Ride with HIM?!

478 17 3
                                    

“December 2, 2013

Bigla na lang ako sinugod ni Maurice kaya nagsuntukan kami. Si Leah pala ang dahilan. Si Leah daw kasi ang mahal niya hindi si Pearl. Tapos sinayang ko lang daw ang paglet go niya. Nanghihinayang din naman ako sa ginawa ko kay Leah ah? Mahal ko na siya pero ayaw na akong bumalik ni Leah. Pero, kahit anong sabihin niya, gagawin ko ang lahat para mapasakin siya!

December 3, 2013

Nalaman kong liniligawan na pala ni Mauric--”

I was cut off when somebody barged in our TNT and snatched the journal from my hands. “What the fudge?!” I looked at him immediately. Shete!

“Why are you reading this?! Who gave you this?!”

“I’m sorry, Cl--”

“Ako nagbigay sa kanya, may angal ka?” pagsingit ni Rhea. Hala, taena!

“Yes! This is a private property of mine for God's sake!”

“Odi sorry.”

I mentally sighed. But my eyes immediately widen and my jaw literally dropped when I saw what Rhea did.

“What was that slap for?!” Clark growled.

“Hindi mo alam?! Para ‘yan sa pag-kick out kay Patrick!” I gasped. He kicked him out?! Well, I know it’s their agreement, but, doesn’t he even know how to show mercy?!

“It’s our agreemen--”

“Pero dahil sa kanya nakawala si Leah sa panloloko mo!”

Natigilan si Clark.

“Ibalik mo siya sa grupo.” I said in a voice full of authority.

His lips curved into a smirk. “I’ll do that in one condition, bumalik ka sa ‘kin.”

~♥~

Aish! As if naman babalik ako kay Clark! Tch! Mas maganda nang hindi maibalik si Patrick sa Lucky 7 kung ganun din lang naman ang kondisyon! Aaaaarrggh! Peste!

Pagkatapos bitawan ni Clark ang mga nakaka-bwisit na mga salitang ‘yun, nag-walk out ako. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Parang trip trip lang.

Tapos ‘yung paa ko dumiretso ba naman palabas ng gate imbes na sa parking lot. Kaya heto akooo, basang basa sa ulaaaan! Walang masisilungaan, walang malalapitaan! Charot lang!

Chos lang! Hindi umuulan. Pawis lang. Basang basa sa pawis kumbaga.

Naglalakad kasi ako ngayon. Hindi ako mahahatid ni Maurice tapos walang susundo sa ‘kin. Ayokong makisabay sa tropa ko. And mind you, wala akong pera. Naiwan ko sa bahay kaya nakaraos lang ako dahil sa libre.

And I’m saying for the tenth time, “Pagod na ako!!!”

“Ay pagod ka!” sigaw ka at halos mapatalon dahil sa gulat nang may bumusina malapit sa likod ko.

Tinignan ko ito. Wait, parang nakita ko na ‘tong kotseng ‘to ah! But heck no, imposibleng siya ‘yan.

Dineadma na lang ng beauty ko ang kotseng iyon. Muli akong naglakad. I can see in my peripheral vision na kung gaano ako kabagal maglakad, ganun din kabagal ang andar ng kotse.

Seriously, ang awkward ng ginagawa ng driver ng kotse na ‘to!

Nang mailang ako, huminto ako at hinarap ang kotse. “Do you need anything from me?” Unti-unting bumaba ang windshield ng kotse. Wait-- WHAT THE FUDGEE BAR?! “Clark?!”

Agad akong naglakad palayo sa kanya. Pero, shetengina, nasusundan niya pa din ako! Good for him, konti lang ang mga sasakyan dito but bad for me dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao. Sinubukan kong tumakbo, as in ‘yung fuull speed ko talaga pero nasusundan pa din niya ako! Geez! Ano bang laban ko sa kotse?

“Ano bang problema mo?!”

“Hop in, I’ll give you a ride.” pa-cool niyang sagot.

“Tsk! In your dreams!” sagot ko at naglakad na ulit. Gosh! Pagod na talaga ako! Nakaka-tempt makisakay!

“Ikaw bahala! Susundan na lang kita nang ganito. At least hindi naman ako mapapagod.”

“Ghaad! Fine, just this once!”

Padabog akong pumasok sa kotse niya kahit labag sa kaloob-looban ng loob ko. Sino naman kasing gugustuhing makisakay sa ex niya diba? Nakatingin lang siya sa ‘kin habang sumasakay ako. Pero nakaupo naman na ako ng maayos, nakatingin pa din siya. Hindi na ako nakatagal sa titig niya at lumingon ako sa side niya. “Wala ka bang balak mag-drive? Kasi kung wala, ako na magda-drive.” pabalang kong sabi. Pero hindi ako marunong mag-drive ah? Gusto ko lang siyang ma-you know. Haha

“Marunong ka magmaneho?”

“Hindi. Gusto mo i-try ko?”

"But, anyway..." Lumapit siya sa 'kin. As in 'yung malapit talaga, as in inches na lang talaga ang pagitan ng mukha namin.

"M-Move." nauutal kong sabi. One wrong move and we could kiss.

May kinuha siya sa may likod ko. And the next thing I knew, ikinabit lang pala niya ang seatbelt ko!

"... safety first." wika niya bago umayos ng upo.

Shoot! Parang feeling ko...

na-dismaya ako? It's like I'm expecting much more. I'm expecting a kiss...

Ghaad! Erase erase! Ano bang pinagsasabi ko? I'm not expecting a kiss, okay? Nababaliw na ata ako!

Naging tahimik lang ang buong byahe. And I'm telling you it's an awkward silence.

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay.

Ako na ang nagtanggal ng seatbelt ko, pero bago bumaba may naalala ako. "C--"

"Leah, do you really want Patrick back in our group?"

Nagulat ako sa tanong niya. What with the question, all of a sudden? Although, I still nodded slowly.

"Okay, isasali ko siya, for you. Basta para sayo at sa ikasasaya mo, gagawin ko."

Halos manigas ako ng tumingin siya sa 'kin at magtama ang mga tingin namin.

But a smile suddenly crept on my face. "Thank you, Clark... for everything." I said those sincerely bago ako bumaba.

"My pleasure." And with that, umalis na siya.

I suddenly realized that...

me loving someone other than Clark, is like breathing oxygen out of our body.

Do I need to get over him and my feelings? Or should I choose to love him?

~~~

Author's Note:

Short chapter lang itech.

Please also support my short story, "I Love You, Bestfriend", which has two endings. Thanks.

The DareTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang