one

21.2K 656 167
                                    


****

The NERD's POV

Tahimik akong nagbabasa ng libro dito sa library ng may marinig akong kakaibang ingay.

Ungol?

Umiling ako at hindi na lang pinansin ang mga naririnig ko. Malamang sa malamang, may gumagawa na naman ng milagro dito. Tsk, tsk. Hindi na sila nahiya! Dito pa talaga.

Pero kahit anong focus ko sa pagbabasa ay nabo-bother pa rin ako sa mga naririnig ko. 'Di pa ba sila matatapos?

Hindi ko na natiis at tumayo ako. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mga ungol at dinala ako ng mga paa ko sa isang madilim na parte ng library.

Binuksan ko ang ilaw ng mumurahin kong cellphone at itinapat ko iyon sa madilim na sulok upang makita kung tama ba ang hinala ko. Ihinanda ko ang sarili ko sa maaari kong makita.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Dalawang babae. As usual.

Naka-pin pa ang kamay nung isang babae. At hinahalikan siya nung isa pang babae sa leeg. Todo ungol naman yung isa.

Kahit expected ko na mga babae talaga ang makikita ko ay hindi ko pa rin mapigilang magulat. Normal lang kasi dito sa school ang ganun, dahil all girls school ito.

Nagmulat ng mata yung isang babae na hinahalikan sa leeg at nahuli niya akong namboboso! Pakshet!

Inayos ko ang salamin ko sa mata at ngumiti ng alanganin sa kanya.

Takbo!

Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon at lumabas ng library bago ko narinig ang mga katagang, "You're dead!" Shinginames dapat hindi ko na kasi sila binosohan!

Tumingin ako sa likod at nakita kong hinahabol ako nung babae.

Panibagong gulo na naman ang pinasok mo, Laira. Tsk 'yan oh!

****

The BITCH's POV

I was about to close the door of my room when suddenly, a nerd came hushing and stopped me.

Ew, she looks so haggard. "'W-wag mo munang isara. Papasukin mo ako, please! M-may humahabol sakin!" She said almost out of breath.

"No way! I don't help people. At hindi ako nagpapapasok ng cheap sa room ko." I said.

Well, everything about her is obviously cheap. Especially her big thick glasses, whatta nerd. Ew! She has no fashion sense.

She took a glance at her back and looked back at me with wide pleading eyes. I didn't do anything but I was shocked when she pushed me inside of my room with her and closed the door immediately. Fuck this shortie! Wala pang tumulak sakin ng ganun!

May narinig akong yabag ng mga paa sa labas at nagsalita pa, "Where did that nerd go?! Fuck." And after that ay narinig naming umalis na yung babae.

I heard she sighed in relief and chuckled afterwards. Crazy.

Inayos niya ang magulo niyang buhok at inalis ang salamin niya, nagpunas rin siya ng pawis sa mukha at leeg gamit ang panyo niya.

Wow, yung mga mata niya. Itim na itim. That's... rare. Madalas kasi akala mo itim ang mata ng isang tao, pero ang totoo may pagka-brownish iyon. Which is too common. Pero itong kay nerd, pure na pure ang pagka-black.

I looked at her face. Okay, I admit, she's cute without glasses.

Natapos ang pagtitig ko sa kanya ng isuot niya muli ang glasses niya at tumingin sakin.

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon