Part 2

34 0 1
                                    

Sa Isla ng Evia, sa bansang Gresya, nakatira ang diyosa ng kapilyuhan na si Eris. Si Eris ay likas na mapaglaro at pawang mga kapilyuhan lamang ang nalalaman. Lagi siyang nangigialam ng buhay ng mga mortal, kalahating diyos o diyosa, at ang mga diyos at diyosa mismo.

Lagi siyang pinagsasabihan ni Zeus sapagkat minsan siya ang puno't dulo ng mga kaguluhan ng mga mortal.

Bagama't diyosang diyosa ang kanyang kagandahan, hindi naman ganoon kabusilak ang kanyang budhi. Likas ang kanyang kapilyuhan at hindi kumikilala ng limitasyon kaya naman siya ay kinakatakutan siya ng mga mortal dahil sa sabi sabing kamalasan lamang ang kanyang hatid.

Nagagalit si Eris sa tuwing sinasabihan siyang salot kaya nama'y gumaganti siya sa pamamagitan ng pag gawa ng mga kapilyuhan. Minsan, naiisip ni Eris sa kanyang sarili kung bakit walang nagpapahalaga sa kanya.

Isa yan sa mga problema ng bansang Gresya, iba iba ang kanilang sinasamba at walang pagkakaisa. Ang pagkakaiba ng pananampalatayang iyon ay nakabuo din ng mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga diyos at diyosa. Hindi maitatangging may namumuong inggit sa pagitan nila sapagkat may ilang diyos at diyosa na konti lamang ang smusamba, at isa na doon ay si Eris.

Dahil sa malas ang tingin sa kanya ng mga mortal, iilan lamang ang sumasamba sa kanya at ang iilang iyon ay nakakalimutan pa ang araw ng kanyang kapistahan.

Nasusuklam si Eris sa bawat magandang pangyayari kaya't lagi siyang gumagawa ng paraan upang maudlot ang kasiyahan at mapalitan ng kalungkutan.

Isang araw, sa kasal ng mortal na si Arotheo at sea nymph na si Phylline, pumunta si Eris sa kanilang piging. Lahat ng bisita ay nabahala dito sapagkat nangangamba sila kung mayroong mangyaring hindi maganda.

Narinig ni Eris ang mga bulong bulangan nila kaya't muli na naman itong nagalit. Wala naman talaga sa kanyang plano ang manggulo ngunit dahil sa inasta ng mga mortal, hindi na niya napigilan ang sarili upang gumawa ulit ng kapilyuhan.

Gamit ng kanyang kapangyarihan magmanipula ng mga bagay, kanyang pinalipad ang isang kandila patungo sa puting bestidang suot ni Phylline. Nagliyab ang kanyang suot kaya naman nataranta ang mga bisita upang patayin ang apoy. Patuloy lamang na humalakhak si Eris dahil sa katangahan ng mga mortal.

"Mga hangal, isa siyang sea nymph kaya gawang tubig iyang babaeng iyan. Hindi siya masusunog."

Sigaw ni Eris at patuloy lamang sa paghahalakhak. Natigilan lahat ng mga mortal sa pagkakataranta nila at nagtataka sa sinabi ni Eris.

"Ano? Hindi niyo alam? Mga hangal nga talaga kayong mga mortal. Inuulit ko, ang babaeng iyang ay isang sea nymph. Hoy ikaw Arotheo, masisikmura mo bang pakasalan ang isang malansang nilalang?"

Muling sigaw ni Eris at binaling ang atensyon kay Phylline at Arotheo. Tamihimik na humuhikbi ang babae samantalang ang lalaki naman ay galit na galit na tumititig sa kanya.

"Oops, hindi niyo pala sinabi sa kanila? Ha ha. Paalam."

Mapang asar na sabi ni Eris bago tuluyang naglaho. Nakarating kay Hera ang balitang tungkol sa panggugulo ni Eris. Si Hera ang diyosa ng kasal at pamilya. Siya ang asawa ni Zeus kaya't kinikilala rin siyang diyosa ng lahat ng mga diyos at diyosa.

Nagalit si Hera sa ginawa ni Eris sapagkat sa paniniwala niya, dapat respetuhin ang kasal at ang kasalan. Dahil sa galit, nakapagbitiw ng mga hindi magagandang salita si Hera tungkol kay Eris. Nalaman ito ni Eris kaya naman nagalit na rin si Eris kay Hera.

Hindi nakuntento si Eris sa ginawa niyang panggugulo kay Arotheo at Phylline kaya kanya pa itong babalikan upang maghasik ulit ng kapilyuhan. Hindi paman nakakarecover ang bagong kasal sa delubyong nangyari sa kanilang kasal, hindi ito kinonsente ni Eris at manggugulo pa ulit.

Bago paman makapaghasik ng kapilyuhan si Eris, hindi na naghunusdili pa si Hera. Hindi na hahayaan ni Hera na manggulo pa ulit si Eris kaya naman pinatawag niya ito upang kausapin sa Bundok ng Olympus, ang tahanan ng mga diyos at diyosa.

Alam na ni Eris kung bakit siya pinatawag kaya naman hindi pinaunlakan ang imbitasyon ni Hera. Nainsulto si Hera si inasta ni Eris dahil bilang reyna ng mga diyos at diyosa, ang salita niya ay batas.

Hindi na nakapagtimpi si Hera at kanyang pinuntahan si Eris. Nadatnan niya ang nagmamadaling umalis na si Eris kaya naman umigting ang kanyang bagang dahil sa tingin niya'y tatakasan pa siya ni Eris.

"Eris, itigil mo iyang binabalak mo."

Sabi ni Hera kay Eris na bakas sa boses ang pagbabanta. Ngunit hindi natinag si Eris sa banta ni Hera at kanya lang itong inismiran.

"Paano kung ayaw ko?"

Mapang asar na sagot ni Eris. Nagulat si Hera sa pananalita ni Eris subalit nanatili siyang mahinahon.

"Alam mo kung anong mangyayari sa'yo kapag sinuway mo ako, Eris. Huwag mo na sanang hintaying dumating tayo sa puntong iyon."
Huling sabi ni Hera at tuluyan namang naglaho. Naiwang gulong gulo ang isip ni Eris. Napaisip siya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kapag pinagpatuloy niya ang kanyang balak.

"Kung magpapakabait ba ako, papahalagahan na ba ako ng mga mortal? Kanila na ba akong isasamba? Hindi na ba nila ako ituturing bilang isang kamalasan?"

Sabi ni Eris sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Eris na may isang butil ng luhang kumawala mula sa kanyang mga mata. Muli na namang nagalit si Eris dahil sa ayaw niyang magmukhang kawawa. Pinahid ni Eris ang kanyang mga luha at mabilis na umalis para puntahan si

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Tadhana Ng Mapaglarong DiyosaWhere stories live. Discover now