PROLOGUE

4.5K 130 7
                                    

TAMING MR. BAD BOY
AUTHOR: Shino
GENRE: Humor, Romance, Teen Fiction
DATE STARTED: January 27, 2019
DATE FINISHED: TBA

•~•~•~•~•

P R O L O G U E

"This is it," mahina kong bulong sa sarili.

Kakarating ko lang dito sa dorm ko matapos ang halos anim na oras na biyahe. Umaga pa kasi nang umalis ako sa bahay namin sa Nueva Ecija, kaya halos manlata ang katawan ko sa pagod.

To be honest, medyo nalulungkot ako dahil mawawalay ako kina Mama, Papa at Kuya Mario nang natagal. So far, ito na yata ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ko. Wala rin naman akong choice. Nakakuha ako ng scholarship sa isa sa sikat na university dito sa Manila, kaya todo-encourage sina Mama para rito. Nasa loob din ng university ang dorm kung saan ako tutuloy. Ito pa lang kasi ang nasabi sa akin ng administrator ng university noong nagkausap kami through phone call.

Matapos kong makipag-usap sa guard ay binigay na nito sa akin ang magiging susi ng kwarto kung saan ako tutuloy sa loob ng apat na taon. Room number 15 ang nakalagay sa susi. Mukhang sa dulong bahagi ito ng building. Ilang paglalakad pa ay narating ko rin ang nasabing room. Nice. Tanaw ang garden area ng university. Maayos at maaliwalas naman ang loob at mayroon itong dalawang kama. Meaning, mayroon pa akong magiging room mate? Hindi ko na lang iyon masyadong inintindi at nag-umpisa na akong ayusin ang mga gamit ko lalo pa't sa isang araw na ang umpisa ng klase.

Halos patapos na ako nang biglang may kumatok. Dali-dali naman akong tumungo roon para makita kung sino 'yon.

"Hello, ako nga pala si Dylan. Ako 'yong magiging room mate mo," magiliw nitong bati sa akin.

Tila nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya. I mean, mukha at amoy akong dugyot. Ew.

"Hi, Miguel nga pala. Pasok ka," anyaya ko naman sa kanya.

Nang makapasok ito ay nagtanong-tanong na ito ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Ugh, fine. I admit, mukhang pasok na sa banga itong si Dylan para maging crush ko. I mean, gwapo niya kasi. Parang mayroong lahi? Anyways, hindi ko pa siya kilala kaya pinilit kong hindi ipahalata ang pagiging malamya ko. Mamaya pa ay baka magreklamo pa ito sa admin ng university. Mahirap na.

"Taga-saan ka, brad?" tanong nito sa akin habang inaayos ang mga gamit niya sa alloted cabinet para sa kanya.

Tumigil muna ako sa pag-aayos at hinarap siya. "Taga-Nueva Ecija ako. Ikaw?"

"Actually, taga-California kami, pero naninirahan ako sa relatives namin sa Cavite before ako nagpasyang mag-dorm na lang habang nag-aaral para na rin mas makapag-focus sa pag-aaral," aniya.

Nakakaloka, habang tinitingnan ko siya ay lalo akong nagagwapuhan sa kanya. Bakit ba kasi ito ang naging room mate ko, e. Ang hirap tuloy magpigil. Matapos naming mag-ayos ay nagpasya na akong magluto ng hapunan namin. Mabuti na lang at nagpasama si Mama ng bigas at ilang packed dishes. Tama, iinit ko na lang ito siguro.

"Hindi ka naman ba pihikan sa pagkain, Dylan? I mean, mayroon akong dala ritong ilang ulam na binaon ko. P'wede ko namang ipainit ang mga ito," tanong ko sa kanya.

Marahil ay na-curious kaya tumayo ito at nilapitan ako.

"Adobo ba 'yan?" tanong niya sa akin sabay turo sa hawak kong ulam na nasa 'di kalakihang tupperware.

Tumango ako. "Ako ang nagluto nito."

"Wow. Mukhang masarap. Salamat," aniya.

