CHAPTER 2 - SOMETHING ABOUT HER

3.3K 109 2
                                    

Nang matapos ang party ay isa isa na ding nag paalam ang mga bisita....

Habang si Ronnah ay pinagmamasdan lang si Grace sa di kalayuan, na nakatingin sa mga kinuha nitong litrato.

Ronnnah: So, pwede ko na bang makita yang mga pictures dyan sa camera mo?

(Sambit nito na sumulpot sa likuran ni Grace, nagulat naman ito at biglang inilihis ang camera.)

Grace: Ha? Ano kasi lobat na eh, pag nadevelop ko nalang, Jane tera. (Tawag nito) Paano aalis na rin kami Ronnah, it was nice meeting you.

Ronnah: You too.

(Sabay alis ng mga ito at hindi naman maiwasang mapa lipbite ni Ronnah, habang pinagmamasadan ito na nagpapaalam narin kila Mrs. Velasco.)

Jasmin: Hmm, ate anong klaseng tingin yan ha?

(Bungad nito kay Ronnah.)

Ronnah: Wala.

Jasmin: Wala? Eh, halos mapunit yan labi mo ah.

Ronnah: What? Hahaha! There is  nothing okay? Wala talaga.

Jasmin: Okay ate easy, sabi mo eh sayang may sasabihin pa naman ako sayo.

Ronnah: Ano 'yon?

Jasmin: Never mind, ate saglit lang aasikasuhin ko lang mga classmate ko, paalis na.

CUT TO:
Nang makabalik ng studio sila Grace agad niyang sinalpak ang connecter ng camera niya thru computer, para mas makita nito ang mga litrato, click siya ng click hanggang sa nakita na niya ang mga larawan ni Ronnah.

Grace: Ang ganda ganda mo.

(Sambit nito sa isip niya sabay hawak sa monitor ng computer ng biglang dating ni Jane.)

Jane: Friend? (Tawag nito at nagulat siya sa nakita) Hmm, type mo sya no?

Grace: Ha? Hindi ah.

Jane: Hindi? kaya pala puro pictures niya 'yan.

Grace: Nagagandahan lang, type agad. (Depensa nito)

Jane: Ako nga Grace Dela Cruz, tigilan mo ilang taon na ba tayong mag kaibigan? Kaya kilalang kilala na kita?

Grace: Okay fine, kaunti lang iba kasi ang dating niya sa akin nung makita ko siya.

Jane: Love at first sight?

Grace: Sira! Love at first sight ka diyan, Ewan ko sayo ang mabuti pa gawin mo na 'yang pageedit ng video.

(Umalis nga si Jane at muling binalingan ni Grace ng tingin ang mga larawan ni Ronnah.)

Kinabukasan ng magising si Grace dahil sa sikat ng araw. Pagkabangon niya ay nagunat unat muna ito, lumabas siya ng kwarto para makapagluto pero wala ng laman ang kanyang ref. Wala siyang nagawa kung 'di kumain sa labas at mag grocery na rin. Nag lakad lakad ito sa mall habang dala ang kaniyang pinamili ng biglang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang tawag.

Grace: Hello friend, oh sige nag grocery kasi ako, oo sige, I'll be there.

(Muli niyang inilagay ang cellphone sa kanyang bag ng biglang) *Blagag* (At nabitawan niya ang dalang pinamili.)

I-I'm so sorry, Ms...

(At nagulat ito ng makita ang mukha ng babaeng naka banggaan.)

Grace: Ronnah!
(Gulat na bulalas nito.)

Ronnah: Grace? Oh my gosh, I'm so sorry.

Grace: It's okay.

KUNG TAMEME KA TSONG AKO NA ANG MANLILIGAW (RaStro)Where stories live. Discover now