Kalandian 15.0

1.7K 63 5
                                    

A/N: sinali ko po ito sa #wattys2016.. pero hndi po ako ng'e'expect na manalo.. Kakahiya naman sa mga mas magagaling.. 😊😊😊 wla lang gusto ko lng i'try.. Sana support nyu.. 😉😉😉




Napapapikit ako habang nilalasap ang inorder naming chicken joy sa jollibee.. Grabe totoo ngang langhap sarap.. Hindi naman kasi namin afford ang kumain sa mga ganito.. Kapag kasi mahirap ka mas pipiliin mo yung praktikal.. Yun bang mas mabubusog ka na makakatipid ka pa.. Mas pipiliin nalang namin nila Nanay noon na kumain sa mga kwek kwekan kung gusto naming mag'meryenda.. Tapos kapag manananghalian o kaya'y hapunan naman ay mas pipiliin namin doon sa titig'sampo ang order ng ulam.. Mas mapaparami pa ang kain namin.. Kaya hindi nyu ako masisisi kung takaw na takaw ako ngayon, tsaka hello, buntis ako.. Kakagat narin ulit sana ako nang makita ko si Din sa harap ko na nakapangalumbaba habang nakangiting nakatingin sa akin.. Para bang aliw na aliw siya..




" Hindi ka kakain? " nagtatakang tanong ko.. Mas lalo lang siyang ngumiti sabay ang pag'iling iling..




" Kakain din naman ako.. I just can't help myself staring at you while you're eating.. You really seem so enjoy.. Parang ngayon ka lang nagawi rito.. " nakangiti niyang sabi.. Ibinaba ko ang manok na hawak ko saka siya pinakatitigan.. Nakita ko ring unti unting nawala ang pagkakangiti niya.. " Seriously? " hindi makapaniwalang tanong niya.. Ngumiti ako sabay ang pagtango..





" Hindi naman sa hindi namin afford ang kumain dito, pero syempre sa katulad naming mahirap lang mas pipiliin namin doon sa makakabusog na makakatipid pa.. Kaya sa 18 years na buhay ko, unang beses ko itong makakain sa jollibee.. " sabi ko.. Hindi naman iyon nakakalungkot na pangyayari sa buhay ko kasi namulat naman ako sa katutuhanang hanggang kung saan lang ang makakaya ng mga magulang ko.. Oo nakaka'inggit, pero wala akong karapatang mag'complain.. Sapat na sa akin na pinalaki nila ako ng tama.. Dapat na akong magpasalamat doon.. Matagal akong tinitigan ni Din na para bang binabalanse niya ang mga narinig sa akin.. Kaya bago pa siya makapag' react ay inunahan ko na siya.. " Wag mo akong kaawaan okay.. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin noon.. " dagdag ko pa.. Sumilay muli ang ngiti sa mga labi niya sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa..





" Hindi ako naaawa sa'yo.. I am more proud because you're contented with what you just have.. Samantalang may iba dyan na nasa kanya na nga lahat pero nakakaramdam parin ng pagkukulang.. Hindi naa' appreciate ang kung anong meron sa kanila.. Kaya walang dapat na kaawaan.. Maswerte ka nga naranasan mo ang simpleng buhay.. " nakangiti pa niyang sabi.. Pero alam ko na may pinupunto siya.. Nakangiti man siya na nakatingin sa akin, pero hindi niya parin maikakaila sa akin ang totoo niyang nararamdaman.. Sa ikling panahon ng pagsasama namin ni Din ay masasabi kong may alam narin ako sa kanya.. At bilang asawa niya dapat kong  iparamdam na nandito lang naman ako.. Dinala ko ang kamay niya sa pisngi ko sabay hinalikan ang palad niya.. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero ngumiti lang ako..






" Sabay nating gagawin ang mga first natin langga.. Ipapakilala ko sa'yo ang simpleng buhay, habang ipapakilala mo naman sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan.. Kung ano man ang problema mo o magiging problema mo, problema ko narin.. Pwedeng pwede mo akong kausapin dahil willing akong makinig.. Kahit ano pa yan langga, hindi kita huhusgahan.. Sa'yo lang ako maniniwala, tandaan mo yan.. Mag'asawa tayo Din, tayo ang mas dapat na magkaramay.. " mahabang sabi ko.. Mas lalo siyang napangiti sabay ang pagtango.. Gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa sa kanya.. Kung ano man ang pagkukulang niya, pupunoan ko yun para maging buo ulit siya..






Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nagkikwentohan.. Hindi pa man niya sasabihin sa akin ang kanyang problema, alam ko na darating rin ang araw na yun.. Makakapaghintay naman ako.. Sa ngayon ang importante sa lahat ay okay na kami.. Nagtatawanan nalang kami dahil sobrang kulit niya.. Pero bigla nalang ulit siyang tumititig sa akin habang kumakain ng paborito kong chicken joy.. Ito muna ang importante ngayon.. Hello, buntis ako..








Every Single Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon