Unti unting binuksan ni kiko ang kanyang mga mata.Kiko: kikay nakasurvive ako? Nasan si ano? Yung girlfriend ko?
Kikay: (nakayuko lang)
Kiko: uy kikay wag ka naman magjoke oh nasan na sya?
Kikay: (nakayuko parin)
Di na mapigilan ni kiko ang kanyang nararamdaman kaya napahagulgol na lang sya habang nakahiga.
Kiko: bakit? Ang dami kong nagawang kasalanan sa kanya pero bakit? Bakit niya inalay ang buhay nya sakin?
Kikay: (nakayuko parin)
Kiko: ano ba kikay?! Kausapin mo naman ako! Nasan ba talaga sya?! Ang sakit kikay ang sakit sakit!
Napaangat ang ulo ni kikay at tinignan si kiko na umiiyak.
Tinanggal nya ang kanyang earphone.
Kikay: kiko? Anong arte yan? Nagpatule ka lang kung ano ano na pinagsasabi mo dyan syaka hello? Wala kang syota kaya wag ka ngang bida dyan.
Kiko: .......
YOU ARE READING
Mga BANAT Ni Kiko At Ni Kikay
Humor#51 in humor ang pinakamataas na rank na nakuha ko lol. Get ready sa mga kabitteran,kabalastugan, banat at jokes ng kambal na kiko at kikay.