Chapter 13: Frozen Blood

1.7K 47 0
                                    

''Freeze!''

Isang malakas na pulse ang lumabas mula sa katawan ni Henry, mabilis na nagyelo ang mga tinamaan ng pwersa, at sa isang iglap ay naging puting yelo ang buong paligid na nasa-range ng freeze force. Maliban kay Adriel, pumasok sa katawan niya ang pwersa, at napaluhod siya sa lupa na nababalutan ng puting yelo.

Nagbi-blink ang kulay ng mata niya sa pagitan ng pula at itim, at bumalik sa dati ang kulay ng mata niya kasabay ng pagbagsak niya patagilid sa yelo.

Nawalan siya ng malay, pero bumalik na siya sa dati niyang kontrol, ang problema lang ay kapag hindi kaagad natunaw ang yelo sa katawan niya ay may tiyansang mamatay siya.

Napahinto si Henry at pinagmasdan si Adriel. Hindi siya makapaniwala sa ginawa niya at naramdaman niya ang matinding lamig sa katawan niya.

Halos hindi na gumalaw si Henry, nakahiga si Adriel sa lupang nababalutan ng yelo at walang malay.

Habang nakikita niya si Ad ay unti-unting nabubuhay ang alaala niya, the memory of the past that haunts him. Yun ay ang nakita nalang niyang nakabulagta si Adriel sa snow matapos nitong harangin ang atake ng Elf master. Tila napupunta si Henry sa alaalang iyon, sa eksaktong lugar, eksaktong oras, parang nagfi-flicker ang paligid at nagbabago bigla.

''Adriel! GUMISING KA! NOOO!''

Naririnig pa niya ang sarili niyang boses, at unti-unti niyang naaalala ang malaking trahedya na nangyari isang taon na ang nakalipas,yun ang Great Battle na nangyari sa pagitan ng mga wizards at Elfins (Elves). Doon ay muntik nang matalo si Henry ng Elf Master pero hinarang ni Ad ang atake na papatay dapat kay Henry, at sa halip ay siya ang nabiktima.

Nagflicker ulit ang paligid sa paningin ni Henry at sa isang split second ay bumalik siya sa scene na iyon.

''Pinatay mo siya...''

''Pinatay mo siya...''

''Pinatay mo---''

''H-HINDI...!!!'' Napahawak siya sa ulo niya at sumigaw. Mahigpit na napakuyom ang mga kamay niya habang hawak hawak ang ulo.

''Henry! Anu--'' Hindi namalayan ni Henry ang pagdating ng mga kasama niya.

''HINDE!!!!''

''Anu ba---''

''HINDE HINDE HINDI KO SIYA PINATAY!...''

Napahinto ang mga kasama niya at pinagmasdan lang si Henry habang sumisigaw. Napalingon sila sa direksyon ni Ad.

''Adriel!'' Agad na tumakbo si Axel at Oliver para buhatin si
Adriel. Bumalik sila sa camp pero naiwan si Jess at Henry.

''Henry anung nangyar--''

''SINABI NG HINDI KO SIYA PINATAY!''

Nagulat si Jessa. Naglakas loob siya na lumapit kay Henry.

''Henry alam ko naman na hind---''

''HINDI KO SIYA PINATAY!''

Nilingon ni Henry si Jess at napaatras siya ng makitang nagbi-blink ang kulay ng mata ni Henry mula sa blue at all-blue.

''Henry huminahon ka, huminahon ka.'' Sabi ni Jess at humakbang ulit siya papalapit. Hindi na pwedeng si Henry ang mawalan ng kontrol, mas malakas siya.

Hindi sumagot si Henry at dahan dahang hinawakan ni Jess ang magkabilang balikat niya, saka siya lumuhod para magkapantay na sila.

''He's alright.'' Kalamadong sabi ni Jess habang nakatingin sa mata ni Henry.

''HE'S DEAD!'' sigaw ni Henry at nararamdaman ni Jess ang pagtindi ng kapangyarihan niya. Nagsimula ulit mag-blink ang kulay ng mata niya.

''No, buhay siya, magiging ok din siya. Healer ako hindi ba?'' Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng mukha ni Henry.

''Gagamutin mo ba siya?'' Tanung ni Henry na parang nakikiusap kay Jess.

''Of course. At gagaling din siya agad, trust me.''

Tiningnan muna siya ni Henry bago nito ibaba ang tingin at bahagyang yumuko.

''Kasalanan ko.'' Sabi ni Henry sa mahinang boses.

''No, wala kang kasalanan, alam kong hindi mo gustong gawin yon. You didn't mean it, wala kang kasalanan.''

Malungkot pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Henry, at niyakap siya ni Jess at tinapik ang likod nito na parang nagco-comfort ng bata. Alam niya na kung panu i-comfort si Henry, kahit ganu pa ito kagulo palagi.

Napansin niya ang malaking sugat sa balikat ni Henry. Nararamdaman niya ang paghinga ni Henry at alam niyang kumakalma na ang yelo sa katawan niya.

Ilang segundo pa silang ganoon at unti unting nawawala ang yelo na bumabalot sa paligid.

''Let's go back?'' Tanung ni Jess at hinarap niya ulit si Henry, tumango lang ito at saka sila tumayo. Kinalingan pa niyang alalayan si Henry dahil alam niya, bawat paggamit ni Henry ng powers niya ay kumakalat ang yelo sa katawan niya--- papunta sa puso---at alam din niya kung gaano ang sakit na nararamdaman ni Henry sa parte ng dibdib nito.

Nang makabalik sila sa camp ay halos sobrang kalat dahil sa nangyaring labanan, pero ligtas ang lahat---maliban kay Adriel.

Nang makalapit sila ay agad na lumapit si Jess kay Adriel na isinandal nila sa puno, tila ba natutulog lang.

Lumayo sila ng kaunti at hinayaan si Jess. Nilapit ni Jess ang tainga niya sa dibdib ni Ad para pakinggan ang heartbeat nito.

Pero nagulat siya----papahina ng papahina ang heartbeat niya at pabagal ng pabagal hanggang sa nawala na ito...
---
Allyza's POV

Nakita ko ang pag-aalala at pagkataranta sa mukha ni Jess habang nakaupo ako sa gilid at pinapanuod siya.

Tiningnan ko ang mukha ni Ad, napaka-amo ng nitong tingnan at halos naaawa na ko sa kanya.

Lumayo si Jess, at saka tumitig lang sa kawalan. Alam ko na ang nangyari, mukhang malaking problema ito.

''Ayos lang ba siya?'' Tanung ni Karen na halatang alalang-alala.

''O-Oo.'' May hint ng duda sa boses niya.

Napatingin si Jess kay Henry at saka ito ngumiti, hindi niya pinapahalata pero alam ko.

Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata ni Jess pero mabilis niya iyong pinahid at yumuko siya para walang makakita.

''Thanks Jess.'' Narinig kong sabi ni Henry at naglakad na siya papalayo. Wala kaming nalaman o nakita sa labanan, pero kanina lang ay sumisigaw si Henry na hindi daw niya pintay si Ad, at siguro ay hindi niya makayanan na makitang ganito ang kapatid niya.

Tuluyan ng umiyak si Jess.

''Bakit Jess?'' tanung ni Chris at lumapit siya kay Jess.

''May problema ba?'' Nag-aalalang tanong ni Gen.

''I'm sorry, I'm sorry,'' umiling lang ng umiling si Jess habang patuloy siya sa pag-iyak.

The Wizard Of Fire (Completed)Where stories live. Discover now