Matapos makapagluto ay masaya kaming nagkwentuhan habang kinakain ang mga hinanda ko. Siya naman ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan namin, na tinanguhan ko naman. Nagpaalam naman muna ako rito na lalabas muna ako saglit para ikutin ang buong dorm. Hindi naman nakakatakot dito. In fact, tama lang ang lightings nito. Habang naglalakad ay naisip kong tawagan sina Mama para i-inform silang nandito na ako. Si Kuya Mario pa ang sumagot niyon, base sa boses sa kabilang linya.

"Kumusta na, bunso? Nasa Maynila ka na ba?" pangangamusta nito sa akin mula sa kabilang linya.

"Okay lang, Kuya. Kaninang hapon pa ako nakarating dito. Sina Mama nga pala?" tanong ko rito.

"Naku, tulog na sila. Kailangan daw nilang gumising bukas nang maaga para makapaghanda na sa pag-aayos sa bukid natin. Basta ikaw, ayusin mo ang pag-aaral mo diyan para naman matupad mo ang pangarap nina Mama para sa'yo," ang walang kamatayang pangaral na naman niya. Ugh.

Sa sobrang pagka-focus ko sa pagkikipag-usap kay Kuya ay hindi ko namalayan na may mabubunggo na pala ako. Huli na rin para umiwas dahil pareho na kaming nakahandusay sa sahig.

"Aray, tang ina!" daing ng lalaking nakabanggaan ko.

Ang OA naman nito. Hindi naman gano'n kasakit ang pagkakasalampak niya, e. Ako nga, hindi naman nasaktan. Very wrong siya doon, a.

"Lutang ka ba? Alam mo na ngang mabubunggo mo ako, tatanga-tanga ka pa," bwelta nito sa akin nang makatayo ito.

Hindi ko naman siya kaagad napansin dahil nga inaayos ko pa ang phone ko na nahulog din at namatay. Punyemas, mukhang masisira pa yata. Wala pa naman akong pamalit.

"Alam mo na nga rin na mabubunggo kita, hindi ka pa umiwas. Sinong mas tanga sa 'ting dalawa?" wala sa sarili kong pambabara rito.

Nang makatayo ay tila nabigla naman ako nang masilayan ang mukha ng lalaking nakabungguan ko. Alam niyo 'yong feeling na bigla na lang nag-slowmo ang paligid? Gano'n ang nararamdaman ko right now, e. Okay, sobrang gwapo niya, though may mga pasa siya sa mukha. Mukhang galing sa bugbugan si koya! Isa pa, parang may something sa mga mata niya na parang lungkot? At kahit pa masama ang tingin nito sa akin ay makikita pa rin ang pagiging maamo ng mukha niya. Hindi ko na tuloy napansin ang nangyari kanina.

"May problema ka ba sa akin, brad? Ang sama mo makatingin, ah?" seryoso pa rin niyang sambit.

Umiling naman ako. "Wala akong problema sa'yo, pero sana, bago mo ako sabihan ng tanga, tingnan mo muna ang sarili mo," matapang ko ring sagot dito.

Napailing na lang siya roon. "Walang saysay kung makikipag-away pa ako sa'yo. Tandaan mo 'to: magkikita pa tayo sa susunod at baka hindi mo na gustuhin pa ang gagawin ko sa pagkakataong iyon."

Napamaang naman ako roon. Aba, ang lakas naman ng loob nitong unggoy na 'to na sabihan ako ng ganyan. Kahit naman ganito ako, hindi ko naman siya uurungan, ano! Suntukan na lang kami, o! Char. Hindi na rin niya ako hinintay pang sumagot noon at dumiretso na rin sa paglalakad. Taob pala 'yon, e. At since tinamad na rin akong ipagpatuloy ang paglalakad ko ay bumalik na lang din ako sa dorm namin.

First day ko pa lang dito, pero nabubwisit na ako! Ang gusto ko lang naman, matupad ko ang mga pangarap ko at ng mga magulang ko para sa akin. Sana naman, hindi na kami magkita pa ng bwisit na unggoy na 'yon.

•~•~•~•~•

Binago ko po ang prologue at flow ng story dahil hindi ko yata mapapanindigan ang una kong ginawa. Hehehe. Sana magustuhan niyo pa rin.:)

Taming Mr. Bad Boy [Slow Update]Where stories live. Discover now