Chapter 1

35 0 0
                                    

"MacKenzie!! Hindi ka na naman nakikinig sa nga tinuturo ko!"

"Huh? Nakikinig po ako.."

Naku, patay tayo dito. Nahuli na naman ako ni Ms. Diaz.

"Kung nakikinig ka, sagutin mo nga tong na sa No. 14 sa libro mo."

"Ms. Diaz, sinabi ko po sayo na nakikinig ako pero hindi ko sinabing naiintindihan ko."

Lahat ng classmates ko nagtawanan sa sinabi ko. Eh bakit ba? Totoo naman sinasabi ko. Kumuha lang ako ng papel sa bag, natawag na agad pangalan ko. Lagi na lang ang init ng dugo nyan sakin. -_____-

"MacKenzie!!"

Hala. Pumuputok na naman butsi nyan sakin. Huhuhu! Nanay, tatay bakit po ba di ako magaling sa math?? :(((

Pagkatapos ako paginitan ni Ms. Diaz ay eto na ang ultimate favorite subject ko RECESS na. Yehey!!

"MacKenzie!"

"Uy tara na recess na tayo Bree! Gutom na ko."

"Kelan ka ba nabusog? Sus."

"Kapal mo. For sure gutom ka din naman eh"

"Hindi kaya."

"Kilalang kilala kita Bree Anne Perez, lokohin mo lelang mo."

"Hindi nga sa---"

*brrrr*

"Hindi pala gutom yung ganyan?"

"Ewan ko sayo. Tara na nga!"

Ako nga pala si MacKenzie isang 3rd year HS, nagaaral sa isang pampublikong paaralan. Kung poor ba kami? Sakto lang. Si Mama lang kasi bumubuhay samin kaya tiis ganda lang muna ang peg namin! =))

At yung kasama ko naman si Bree, ang aking dakilang kaibigan. Tga suporta sa aking mga gawain. Kasama ko sa aking mga kalokohan, ang kapatid ko sa ibang pamilya sa madaling salita ang aking Best friend.

"Tara bilisan mo naman bree! Hahaba pa ang pila. Gutom na talaga ako!"

"Mauna ka na kaya, may nakikita kasi akong papabells."

"Mamaya na yan kapag nakaupo na tayo." sabi ko kay bree.

"Ate Ganda, whole rice nga po at chicken, isa din pong mineral water at dalawang lollipop." pagorder ko kay Ate Ganda na nagttrabaho sa canteen.

"Ikaw ba Bree?" tanong ni Ate Ganda.

"Ganun din ako Ate."

"Oh eto na." sabi ni ate Ganda.

Nagbayad na kami at pumunta na sa favorite spot namin sa canteen.

"Waaah! Chicken. Gutom na talaga ako.(TvT)"

Habang nilalafang ko na ang aking pagkain ay nakita ko si Bree na di man lang ginalaw ang kanyang pagkain. Aba! Himala to ha. Minsan kasi inaagawan pa ko neto.

"Ano problema mo at ang tahimik mo?" pagtanong ko sa kanya.

"Wala. Kumain ka na lang dyan."

"Di ako makakain ng ayos dahil dyan sa aura mo. Sabihin mo na kasi"

"Eh kasi Zen dumating si Ate."

"Ano naman kung dumating si Ate Bianca?"

"Alam mo naman kung pano sya magmagaling kay Mama at Papa diba? Ako yung laging kawawa. Tapos sakto pa na binigay na yung scores sa exams."

"Oh ano meron? Bagsak ka na naman? Wala naman pinagbago eh."

"Kumain muna tayo."

Kumain na kami ni Bree, pero nakakapanibago kasi ang tahimik nya.

KismetWhere stories live. Discover now