Nasa locker room ako ngayon sa fast food chain na pinapasukan ko para sa break time. Pang pitong buwan ko na dito simula ng magtrabaho ako. Ngayon sunod sunod na ang padala ko ng pera sa pamilya ko sa probinsya di tulad noong nandoon pa ako sa karinderya.
Nung lumuwas ako pa maynila naghanap agad ako ng mapapasukan pagbaba ko pa lang ng terminal. Naglakad lakad ako para makahanap ng mauupahan at the same time hanap na din ng trabaho.
Yun nga natyempohan naghahanap ng taga silbi yung isang karendirya malapit sa terminal kaya doon na din ako banda nangupahan.
Di sapat ang kinikita ko sa karendirya para maka pagpadala sa probinsya. Kaya nang mga tatlong buwan eh naghanap ako ng bagong trabaho buti na lang at naunawaan ako ng may ari ng karinderya kaya pinakawalan ako ng walang anumang sama ng loob.
Ito nga ang sunod kung trabaho. Sa awa ng diyos na kakatanggap ako ng mga benefits at nakakaipon ng kaunti para sa skul ko.
Balak ko sanang mag aral ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Kaya kailangan kong maghanap pa ng ïsa pang trabaho na di ako masyadong mapapagod.
Habang naka break ay may hawak akong diyaryo. Binabasa ang classified add para magjob hunting.
"oh anu yang hawak mu?" tanung ng kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na si andy(short for andrea).
"obvious ba,andy? Di mo ba nakikita o talagang bulag ka na? Di ba sabi ko naman sayo na kailangan mo ng ipatingin sa doctor yang mata mo bakit di ka nakikinig?, yan tuloy di mo na nakikita ang hawak ko!" sabi ko pa habang umiiling.
Kung sa ibang tao baka isipin nilang seryoso ako dahil sa esprisyon ko sa mukha (which ïs seryoso), pero iba ang mga kasamahan ko dahil sanay na silang ganito ako.
"alam mo, nakakabwisit ka!, tinatanung ka eh!obvious na sigurong ang totoong tanung ko eh bakit ka naghahanap ng ibang trabaho,ayaw mo na ba dito?"
"ah ganun ba di ko alam yun ah! , di naman sa ayaw ko dito kaya lang kailangan ko ng dagdag kita para sa pang skul ko next year."
"gusto mo ako na ang magpaaral sayu, mae?" sabat ng andrew
"hoy, wag ka nga andrew baka pag nakapagtapos tong kaibigan ko sa tulong mo eh pikutin mo, bayad utang kumbaga" andy
Matagal ng nanliligaw yang si andrew sa akin pero di ko pinapansin since di ko sya gusto, pero di daw sya susuko.
"di naman andy, ikaw naman kung maka pa mintang ka.at tsaka magiging asawa ko naman si mae in the future ah!"
"hoy mahiya ka sa balat mo, andrew ni kailangan mo pa ngang maging kostumer para ngitian ka ni mae eh, maging asawa pa kaya."
Hinayaan ko nalang silang mag talo habang tinutuloy ko ang pag hahanap ng trabaho. Hanggang sa matapos nalang ang break at hanggang sa nag uwian nalang ay di parin sila tapos sa pag aaway nila.
Lagi na lang ganito tong dalawa ba't di nalang sila magkatuluyan.