Capítulo Quince: Regalo

11.7K 297 15
                                    

CHAPTER FIFTEEN: GIFT

[Hesiod's POV]

"Uso magpaalam" ang tugon ko.

"Hay, naku bhez; huwag ka nang payummy! Sarap mong ingudngud sa pader" ang komento niya. "Nung walang nagpapakita ng interes sayo halos maglupasay ka sa sahig, magkaroon ka lang ng lablyf. Ngayong anjan na may Jeric, nag-iinarte ka diyan. You're killing me."

"Kasi naman, hindi ako sanay" ang paliwanag ko. 'First time kong makantahan.."

"Kinantahan ka niya???" ang gulat niyang tanong.

"Oo" ang nahihiya kong pag-amin. "Tawag pa nga niya sa akin ay Pillow"

"Ano ba yan? Pinapakilig niyo naman akong dalawa." ang reaksyon niya. "Sagutin mo na kasi"

"Agad? Parang nung isang gabi ko lang nakilala."

"Eh, ano naman ngayon? Eventually, makikilala niyo rin ang isa't-isa."

"Oo nga. So, why rush?"

"As long as hindi one-sided yung love, bakit hindi?" ang huli niyang sinabi bago kami pumasok ng lecture room. Pumwesto ako sa tabi ng bintana. Sa lecture ay lumutang ang aking pag-iisip. Napatitig ako sa labas ng bintana. Pinanood ko ang mga freshmen sa kanilang PE class sa covered court. Rinig ko pa ang ginagamit na music ni Sir PE instructor na gwapo. Muling lumutang ang isip ko. Kay Jeric... para siyang biglang hinulog ng langit sa buhay ko. Parang nung huling beses na nakatitig ako sa labas ng bintana ay napaka-monochromatic ang lahat ngunit ngayon ay daig pa ang Dreamlike effect ng Camera 360 ang lahat ng nakikita ko.

"Mr. Cruz! ...Hesiod Dale Cruz!" ang pagdidistract ng isang boses. Ilang segundo ang lumipas bago ko napagtanto na ang Professor ko ang nagtatawag sa akin.

"Yes, Prof?" ang gulat kong tanong sabay tayo. Napatingin lahat sa akin. Hindi dahil tinatawag ni Prof ang aking tensyon kundi dahil sa aking naging reaksyon.

"Mr. Cruz, I'm just checking today's attendance. Hmmm, you're not paying attention" si Prof.

"I'm sorry, Prof" ang paghingi ko ng paumanhin.

"Stop thinking about your love one. I'm sure that person loves you too" ang komento ni prof na dahilan ng pagtawa ng buong klase. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. What the??

ESPIRITO NG SENSE OF HUMOR, SAPIAN MO AKO!!!!!!!!!!!!! Hindi ko maintindihan ang dahilan ng pagtawa nila sa corning joke ni Prof. Magiging uno ba grade ko pag nakitawa rin ako??

"No, prof; I'm thinking about lunch" ang tugon ko sabay upo. Hindi nagtagal ay nawala ang atensyon ng klase sa akin. Muli akong napatitig sa labas at hinyaang muling lumipad ang aking isip. Sa kabuuan ng aking araw ay lutang lang talaga ako. Wala namang makakapansin dahil napaka-distant ko sa klase. Hindi rin naman ako pinapakealaman ng mga Prof ko. Isa kasi ako sa mga "Silent killer". Yung tipong tatanga-tanga ang itsura pero bumabawi pag quiz at exam na. Since huling subject at English na naman ay sa Engineering building ang huli naming lecture room. Kasabay ko si bespren Jared pagkalabas.

"Nga pala, may ibibigay ako sayo" ang sabi ko sabay halungkat sa bag ko.

"Ano naman yan?" ang tanong niya.

"Itago mo agad. Baka makita pa ng iba nating blockmates na FC" ang bilin ko. sabay abot sa kanya ng plastic ng sari-saring chocolates na pinadala ni Papa. Kaagad naman niya yung sinilid sa bag niya. Kalalabas namin ng buildin nang...

"Hesiod!" ang pagtawag ng isang pamilyar na tinig. Napalingon agad kami ni Jared. Anong ginagawa niya rito??????

Sinalubong niya kaagad kami.

"Hi, pillow" ang bati niya sabay ngiti nang nakakasilaw... bakit ang gwapo ni Tukmol ngayon??? Xeet, he's killing me...

"Hi, blanket" ang bati pabalik ni atribidang Jared. Isumbong ko kaya kay Vlad.

"Jared, wag mo akong landiin. Isumbong kita kay Vlad diyan eh!" ang komento ni Jeric. Natawa naman kami ni Jared sa sinabi niya.

"Bakit kasi ang gwapo mo ngayon? Gago ka!" si Jared.

"Para lang kay pillow ko ang kagwapuhan kong ito" ang tugon ni Jeric. "Ikaw ba pillow? Nagwagwapuhan ka rin ba sa akin?"

"Oo naman blanket-este …Jeric. Ang gwapo mo" ang tugon ko. Naramdaman kong nang-init ang mga pisngi ko. Pisti!!!!!!!!!!! Bakit ko siyang tinawag na Blanket???? Damn, crush ko na yata siya bigla...

"Mabuti hindi ka sinita ng guard" ang sabi ko nang maka-recover ako.

"Bakit naman? Estudyante naman ako rito., eh" ang tugon niya sabay labas ng ID lace sa loob ng polo shirt niya. Nasilayan ko ang pamilyar na kulay, green at yellow.

"Saan mo nakuha yan?" ang gulat kong tanong.

"Connections" ang tugon niya sabay sulyap kay Jared. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. "Susunduin kita"

"Ha?" ang gulat kong tanong. "Bakit?"

"First day ko ng panliligaw sa'yo" ang paliwanag niya.

"Ano ba yan? Kinikilig naman ako bigla" ang komento ni  Jared.

"Layas" si Jeric. Napatingin ng masama si Jared sa kanya...

"Hoy, Jeric. Hindi dahil gwapo ka, eh wala na akong kakayahang bangasin yang pagmumukha mo" ang naiinis na komento ni Jared.

"K" lang naman ang naging reaksyon ni Jeric. Lakas niyang mang-inis. Pikon pa naman si bespren. Mas lalong lumabas ang devil look ni Jared.

"Anak ng-"

"Tara muna dun sa tabi,pillow. May disturbo rito. Tsaka may ibibigay ako sayo. Makihati pa si asungot" ang yaya ni Jeric sa akin sabay hila papunta sa mauupuan. Napasulyap ako kay Jared.

0_0...

Nababalutan ng masamang aura si Jared at baka ms-evolve na...

"Hui, ano ka ba Jeric? Bakit mo naman ginanun si Bespren?"

"Sanay na siya sa ganun. Tignan mo, mamaya okay na naman siya. Bipolar yan eh" ang paliwanag naman niya.. Kung sa bagay ay may punto naman talaga siya. "Going back..."

"To the corner where I first met you" ang pagpapatuloy ko. Napangiti naman siya.

"Gonna camp my sleeping bag. Im not gonna move" ang muli niyang pagpapatuloy. Aba, sinakyan talaga ako! Pinanood ko siya nang binuksan niya ang zipper ng kanyang body bag. May hinugot na karton at inabot sa akin. At nakaribbon pa...

"Favorite mo yan" ang nakangiti niyang paliwanag. Napaisip ako ng malalalim... Ano nga bang favorite ko? CHEESE CAKE!!!!!!

Binuksan ko ang karton....

O_o

Ano to????????????????

-_________- EPIC FAIL

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now