-Day 003-

23 1 2
                                    

Ang gwapo talaga niya! Halos walang pinagkaiba sa mga posters ko sa bahay.

Biruin mo, nakabisado ko na lahat ng facial features niya sa loob ng 5 minutes na paglalakad niya sa harapan ko?! Kahit hindi niya ako nakita, atleast nakita ko naman siya.


"Zaichi, bilisan mo na dyan dahil marami ka pang gagawin dito." Sita sa akin nung mataray na librarian.

"O-opo, ms. Santos."

Isa akong part time assistant librarian sa library ng school. My job is to re-arrange the books and isauli yung mga naka-kalat na libro sa shelves. Basically, taga-ligpit ako ng mga librong ikinalat ng mga estudyante.


"Omo! Zaichi, looky looky looky! Trending sa school yung upcoming announcement ng school clubs!" And guess who we have here. It's Zamy.

"Shhh!" Saway sa kanya nung mataray na librarian.

"Eeek! Sowwy." Nag-peace sign siya dun kay ms. Santos. Inirapan lang siya. Tsk tsk. First warning my Zamy.

She then tiptoed her way to me at ipinakita niya yung nasa phone niya. Website ng school. At ang mga nilalaman nito ay ang mga hot topics at blind items about sa Ignacio High. Mga baklush kasi ang operators neto.

"So full na yung member limit ng glee club?" That's weird. Kadalasan kasi hindi naman nafu-full ang clubs sa school. As in ngayon lang.

"Duh? Eh dun sumali si Alec! Do you think na hindi mapupuno yun kung nandun yung lalaking yun? Sheesh! Hindi ko alam kung anong nagustuhan nila dun sa mukhang elyen na yun." She's an Anti-Alec a'right. Para siyang pinagsamang Incredible Hulk at Godzilla isama mo na rin si KingKong kapag naririnig niya or nasasali sa topic si Alec. I wonder why...






- itsjelx

Day 251: He Noticed Me Where stories live. Discover now