Unang Yugto: panawid gutom

4.9K 77 10
                                    

Hindi ko akalaing magiging ganito kahirap gumawa ng paraan para makakain sa maghapon...

Dati rati rumaket ka lang, oh umextra extra sa mga part time jobs? Ok na..

Yung iba naman, mangangapit bahay lang, pupunta sa barkada.. Ayos na buSOLVE na!! Ika nga..

Pero di ko talaga maimagine na magiging ganito...

Heto ako ngayun.. Naglalakad... Kabado.... At gutom na gutom...

Palinga linga sa bawat kantong dinaraanan... Parang isang magnanakaw na hindi pwedeng mahuli...

Bakit? Hindi dahil i kukulong ka..
Hindi rin dahil huhulihin  ka ng mga pulis...

Pero dahil dito.. Sa lintik na hayop na to..

BLAGGG!!! PAKK!! PAKK!! BLAGGG!!

Anu buhay ka pa? Ah mali mali.. Anu patay ka na ba?? Parang mali din yata? Hay nevermind...

Iba na ang buhay ngayun.. Hindi na gaya dati... Dahil sa mga halimaw na to.. Di ko na mabilang kung pang ilan na tong napatay ko.. Pero parang walang katapusan...

Hayyy.. Asan ba ang grocery dto sa lintik na bayan na to... Baka mauna pa akong mamatay sa gutom.. Kesa mapatay ng mga pesteng halimaw.. Pero sa bagay hindi na masamang sa gutom mamatay... Kesa naman mamatay ka na pinag pi pyestahan ka diba?

Teka.. Me parating... Mabilis... Mukhang tumatakbo... Tago muna ko dito sa gilid.. Sa tabi ng isang malaking basurahan...

Susi!!!! Susi!!!? Alin ka ba ditong susiii ka!???

Narinig kong paiyak na wika ng isang lalaki.. Tingin ko mga 30's o late 20's na tong lalaki..

Dahan dahan akong sumilip sa pinag tataguan ko.. At nakita ko nga ang isang lalaki na tarantang ini isa isang isuot ang mga susi sa seradora ng isang maliit na grocery... Hndi nya malaman kung anung susi ang isasalpak sa sobrang pagkabalisa... Akma akong lalabas sa pwesto ko ng biglang...

KABLAAAGGGGG!?! BLAGGGG!!!

galing sa malapit na kanto na pinanggalingan ng lalaki...
Agad napalingon ito sa pinanggalingan ng ingay... At biglang nanlaki ang mga mata... At mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palayo...

Wiw!!! Buti na lang at hindi sya dito tumakbo sa direksyon ko.. Kung hindi? Tapos ang career ko... Hmmm cguro akala nyu kanina isa akong malakas, mabilis at matipunong lalaki no? Akala nyu lang yun.. Hahaha..

Muli akong sumilip sa kalsada na kinatatayuan ng grocery... Tahimik na... Pero hindi ako pwedeng magtiwala agad... Kaya dahan dahan akong lumabas.. Unti unti.. Li linga linga ulit.. Nag hahanap ng panganib na maaring  tumapos sa buhay ko..

Dahan dahan... hanggang marating ko ang harapan ng grocery... Kaagad kong napansin ang susi na nakapasok na sa susian ng sliding na bakal na harang sa pinto ng grocery...

Pinihit ko ito at...

"CLICK"

Bumukas ang lock... At mabilis kong ini slide ito..dahan dahan kong tinulak papasok ang salamin na pinto.. At hinayaang pumasok ang konting liwanag na natitira sa nakakapagod na araw na to...

Hinayaan ko munang bukas ang pintuan... Nakikiramdam.. Pinakikinggan kong may dapat ba akong katakutan sa maliit na tindahang ito.. At ng maka siguradong wala naman... Mabilis kung kinabig pasara ang bakal na sliding gate at awtomatiko itong nag lock paglapat nito...

Agad akong naghanap ng switch para lumiwanag ang loob ng tindahan.. Mabilis ko naman itong nakita... At sa ilang saglit lang ay sumindi na ang mga ilaw... Isinara ko ang salaming pintuan at nag umpisang maghanap ng bagay na maaring pamalit sa liwanag na nangagaling sa mga ilaw.. sa pagkat alam kung hindi ito pwede gamitin pag dumilim n sa labas   dahil magliliwanag sa labas at maaring makita ito hindi lang ng mga halimaw kundi narin ng ibang tao na mapadaan..

Naka kita ako ng flashlight at mga batterya.. Agad ko itong inayos at pinasindi.. Tinungo ko ang switch at pinatay ang ilaw ng tindahan...

Hay ngayun lng aq nakahinga hinga ng maluwag... Napaka malas naman ng lalaking yun... Pipihitin n lng nya yung susi tumakbo pa sya...

Nawala ang lahat ng mga inii isip ko ng mailawan ko ang mga istante ng grocery... NAPAKARAMING PAGKAIN hahahaha

Dali dali akong nagtungo sa mga stanteng kinalalagyan ng mga paninda ng maliit na grocery..

Agad naghanap ng makakain, mabilis kung nahanap at kinuha ang 2 lata ng tuna, at isang lata ng pine apple tid bits.. Binuksan ko agad gamit ang kutsilyong dala dala ko pa mula sa apartment na tinutuluyan ko..

Para akong isang pulubi na patay gutom, dahil sa isang iglap lang wala ng laman lahat nung tatlong lata na yun.. Hay sa wakas pagkatapos ng 2 araw  na gutom heto at nagkalaman na ulit ang aking tiyan...

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at mabilis na inayos at binuksan ang dala dala kong back pack..

Inisa isa ko ang bawat istante.. At isa isang nilagay ang mga delatang maaring magsalba pa sa akin ng mga ilang araw..  Para sa pina plano kung pag uwi sa lugar namin..

Hay nasan nga ba ako? Nandito ako ngayun sa bayan ng angeles, pampangga.. At ang binabalak kung lugar na uwian? Malapit lang.. Laguna lang naman...

Kung iisipin ko ang mga bagay bagay, mukhang imposible na makauwi pa ako.. Napaka layo ng Pampanga sa Laguna.. At isa pa hindi ako marunong mag drive ng sasakyan.. Tanging motor siklo lang ang kaya kong gamitin na makapag dadala sakin sa distinasyon na yun kaso ilang araw na kong minamalas makakita ng  motor na magagamit...

Naputol ang pag mumuni muni ko sa mga bagay bagay nang may marinig akong ingay sa bandang likuran ng grocery agad kong inayus ang backpack ko sinara at isinukbit sa balikat.. Damn!! mabigat bigat rin talaga mga delata, si singkwenta piraso lang kinuha ko pero may bagay na ang bigat...

Agad kong kinuha si kaibigang baseball bat sa sahig na pinag upuan ko kanina habang kumakain.. At dahan dahang tinungo ang pinag mumulan ng ingay..

Dahan dahan, hangang marating ko ang bandang likuran ng maliit na grocery.. Nakita ko ang isang pintuan na medyo nakabukas ng konti at may liwanag na uma alpas mula rito.. Maingat akong lumapit sa may pintuan para sana buksan to ng dahan dahan ng biglang.. BLAG!! AWWW!!!??

SHIT!! may sumipa sa likod ko at gumulong ako papasok sa kwarto.. Ang sakit nun grabe sa tantya ko black belter sa kung anu mang martial arts yung lintik na sumipa sakin..

Pero mabilis nawala sa isipan ko kung sinu man sya dahil sa tanawin na nasulyapan ko sa loob nitong kwarto..

"May tatlong bibe akong nakita"

sana nga bibe na lang kaso tatlong duguang, dating tao.. Ang nakita ko.. Nakatingin sakin at mukhang gutom na gutom.....

Kagat ( Bite )Where stories live. Discover now