Chapter 18: Hall of Achievers

153K 5.7K 640
                                    

┍━━━━━━━♔━━━━━━━┑

CHAPTER EIGHTEEN
Hall of Achievers

┕━━━━━━━♔━━━━━━━┙


YELENA TAYLOR


We arrived.


We rode in the carriage for hours and then entered the grounds of Enchant Academy. Nang pumasok kami sa loob, nag-si-tinginan sa amin ang mga estudyante at nagbubulungan. Mukhang alam na nang buong school kung ano ang ginawa namin.



Nasa gilid ko si Aqualyne nang ngumiti siya sa 'kin. "Don't worry, Yelena."


Nagtungo kami sa left-wing kung nasaan ang office ni Headmistress Amaris. Nakaharang do'n ang eagle na tinawag ni Claude na Galvi no'n. Inutusan siya ni Law na buksan ang pinto ngunit hindi niya ito ginawa.


Law repeated himself, but the result remained the same.


"Baka wala si headmistress," sabi ni Cyclone sabay ngiti ng malaki.


Sinamaan siya ng tingin ni Law kaya't natahimik siya at napayakap kay Flint na iritang-irita sa kanya.


We also thought that the headmistress may not be around. Until we overheard an argument from inside. Nagsisigawan sila kaya't naririnig namin sa labas. Boses 'yon nina Aunt Lucia at Headmistress Amaris.


"Ilang araw mo na akong iniiwasan, Amaris! Wala ka bang plano na sabihin sa akin kung bakit mo pinapunta si Yelena sa mundong ito nang walang pahintulot ko?"


Napatingin ang High-ranked students at si Aqualyne sa akin nang narinig nila ang pangalan ko at mukhang ako ang pinag-uusapan.


"Oh, please! Wala akong dapat i-explain sa'yo! Ginawa ko lang kung ano ang tama para sa akin! Ikaw dapat ang mag-explain kung bakit mo kinukulong si Yelena! The girl is talented and capable of great things!"


"Alam ko 'yon pero naisip mo ba na hindi siya magiging ligtas dito? 'Wag mo kong pangunahan dahil ako ang ina niya!"


"Ano bang kinakatakot mo? Matutunton din siya ni Lord Sephtis at wala ka nang magagawa do'n kahit ikulong mo siya! Ikaw nga ang ina! But there's no way I'm going to let Yelena live as cowardly as you do! Kung nandito siya, hindi niya hahayaan na ikulong mo si Yelena at kung ano ang mga kaya niyang gawin!"


Biglang bumukas ang pinto kaya't napitigil sa Aunt Lucia at Headmistress sa pagtatalo nang makita nila kami. Both of them were surprised.


"How long have you been standing there?" tanong ni Headmistress. Tumingin siya kay Law na may takot sa kanyang mga mata. "If—"


"Quite a long time. But there's nothing to worry, I assure you mom," sagot ni Law.


Curse of the Unholy CrystalWhere stories live. Discover now