Letter for Kate

37 6 5
                                    

Dear Kate,

Uy! Hahaha kamusta? Kamusta buhay? Nakakayanan mo ba naman? Baka naman sumusuko ka agad ah? Pero alam kong di ka basta-basta susuko. Ikaw pa ba?! Eh dakilang fighter ka nga. At alam kong may tiwala ka sa plano ni God.

So kamusta puso? Ilang beses ka na bang nasugatan yan? Ang alam ko isang beses palang eh, kaso matagal na yon, ewan ko lang ngayon. Hahahaha! Baka naman di mo inaalagaan yan ah? Sapok aabutin mo sakin!

Teka! Tumataba ka ba naman? Jusko! Baka naman payatot ka pa rin?! Ang lupet ah, consistent sa pagiging sexy? Hahaha! Wag ganon! Kumain ka naman ng marami. Baka hanggang ngayon tingting pa rin ang asar nila sayo. Nako! Wag papatalo sa mga tambo!

How about your family? Strong naman di ba? Syempre laging nakasentro si God eh. Naks! Happy family talaga oh. Wag pasaway sa magulang ah?! I know kung gaano mo kamahal ang family mo. Kulang nalang mag-sacrifice ka sa lahat ng bagay para sa kanila. Baka naman tamad ka pa rin dyan sa bahay niyo?! Buhay señorita ganon?! Grabe naman, wag mong sabihin na bunso ka, kasi kahit bunso dapat marunong maglinis ng bahay!

Marami ka ba namang kaibigan? Ayy bakit ko ba tinatanong, eh dakilang friendly ka rin pala. Lahat ng makakatabi o makakasalubong ngingitian eh. Minsan dadaldalin, feeling close! Hahahaha.

Mag-iingat ka palagi ah? Kapag may problema ka just pray. Or hanggat maaari dapat may pagsabihan ka, wag mong kimkimin. Kasi naman eh! Napakatago mong tao! Hindi mahahalata na may dinadala kang problema kasi laging kang nakangiti at masaya. Minsan try mo ring mag-share. Sinasarili eh. Bad yon! Baka mamaya mag-suicide ka eh. Wag naman sana.

Wag tatanga-tanga sa pag-ibig ah?! Baka naman mamaya ilang lalaki na ang iniyakan mo! They don't deserve your tears.

O siya, ingat palagi! Stay what you are, syempre yung mga good sides lang! Kapag bad baguhin, okay? Alam ko namang ready ka sa lahat ng mangyayari sa buhay mo eh. Pahalagahan ang araw-araw. At wag kalimutang mag-thank you at mag-sorry kay God.

Thank you, Kate. For being a real and good person to every one. Sana na-achieve mo na lahat ng goals mo ngayon sa buhay. Sana lahat ng pangarap mo dati nangyari na ngayon.

Well siguro nga nagawa mo na lahat ng pangarap at plano mo sa buhay. Ano-ano nga yon? Uhmmm magkaroon ng sariling lupa at bahay tama ba? Tapos successful business. And malibot ang buong mundo. Nakaplano pa nga yung mga destination na gusto mong mapuntahan.

Pursigido kang tao. Lahat ng gusto mong ma-achieve kinukuha mo talaga. Kapag may mga chance gina-grab mo, wala kang pinapalampas ni isa. Kaya alam kong nagawa mo na lahat ng gusto mo.

Mayaman ka naman, pero tinatanggi mo. Sinasabi mo palagi, "may kaya lang" kahit na mayaman naman talaga. Kasi ayaw mong gamitin ang pera ng magulang mo. Gusto mo lahat galing sa hirap at sariling mong pawis. Sus! Hahaha kumukupit ka rin naman sa parents mo dati. Pero siguro ngayon lahat ng pera mo galing na sa sarili mong wallet. Baka bangko pa nga.

Basta yon! Don't forget our dear God, thank him for all the blessings you have right now. Just continue dreaming. At gaya nga ng motto mo sa buhay, "Live as if there's no tomorrow". ^_^

Yours truly or should I say yourself truly,
Kate


Tears fell from Monica's eyes. Naalala niya ang kanyang anak na si Kate dahil sa nabasang sulat. Niyakap siya ng kanyang asawa at inakay palayo sa puntod ng kanilang anak.

Kate died because of a car accident. And she wrote this letter for her self ten years ago, when she was sixteen years old back then.

Letter For KateWhere stories live. Discover now