The time that I saved you

43 3 5
                                    



A 14 year old boy is walking along the streetwalks of a known neighborhood. He's name is Chanyeol.


May nakita syang makapal na usok sa hindi kalayuan. May narinig din syang mga sigaw mula sa malayo. May mga fire truck ang papunta dun sa lugar.


At dahil sa adventurous sya, tumakbo sya dun sa sinabing lugar at may mga bahay na nasusunog. Yung iba ay na-apula na at yung nag-iisang bahay nalang yung binibigyan nila ng pansin. Dahil din sa dun nanggaling yung apoy at malakas yung hangin kaya mas lalong lumakas yung apoy.


Pinanood lang ni Chanyeol kung pano kumilos yung mga taga-apula ng apoy kasama yung ibang taong nasunugan ng bahay. May isang fire fighter ang pumasok sa isang nag-liliyab na bahay kung saan nanggaling yung sunog. May isa din syang nakita na ginang na iyak ng iyak kasama yung asawa nya.


'Sila siguro yung may ari ng bahay na yun.'


Sabi nya sa sarili nya. Kung titingnan ay parang bahay toh ng ga squaters. Gawa sa mga maninipis na kahoy ang mga bahay at dikit-dikit pa toh.


Lumabas yung fire fighter at agad naman syang nilapitan ng ginang at kinelyuhan.


"Nasan yung anak namin?!"


Sigaw ng ginang sa lalaki. Nanood lang si Chanyeol kung pano sigawan ng ginang yung lalaki.


'Hmm, siguro nasa 20's palang yung ginang. Wait, may anak sila sa loob? aba ang careless.'


Naisip ni Chanyeol. Napayuko nalang yung fire fighter at tinanggal yung helmet nya at humingi ng tawad.


Agad lumapit si Chanyeol sa mag-asawa ,na walang tigil sa pag-iyak, at tinapik yug balikat nila. Tumingala yung dalawa kaya ngumiti sya ng konti sa kanila.


"Ako na po ang papasok sa loob para hanapin sya."


Pagka-sabi nun ni Chanyeol ay agad syang pumasok sa loob ng nag-liliyab na bahay. Pagka-pasok nya ay madaming nahuhulog na kahoy na may apoy mula sa kisame.


Para makayanan nya yung init ay may lumabas na dog ears and tail.


Isa syang hybrid.


Pumunta kagad sya sa pinakamalapit na kwarto at nagbabasakaling andun yung anak ng mag asawa.


Ginamit nya yung five senses nya para mahanap yung bata. Gamit yung dog ears nya, may narinig syang mahinang pag-iyak.


Tumingin sya sa aparador na medyo nasusunog at napansin nyang nakabukas ito ng onti. Agad syang lumapit dun at natigil sya sa pag lapit ng may nakita syang tenga, hindi tenga ng tao, kundi tenga ng hybrid. Kagaya nya.


Binuksan nya yung pinto at nakita ang isang baby hybrid habang yakap-yakap ang sarili. Binukat sya ni Chanyeol at nagulat sya ng umiyak yung batang hybrid.

MY BABY HYBRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon