24th Punch

1.2K 30 3
                                    

Myka.

One week. At kagaya ng mga nakaraang linggo, walang Ali, walang Jas, walang Axel, walang Darryl at walang John. Lahat ng estudyante nasa gym bukod lang sa akin na nasa cafeteria pero hindi naman kumakain. Wait. Hindi lang pala ako ang nandito. Nandito rin si Ali na nasa pinakadulong table na kumakain ng dalawang box ng french fries.

Hanggang dito, naririnig ko pa rin ang walang katapusan na hiyawan. Malapit din kasi ang building namin sa Gym. Nagising bigla ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko.

From: Ruby

Hoy, Myka! Where art thou? Ang saya-saya rito sa Gym o!

Dinelete ko agad yung message at binulsa uli. Ininom ko na lang ang tubig sa mesa at tumayo. Pero bago ako makaalis, tinignan ko muna si Ali. Ganun pa rin ang hitsura niya- blangko. Lumabas na ako ng cafeteria at nagtungo sa Gym.

Habang papalapit ng papalapit, umiingay lalo ang mga hiyawan ng mga tao sa loob. Wala na akong magawa kundi pumasok at hanapin si Ruby sa mga seats pero nabigo ako. Binunot ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at tinext siya.

Saang seat ka?

-Sent-

Naisip ko na maingay sa Gym kaya baka matagal pa siya magreply. Naglakad-lakad muna ako sa labas.

"Why are you here?" a cold voice said

Gusto ko magrejoice dahil sa wakas nagsalita na rin siya. Hindi muna ako sumagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot. The next thing I knew, sinasabayan na niya ako sa paglalakad.

"Sorry."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap siya. I hugged her.

"Miss ka na namin."

Nararamdaman ko na nababasa ang balikat ko. Umiiyak siya.

"I.... I'm sorry. Dahil sa'kin, nagkawatak-watak kayo,"

"Wala kang kasalanan, Ali. Huwag mo isipin yan,"

Humiwalay ako sa yakap namin. Pero may nahagip sa paningin ko. Isa siyang babae. Hindi ko lang maaninag ang hitsura niya.

"Listen."

Nagtaka ako dahil sumeryoso ang boses niya.

"One will die today."

Nanlaki ang mga mata ko. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin.

"In the game. May kutob ako. Na si......John yung mapapahamak,"

-----~*~-----

Kasalukuyang kaming tumatakbo patungo sa Gym. Nagreply na si Ruby sa'kin. Ang sabi niya, nasa first row daw siya ng mga gitnang seats. Nang mapuntahan na namin ang loob ng Gym. Sumalubong sa akin ang mga nakakabinging hiyawan at drum rolls.

"Kailangan muna nating mahanap si Ruby,"

Tumango ako sa kanya. Tumakbo uli kami at nakipagsiksikan. Tumitingkayad pa ako para lang makita sina Ruby.

School RumbleWhere stories live. Discover now