Chapter 22

8.9K 375 16
                                    


Keira's Pov

Naninilipit pa rin si Sherez sa sakit na nararamdaman niya sa kanang bahagi ng leeg niya. May itim na ugat ang lumilitaw sa leeg niya. Hindi rin siya mapakali habang nakahawak dito.

"K-keira! Sobrang init!!"

Lumapit ako at pilit na pinapakalma siya. Pawis na pawis na siya at hinihingal, unti-unti na rin na lumalabas ang mga pangil niya. Ilang oras na lang ang natitira at malapit na siya maging bampira.

"K-kei...ra..."

"Bakit?"

Nagulat ako ng hatakin niya ako pahiga sa kama at siya naman ay umupo sa mga hita ko. Tinitingnan niya ako na parang sinusuri pa. Nagbabago na rin ang kulay ng mga mata niya, nagkukulay ginto na ito.

"Sherez..." Hindi siya sumagot at hinawakan ang leeg ko gamit ang dalawang kamay ng mahigpit..

Wala na siya sa sarili niya at kinokontrol na siya ng kapangyarihan niya. Inilapit niya ang mukha sa akin at inaamoy ako. Paniguradong uhaw na uhaw na siya sa dugo dahil hindi pa nakakatikim ng dugo ang systema niya.

"Oh! Fvck!!" Hindi ko naiwasan ang mapamura ng kagatin niya ang leeg ko.

Sa sobrang pagkauhaw niya ay paniguradong mauubusan ako ng dugo. Napahawak ako ng mahigpit sa kanya nang idiin niya pa lalo ang mga pangil sa leeg ko.

"Sherez... hindi ko akalain na ganito na pala ang maaabutan ko."

Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. May isang babaeng nakatayo sa tabi ng bintana habang nakatingin sa amin, paano siya nakapasok dito? Nakasuot siya ng itim na mask para takpan ang ilong at bibig niya. Hindi pa rin humihinto si Sherez sa pag-inom ng dugo ko. Kapag hindi siya huminto mauubusan talaga ako ng dugo!

"Mamaya ko na lang siguro siya istorbuhin kapag napatay ka na niya." Sumandal siya sa wall habang nakahalukipkip.

"Sino ka?!" Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa dahil nakadagan sa akin si Sherez.

"Ako ang nagbabalik mula sa nakaraan ni Sherez.."

Sino ba siya?

Wait! Kung siya ang nagbabalik mula sa nakaraan ni Sherez? Ibig sabihin, si Death ang babaeng kaharap namin ngayon?! Bakit hindi ko maamoy ang pagiging wolf sa kanya?!

Huminto si Sherez na ipinagtaka ko. She groaned loudly at bumagsak sa tabi ko. Hinihingal siya at sobrang higpit ng pagkakawak niya sa kumot. Napansin kong unti-unting nawawala ang kulay ginto niyang mata at bumabalik ang asul na kulay nito. She's fighting against her Vampire form...

"Aaahh!! Keira! I-it hurts! Pa...parang sinusunog a...ang loob ng k...katawan ko!" Kinakain na naman siya ng Vampire form niya dahil nagsisimula na namang maging ginto ang mga mata niya.

Muntik ko nang makalimutan na may iba pa kaming kasama rito. Napatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya kay Sherez. Bakit parang wala siyang balak patayin ito? Lalo na't magiging ganap na Vampire na si Sherez at pagkakataon na niya ito pero bakit?. Tumayo ako at tinitigan siya ng masama kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Ang ayoko sa lahat ay yung may tumititig ng ganyan sa kanya... naiirita ako."

"Bakit? Pagmamay-ari mo ba siya? Hindi naman di ba?" Bigla akong na inis sa sinabi niya. Lalapit sana ako pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kanya at siya ang naglalakad palapit sa akin.

Parang hinawi niya lang ako gamit ang kanang braso niya pero ang impact ay ang pagtalsik ko at paghampas ng malakas sa wall. Lumapit siya kay Sherez na hanggang ngayon ay naninilipit pa rin sa sakit na nararamdaman niya. Gulat pero hirap na napatingin sa kanya si Sherez nang ipatong niya ang mga kamay sa kama.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now