Anong Pakialam Mo?

1.1K 46 0
                                    

Malamang wala ganyan ka naman eh, lagi kang walang pake saken. Alam ko minsan gusto mo na kong sabihan ng "pakihanap ng pake ko." Ramdam ko yon. Ramdam na ramdam ko yon. Ramdam kong ayaw mo naman talaga saken. Dati lagi ko nalang tinitiis yon. Nagpapakamartir ako lagi dati, yung kahit alam kong ayaw mo kong kausapin pilit padin kitang kinakausap. Yung lagi akong nanjan para sayo pag may problema ka, yung gagawin ko lahat para gumaan yung loob mo. Minsan nung tinulungan pa nga kitang manligaw dun sa babaeng gusto mo. Oo alam kong napaka tanga ko para gawin ko yun. Pwede naman kitang tangihan pero kahit minsan hindi ko yon nagawa. Kase hindi ko kayang gawin yon. Yung tanggihan ka. Pero ngayon ayoko na. Sawang sawa na ko. Kaya wag kang mag alala. Titigil na ko. Lalayuan na kita. Kahit masakit para saken. Gagawin ko yung dun ka naman masaya. Yung walang nangbubulabog sayo kahit kakagising mo palang, yung wala nang kukulit sayo kapag wala akong magawa, yung wala nang mang-iinisin sayo. Pasensya na ha? Pasensya kase lagi kong nasisira yung araw mo. Ngayon naiintindihan na kita. Siguro nga mas mabuti kung hindi na tayo nagkakilala. Kaya simula ngayon, hindi mo na ko makikita ulit. Aalis na ko sa buhay mo. At kung sakaling mag kasalubong tayo isang araw, hayaan mo, gagawin ko kung anong pinangako ko. Ako na mismo ang iiwas. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon. Buhay mo ngayon kung saan hindi na ako kasali. Goodbye.💔💔💔

Hugot BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon