A KathNiel Story: Chapter 1

27.5K 139 23
                                    

Dahil nainspire ako magsulat dahil sa mga stories about KathNiel na nabasa ko dito, gumawa ako ng sarili kong FanFic...:)))) FIRST TIME KO TOH kaya pagbigyan na...:))))))))))

_____________________________________________________________________________

Kathryn's Point of View

Hello, ako nga pala si Kathryn Bernardo. Kath na lang for short. 4th year student na ako. Hindi naman ako ganun kaganda kagaya ng iba. Hindi ako sikat sa school. Ang alam ko lang gawin sa school ay mag-aral. Wala kasi akong kaibigan kundi si Julia, ang nagiisa kong bestfriend. Si Julia ay maganda, sikat at maraming kakilala, in short kabaliktaran ng buhay ko pero kahit ganun matalik na magkaibigan kami nun pero anyway balik na tayo sa kwento ko.

First day ng klase ngayon 4th year na ako. Sabi ko sa sarili ko, kailangang maging memorable ang last year ko sa highschool! Gusto kong baguhin ang sarili ko. Diba sabi ko sa inyo hindi ako ganun kaganda. Para kasi akong nerd. Naka salamin at laging nagaaral. Basta.

Nandito na ako sa school, nakita ko si Julia na nakaupo sa bench. Nilapitan ko siya at inaya ko na siya papunta sa classroom. Magkaklase kasi kami.

Nakarating na kami sa classroom namin nang biglang may tumawag kay Julia. "Hi Julia!" sabi nung lalaki. Ang lalaking yun ay ang lalaking crush ko simula pa nung first year . Pero hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya dahil siya lang naman ang "Campus Heartthrob" ng school, halos lahat siguro ng babae sa school namin siya ang crush. Kaya naisip kong wag na pagtuunan ng pansin ang crush ko. Tsaka crush lang naman yun eh di na kailangan sabihin. haha. Magpatuloy na tayo sa kuwento. Si Julia lang ang binati niya. Awwwww naman hahahaha.. JOKE! Close kasi sila ni Julia, pero kami hindi close, hindi man lang nga ako napapansin ni Daniel. Ay! nakalimutan ko nga pala ipakilala ang crush.. este ang Mr. Heartthrob ng school namin.. Siya si Daniel Padilla, ang pinaka sikat at pinaka gwapong lalaki sa buong school.

Dumating na si Ms. Ortega, ang teacher at adviser namin. Dahil first day nga, wala pang masyadong ginagawa.

-fast forward-

Break time na...

Inaya ako ni Julia sa canteen... Ayan nakabili na kami ng pagkain at umupo na sa lagi naming inuupuan....ng biglang may tumabi kay Julia(magkaharap kasi kami ni Julia)... Si...si...si Daniel pala... Napatitig naman ako sa kanya pero agad kong inalis kasi baka sabihin niya may gusto ako sa kanya(wala nga ba?!) :))) Nafeel kong tumingin din siya sakin eh pero nung tumingin ako di na siya nakatingin...(Ano ka ba Kath? Nagiimagine ka ng napaka imposibleng mangyayari!!:))) hahaha.. Gising Kath! Gising!!) Tapos biglang may nagsalita si Mr. Heartthrob pala!!

"Hello Kath!" Wow! First time niya ako kinausap ha! At alam niya pala pangalan ko?! yiee kilig naman ako.. Ano ba yang pinagiisip ko?? haha. 

"He..Hello..." Ako naman nauutal na sumagot.

Ay naghello lang pala.. Kinausap na niya si Julia, OP naman ako... Close kasi sila diba???!!!

-fast forward-

Bumalik na kami sa klase. Math time na. Kaklase ko nga rin pala si Mr. Heartthrob at katabi ko pa siya pero as usual hindi ako kinakausap.. Tapos biglang may kumalabit sakin,

"Ano daw formula para sa area ng circle?" napatingin naman ako sa nagtanong, O.o si Mr. Heartthrob pala yung nagtatanong. Tapos sinagot ko yung tanong niya  "πr^2" sabi ko. "Thanks!" sabi niya sabay ngiti sakin :)))))) yiee hahaha. "Okay class, be ready for a quiz tomorrow.." Sabi ng Math Teacher namin.. Sa isip ko sabi ko okay lang yan magaaral na lang ako mamaya sa bahay..

_____________________________________________________________________________

Sorry po kung ganyan ako magsulat ng story:))) first time ko kasi magsulat ng story eh. hahaha. 

next chapter in maybe 2 months haha.

A KathNiel StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon