. Umarte talaga silang parang mga tunay na lalaki at babae kaya hindi matigil ang tawanan sa amin. Nang sina Edward at Pia na ang sasalang, nagsitayuan kami bilang suporta. Kagaya noong nauna, pinanindigan din nila ang pagiging lalaki at babae.

"Ako po si Edward Ramirez, Edriana sa gabi. At naniniwala po ako na kapag mahal ka ng isang tao, ipaglalaban ka." Napanganga kaming lahat dahil sa paghugot na ginawa niya. Hindi namin inaasahang bigla-bigla na lang siyang huhugot nang ganoon. "Ako naman si Pia Lopez, Pio sa gabi. At naniniwala po ako sa kasabihan na kapag hindi ka na mahal, bitawan mo na."

Napakabilis ng pangyayaring iyon. Sino ba namang mag-aakala na 'yung mga umaayaw pa 'yung bigla na lang mananalo, 'di ba?

"Sobrang nakakahiya." napailing-iling siya habang nakangiti. Inaalala niya rin siguro ang nangyari noong gabing iyon.

"Hindi ah. Dapat ka ngang maging proud kasi ginawa mo talaga eh."

"'Wag na nga nating alalahanin 'yon." natatawang sabi nito. "Anong subject isasummer mo?" biglang naging seryoso ang paksa naming dalawa.

"Computer. Ikaw?"

"Uy, parehas tayo. Nako, sana maging magkaklase tayong dalawa." Masayang sabi nito sa 'kin. Sana nga maging magkaklase kami para kahit papaano, may kakilala naman ako sa magiging block ko. "Sino palang prof mo sa Computer last sem?"

"Nako, Sir Domingo." Naiinis akong naalala ko pang siya ang naging professor namin. 'Yung ibang professor naman daw kasi, walang naibagsak. Bakit kasi ang malas-malas ko na natapat siya sa amin eh.

"Parehas nanaman tayo. Hindi kaya meant to be tayo?" natatawang sabi nito. Natawa din ako dahil sa huling sinabi niya kasi alam ko namang nagbibiro siya eh.

"Loko-loko ka pala."

"Uy, hindi ah. Ikaw na oh." Turo niya sa cashier kaya naman bigla akong nataranta. Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa pinakadulo.

Ibinigay ko na ang bayad ko dito at ang form na pinafill-up-an sa akin kanina sa registrar. Pagkatapos noon ay wala na akong kailangang gawin pa.

"Sige, mauna na ako ah?" nagpaalam na ako kay Edward at umalis na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Met You in the Summer #WATTYS2016Where stories live. Discover now