Prologue

82 4 0
                                    

Prologue

"Luna?" Muling tawag ko, binuksan ang pintuan ng kwarto niya't napabuntong-hininga nang hindi siya makita. "Where is she?"

"Ma'am I'm sorry," Sabi ni Lizzy, ang Yaya niya't katulad ko ay hindi mapakali lalo na't nawawala si Luna. "Wala po siya sa garden, pool or sa balcony." Aniya't bumuntong-hininga. "I can't find her."

Mariin akong napapikit ng mga mata, nilingon ang relo ko't nakitang ilang saglit na lang ay magsisimula na ang Party.

Where are you Luna? Bulong ko't bigla ay napabuntong-hininga nang maalala ang isang lugar na posibleng pagtaguan niya. Oh, Luna. My naughty little girl.

"Luna," Kunot-noong sabi ko pagkabukas ng pinto ng attic, hindi na nagulat nang makita ang anak 'kong nakaupo sa lapag at may hawak-hawak na libro. "There you are."

"M-mom," Gulat na sabi niya't agad na tinago ang libro sa kaniyang likod. "What are you doing here?"

"I should be the one asking that, Luna." Sabi ko't nakacross-arms na lumapit sa kaniya. "I've been looking for you for ages, sweetie. The party's about to start."

"I don't want to go," Nakasimangot na sabi niya't nilabas na mula sa kaniyang likod ang librong hawak. "You know how much I hate parties, Mom. And besides," Sabi niya't 'tila kumislap ang mga mata nang lingunin ang libro. "I'm not yet done reading this book, can you read it for me, Mom?"

"Luna," Buntong-hininga ko't pagod na nilingon siya. "I've already read that book for you a thousand times, sweetie." Sabi ko't umupo sa tabi niya. "Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"No, I will never get tired of this, Mom." Sabi niya't niyakap ng mahigpit ang libro. "This is one of my favorite love stories and besides, hindi mo pa sinasabi sa akin ang ending."

"C'mon, Luna." Sabi ko't hinawakan ang kamay niya. "I'll read that book for you some other time, for now let's go downstairs and prepare for your party."

"Please, please, Mom." Paglalambing niya sa'kin sabay nilagay ang ulo niya sa balikat ko't parang pusa na nagsisiksik roon. "I promise, I'll be a good girl tonight just please tell me about how the love story of the Moon Goddess and the Mortal ended." Aniya't nilahad sa akin ang librong hawak-hawak. "Pretty please, Mommy?"

"Alright," Buntong-hininga ko kasabay ng pagpalakpak ni Luna, dahilan ng pagngiti ko't sinabing, "Pinky promise?"

"Promise!" Masayang sabi niya't agad na nilahad sa akin ang kaniyang pinky finger. "Bilis, Mommy! I'm so excited!"

"Alright," Nakangiting sabi ko't binasa ang mga naglalakihang letrang nakalagay sa unang pahina ng libro. "Lethal Fate." Pagbasa ko sa title ng aklat kasabay ng paglipat ko ng pahina sa unang kabanata.

"Once upon a time.."

Lethal FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon