Chapter 9

1.9K 42 29
                                    

Chapter 9

*Tok Tok BLAAAG* (sfx: katok at pagsira ng pinto.)

"Maghanda kayo." utos ni Alexander.

"Nagagalak akong makita kang muli, anak."

"Well, ako ay hindi ama." nakangiting nakakalokong tugon ni Alexander.

"Alam kong alam mong bawal umibig sa mortal hindi ba?"

"Oo."

"Pero bakit ginawa mo pa din?!"

"Sinusunod ko lang ang yapak mo." tugon ni Alexander.

"Hangal ka!" sigaw ng hari at sinampal si Alexander.

"Mas hangal ka! Dahil hindi mo ipinaglaban ang pag-ibig nyo ng mortal na iyon!" tugon ni Alexander.

"Ginawa ko iyon dahil nararapat!"

"Ginawa ko rin ito dahil nararapat!"

"Pagsisisihan mo ito Alexander." sabi ng hari at umalis. Kasunod non ay ang battlecry.

"FROISSART! AHOOO! AHOOO!" sigaw ng hukbo ng hari.

Lumabas naman ang hukbo ni Alexander saka sinugod ang kabilang koponan.

Matinding labanan ang naganap.

Masiyadong marami ang dala ng hari pero patuloy lang sa pakikipaglaban ang hukbo ni Alexander.

Si Charles patuloy sa pagsugod. Sinasagpang niya ang lahat ng kalaban na humarang sa daraanan niya.

Si Luxus naman ay pumapana ng mga kalaban. Upang mabawasan ang mga ito.

Si Cosette naman ay binabantayan si Nike upang hindi ito masaktan.

At si Alexander ay nakikipagtunggali sa kanyang ama.

"Sumuko ka na Alexander, walang kwenta naman ang mortal na iyon eh." asar ng hari kay Alexander habang umiilag sa espada ni Alexander.

"Hindi ako gagaya sa inyo! Magsasama kami habang buhay! Hinding hindi ko siya iiwanan!" at sinaksak ni Alexander ang hari ngunit nakailag ito.

"Cosette, ano nang gagawin natin! Ano tutunganga na lamang ba tayo dito?" sigaw ni Nike kay Cosette.

"Hindi ko rin alam, pero ang bilin sa akin ni kuya ay bantayan ka."

"Bakit hindi natin sila tulungan?! Paano kung mapahamak sila! Kasalanan ko ito eh! Dapat hindi nalang ako umibig eh! Edi sana hindi manganganib ang mga buhay nila!" pagsisi ni Nike sa sarili.

"Hey, hindi mo ito kasalanan, ginusto rin ito ni Kuya kaya siya lumalaban."

"Tutulungan ko sila." pagkasabi iyon ni Nike ay tumalon siya sa tore kung nasaan siya naroroon.

"Aish! Makulit na mortal!" sigaw ni Cosette.

Gulat naman si Nike dahil nakababa siya ng hindi nasusugatan mula sa tore. Ngunit hindi na niya iyon pinansin.

Nakita naman ni Alexander si Nike kaya bigla siyang nawala sa focus. Muntik na siyang masaksak ng kanyang ama.

"Nike anong ginagawa mo dito! Masiyadong mapanganib dito! Bumalik ka sa kastilyo!" utos ni Alexander habang umiilag pa rin.

"Tutulungan kita mahal ko!" tugon ni Nike at sinaksak ang isang bampirang umatake sa kanya.

"Siya pala ang mortal. Maganda siya anak. Hoy! Patamaan mo siya ng pana!" utos ng hari sa isang archer.

Vampire's Slave (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon