Chapter 12 - Change is here

44.1K 968 43
                                    


Chapter 12 - Change is here

~

"HINDI NGA ako pwedeng magkamali! I'm with her last night! I swear!" Kanina niya pa sinasabi ang bagay na iyon sa mga kapatid niya. Napasugod nga ang buong gang dito sa Bangkok ng tawagan niya si Jaguar kanina at sabihin ang mga nangyari kagabi.

He's sure that he was with Roxsan the whole night. Sino naman ang babaeng iyon kundi si Roxsan?!

Kilala niya ang boses nito, ang amoy nito maging ang pakiramdam ng katawan nito sa kanya. Alam na alam niya iyon dahil hinding hindi niya makakalimutan ang unang beses na ginawa nila iyon.

That first night.

"You're just assuming things Falcon! Paano naman maatim ni Roxsan na makipag-sex sa lalaking sumira ng buhay niya!" The Queen hissed. Halata namang ilag pa din ito ngayon sa kanya.

"My Queen." May bahid ng pagbabanta sa boses ni Master Demon ng suwayin nito ang asawa.

Tinaasan lang ito ng kilay ng Reyna. "What now?! Totoo naman yung sinabi ko diba?!" Binalingan siya nito ng tingin at saka inismiran. "Isa pa, nananahimik na iyong tao sa Pinas kaya bakit mo pa pinagpipilitan yang sinasabi mo."

Huminga ng malalim si Master Demon bago hinawakan ang bewang ng asawa. "Let's go outside. Let them handle this! Masyadong mainit ang ulo mo. Are you pregnant again?!"

Nakita niyang nanlaki pa ang mga mata ng Reyna bago tumalikod ang mga ito.

"Oh my god!" Dinig niya pang sabi ng Reyna bago tuloyang nakalabas ng silid ang dalawa.

Nakikinig lang sila sa dalawa. Hello! Kwento na niya ito! Pwedeng siya muna?!

Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong hininga. Bakit ba ayaw nilang maniwala na si Roxsan talaga ang kasama niya buong magdamag.

Naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya ng kapatid niyang si Leon Chui.

"Maybe you're really hallucinating brother."

Napapikit siya ng mariin. Paano niya ba sasabihin iyon.

"Damn man! Tigang ka lang! Nakatikim ka kagabi baka naman buong magadamag inakala mong siya iyon dahil aa sobrang pagkamiss mo sa kanya." Sabi pa ni Sean.

Napailing naman si Caleb. Kanina pa ito hindi nagsasalita at abala sa pagtipa sa cellphone nito. Alam naman nilang lahat na kabuwanan ng asawa nito. Siguro ay chinecheck lang nito ang asawa nito.

"Shut up Sean! I still don't like that woman for my lil'bro." Inis na sabi ni Jaguar. "She has her own life now, Fal. Tama na iyang sinasabi mo!"

"I.. Siya talaga iyong kasama ko kagabi!" Pilit niya pa.

"Putang ina isang sabi pa puputulin ko yang bayag mo!" Inis na sabi ni Ross. "Tigilan mo na yan Falcon! Nasa Pilipinas si Roxsan at nagsearch na kami kung lumabas ba ito ng bansa kagabi pero wala! Clean records!"

"Di ba pinapasundan mo naman siya?!" Nakangisi namang tanong ni Sean. "So by now na-report na din sayo ng taohan mong iyon na hindi umalis si Roxsan kahapon, o kahit kagabi."

Bumagsak na ang balikat niya. Tama ang lahat ng sinabi ng mga kagrupo niya napaka-imposibleng si Roxsan iyon dahil hindi naman ito umalis ng Pilipinas but his senses.. Hindi siya pwedeng magkamali na si Roxsan talaga ang kasama niya buong magdamag.

Nagulat siya ng lumapit sa kanya si Caleb at ibinigay nito sa kanya ang malapad nitong cellphone.

Napakunot ang noo niya bago kinuha iyon. Doon niya nakita ang larawan na nakadurog ng puso niya.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now