Secret

23.3K 764 39
                                    



LEI POV

ang sakit ng ulo ko hindi ko magalaw ng maayos ung katawan ko para bang may nakapatong sa katawan ko at di ko maangat may narinig akong mga nagsasalita.

"Ma hindi ko nga rin po alam kung bakit siya nahimatay"sabi niya na parang pamilyar ang boses


unti unti kong minulat ung mata ko at agad naman nilang ikinagulat


"oh gising ka na pala Lei" sabi ni tita sabay yakap sa akin


",buti na lang at gising ka na" sabi ni cess at niyakap ako ng mahigpit


"hayyy nako buti na lang at nagising ka na alam mo bang alalang-alalang itong si mama sayo dahil sa pagkahimatay mo sila tuloy ang nagsakripisyo sa sarili mong katangahan!" pasigaw na sabi ni britney sabay irap


"tumigil ka nga britney konting respeto naman" pagtatanggol sa akin ni tita


"ahmm sorry po tita kung nagalala pa po kayo sa akin di ko po kasi maalala ang nangyari sa akin pasensya na po" sabi ko kay tita


"ahmm Ma, Lei ako na ang magkukwento " sabi ni cess


Francess Pov

*FLASHBACK*

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko may MAGIC si Lei? nung nakita ko siyang itinataas ang mga lalake nakita ko ang pendant niya na umilaw, may lima itong kulay red,blue,green.white and rainbow sa gitna hindi ako makapaniwala na may powers pala yung pendant ni lei nakatulala pa rin ako sa mga lalake habang tumatakbo palayo,hindi ko namalayan nawalan na pala si lei ng malay at agad akong humingi ng tulong.

*End of flashback*


Lei 's Pov

hindi ako makapaniwala sa nasabi ni cess hnd ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.pero parang wala lang to sakin na para bang nangyari na ito hindi ko alam.


"huh, n -nagpapatawa ka ba cess masyado ka ng naniniwala sa mg fairy tales alam mo bang never un magkakatotoo"sagot ni britney sabay irap sa akin


"alam kong mahirap paniwalaan Ate,Ma pero totoo ang sinasabi ko, hindi ako nagsisinungaling!"sabi ni cess


"siguro pa ay lumabas na muna kayong dalawa may sasabihin lang ako kay Lei"sabi ni tita kila britney


Lumabas na sila britney at cess at natira kami ni dito tita sa loob ng kwarto.


"ahmm Tita ano po ung sasabihin niyo?" Tanong ko kay Tita


"Lei kailangan mo ng malaman kung sino ka" sabi ni tita

"A-ano p-pong i-ibig niyong s-sabihin t-tita?" nauutal kong tanong

" hindi kita pamangkin or kamaganak "

"Ganito kasi yun iha"


Tita Cecile pov


*Flashback*

nandito ako ngayon sa kusina para magluto ng hapunan sa aking mga anak ang lakas ng ulan at kumikidlat, hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumakas ang ulan....


Tok****tok*****Tok


"sandali Lang!" sabi ko ang pagkakaalam ko ay wala naman kaming inimbitang bisita nilapag ko sa lamesa ang sandok at binuksan ang pintuan


tumambad sa akin ang isang Basket kinuha ko agad ito at nilagay sa loob sumilip ako ulit kung may tao pero wala naman. Pagkabukas ko ng basket tumambad agad sa akin ang napakagandang sanggol na babae kinuha ko agad iyon at pinatahan.


"Sino kaya ang nagiwan nito, napakagandang sanggol, kung iniwan ka sa amin para alagaan ka ituturing kitang pamangkin ko,  ano kayang magandang pangalan?, ahhh Gicma, Gicma Lei ang magiging pangalan mo" sabi ko habang kinakarga siya ng makatulog na siya itinabi ko siya sa kama kung saan nandoon ang dalawa kong anak.kinuha ko ulit ang basket at may nakita akong sulat at pendant.


Dear Cecile,

matagal na kitang pinagmamasadan, maalaga ka mabait at may malasakit sayo ko nakita ang pagiging ako alam kong maaalagaan niyo ang aking anak, malalaman niya rin ang tunay niyang pagkatao sa ngayon ipasuot mo lagi sa kanya ang pendant na nasa basket, huwag mo itong ipapatanggal sa kanya pakisabi sa kanya na mahal na mahal namin siya.


isinuot ko na nag pendant sa kanya tsaka ito umilaw..


*END OF FLASHBACK*


LEI POV


DI ako makapaniwala sa sinasabi ni Tita gusto kong umiyak pero di ko alam kung ano ang dahilan pero sa totoo lang ay nalulungkot ako dahil mawawalay sa akin sila Tita.


TOK TOK TOK TOK


"Sorry for interrupting but i have an announcement, you can go home now anytime you want nahilo ka lang kaya ka nahimatay wala namang natamong damage sa ulo mo" sabi ni Doc


" Salamt po Doc" sabi ni Tita at tumango yung doctor


" Tara na Lei alam ko kapag nalaman mo na ang totoo hahanapin mo sila handa naman kami lei basta sabihan mo lang kami" sabi ni tita at tinulungan akong makatayo


Nagbihis na ako at sila cess ang nagabalang magbayad ng gastusin sa hospital umuwi kami ng tahimik at walang nagiimikan


" Tita bigyan niyo po ako ng dalawang linggo para magisip" sabi ko kay tita


" sige anak basta kapag handa ka na nandito lang kami okay?" Sabi niya at tumango lang ako


"salamat po tita at cess Goodnight" sabi ko


"Goodnight din iha/ lei" sabay na sabi  ni tita at cess at sinarado na yung pintuan

Sana mahanap ko na pamilya ko at malaman ko na kung ano at sino ba talaga ako at bakit may kapangyarihan ako.

*******************
(A/N: hope u like it :))                                 comment if u like to suggestion, i will accept it :))

please Vote if u like it........

thanks Guys :))

ahmm thanks na din sa mga tumulong sa akin lab u all :))

EDITED😶

Magical Academy: The Long lost legendary PrincessWhere stories live. Discover now