Chapter 50

494K 12.3K 4.6K
                                    

Chapter 50


Ngayon na ang araw ng aking kasal. Kasalukuyan na akong inaayusan ng make-up artist. Habang nasa likuran ko si Aira, Camilla at Sapphire na hindi ko maintindihan ang mga ekspresyon.


"Girls? Ano ba ang nangyayari sa inyong tatlo? Today is my wedding, bakit mukhang pang biyernes santo 'yang mga hitsura niyo?" pabirong sabi ko sa kanila na hindi man lang nakapagpangisi sa kanilang tatlo.


"Are you sure about this Florence? May oras pa" seryosong sabi ni Camilla. Napasulyap tuloy ako sa make up artist dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Normal ba na pag usapan kung seryoso ang bride o hindi sa araw ng kasal nito?

Kapwa na nakaayos ang mga kaibigan ko maging si Sapphire ay ayos na rin.


"Sapphire what's wrong? You look bothered" tanong ko sa kanya mula sa repleksyon ko sa salamin. Kanina pa siyang abala sa telepono niya sa hindi ko maintindihang dahilan.


"Uhm? Yes, yes. I'm good, nasaan na nga tayo?" tanong niya sa amin. Napabuntong hininga na lang ako.

Habang panay ang pag aayos sa akin ng make up artist pati na rin ang hairstylist ko ay bahagyang nabuksan ang pintuan. Niluwa nito ang dalawang pinsan ko na talagang naniningning sa mga suot nilang tuxedo, maging ang kambal ay agaw pansin din sa suot nila.

Nakapamulsang nagpunta sa tagiliran ko ang dalawa kong pinsan na hindi kinakalas ang mga mata sa akin. Lahat kami ay nakatingin sa harap ng salamin. Ngumiti ako nang napakalapad sa kanilang dalawa.


"Congratulate me, ikakasal na ako" pinilit kong palabasing excited ang boses ko. Sabay silang ngumiti sa akin pero alam kong pilit ito.


"Are you happy Florence?" biglang tanong sa akin ni Kuya Nik.


"Ofcourse, sinong hindi? I'm getting married" hindi ko na siguro tinatanggal ang pilit na ngiti sa aking mga labi.


"Tsss" ito lang ang narinig kong sabi ni Gio.


"Basta wag na wag mong pagsisihan ang naging desisyon mong ito" diretsong sabi sa akin ni Kuya Nik na ikinatango ko na lang.


"Florence, may taong dumalo dito na hindi mo inaasahan" agad akong kinabahan sa sinabi ni Gio. Sino?

Kinalas ko ang titig ko sa kanya mula sa salamin at mabilis ko siyang nilingon.


"Who?" kinakabahang tanong ko sa kanya.


"Someone from Ferell.." nanlamig ako sa sinabi ni Gio. Bakit?


"What the fuck is that? Bakit nag imbita pa kayo ng mga Ferell? That's rude" pakinig kong sabi ni Camilla kahit ako ay hindi sang ayon na may kahit sinong Ferell na dumalo sa kasal na ito.

No, it can't be.


"Chill, hindi kami ang nag imbita sa kanya, ang lolo mo Florence ang nag imbita kay Don Ferell" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaalamang nandito si LG.

Back In His Arms AgainWhere stories live. Discover now