Si Tol ang Lover Ko Chapter 2

11.8K 248 9
                                    

Si Tol ang Lover ko?

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Si Tol ang Lover ko?

By AiTenshi

Chapter 2

Ang daming ilaw sa paligid nung ako ay mag kamalay. "Teka nasa langit na ba ako? Bakit lahat ng makita ko naka kulay puti? Hindi kaya na todas na ko sa aksidente kanina?" ito ang aking tanong sa sarili habang pinag mamasdan ang mga taong nag dadaan.

"Sir, sir!! Mabuti naman po at gising na kayo" ang sabi ng isang babae na bumulaga sa aking paningin

"a-asan ako? Patay na ba ako?" ang sabi ko

"sir buhay po kayo, nandito po kayo sa ospital" ang sabi ng babae

Namuo ang inis sa aking ulo. "pag mina-malas ka nga naman.. tsk tsk. Broken hearted na nga ako, pati legs ko broken pa yata. Shittttt"

Bago umalis ang nurse ay tinanong ko siya "excuse me nurse na sexy, asan yung taong naka aksidente sakin?yung motor?"

"Ah sir nasa emergency room po siya. Pero kataka taka at galos lang ang tinamo nya mula sa aksidente.

"ganun ba nurse. ?Iharap mo sakin ang tao na yan at kailangan ko siyang panagutin sa nangyari sa akin." Ang naiinis kong sabi.

"yes sir, nasabi po nya sakin na bibisitahin ka nya once na bumalik po ang malay mo." Ang sabi ng nurse

"good." Ang sagot ko

"Grabe talaga.. pag minamalas ka, hindi na nga ako tumalon sa tulay eh nadale naman ako ng motor sa kalsada." Ang pag mamaktol ko sa sarili ko.

Sinubukan kong igalaw galaw ang mga paa ko at ang aking braso. Pero masakit pa ito, marahil ay nabugbog sa pag kaka tama sa akin ng motor. Wala akong magawa kundi tumitig sa orasan at bilangin ang bawat pag takbo ng mga kamay nito. Wala naman sila mama at papa may seminar sila out of town kaya ang inaasahan ko lang na bisita ay ang aking  tiyahin. Maya maya pa ay dumating na ang  taong naka aksidente sa akin.

"tol, how are you?" ang sabi ng isang lalaki habang palapit sa akin

Hindi ko siya pinansin at naka pikit lang ako. Kunwari ay tulog ako. "bahala na, ayokong makita ang mukha nya, baka kung ano pa ang masabi ko" ang bulong ko sa aking sarili.

"excuse me nurse, sigurado ka bang ayos na ang isang ito?" ang tanong na lalaki.

Lumapit sa akin ang nurse at ginising ako nito "sir, nandito na po ang  hinihintay nyo kanina pa, gising na po sir" ang magalang na bulong sa akin ng nurse

Wala na kong nagawa kundi unti unting ibukas ang aking mga mata. Naisip ko kung paano ako uumpisa ang pakikipag usap sa kanya.

a.)    "sino ako? Bakit wala akong maalala? Ano pangalan ko?"

b.)    "wala akong makita!! Bakit ganon?? Bulag na ko!!"

c.)     "naka tulala lang ako at parang na trauma sa tindi ng aking takot."

Si Tol ang Lover Ko (BXB 2013)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