Epilogue

9 1 1
                                    


Mikmik's Point of View ..

Samboy : Booooyyy ! Gising ! Gumising ka na ! Parang-awa mo naaaaa ! Mababaliw na koooo !

Ano ba ? Ang ingay mo !

Sam : Hala ! Gising ka na ?! Teka tatawag ako ng Dok--araaaay !

Hinila ko ang buhok nito ng akmang tatakbo na naman palabas ng kwarto.

Tange ! Kanina pa ko gising at na check up na ko ng Doktor.

Sam : Oh ? Kailan pa ? Bakit hindi sinabi ni Tita ?

Nung isang araw pa, Boy, kaso tuwing kayo ang magbabantay sakin tulog lagi ako sa pinapainom na gamot ni Dok. Akala ko nga wala kang pakielam sakin eh kasi di man lang kita nakikita, kaumay na mukha ni King eh.

Sam : Pede ba yun ?! Tsk ! Hindi man lang sinabi sakin ng hinayupak mong boyfriend.

Haha hindi ko boyfriend yun ! Siraulo talaga yun, wag kayong magpapaniwala sa isang iyon .. Panggulo lang din yun. So, kumusta na ang buhay-buhay natin ?

Sam : Errr ? Talagang kami pa kinumusta mo ? Magaling ka na daw ba ? Pede ka ng lumabas ? Teka, wala kang bantay ? Na saan si Tita at si King ?

Wala si Mommy, balik trabaho na siya kahapon ng masigurong okay na ko at oo, pede na kong makalabas dito. Iyon nga ang inaasikaso ni King kaya wala siya dito ..

Sam : Ahhh kaya pala ..

Anong nangyari kina Abby ? Okay lang ba si DA ?

Sam : Aynaku ! Masayang-masaya na ang itlog na si Asyong ! Haha blooming pa ang hype na yun ! Nagkaintindihan na sila ni Abby at mukhang may Forever ! Bwahahaha !

Haha buti naman .. Akala ko kasi may problema pa din dahil pinagulo ni King ang sitwasyon.

Sam : Sinabi mo pa ! Grabe yun ! Parang tuwang-tuwa na nagkakagulo, sinuntok ni Jj si DA nung gabing naaksidente kayo di man lang umawat tapos tumawa pa. Pinauwi tuloy ni Tita si Jj.

Oh ?! Bakit daw sinuntok ni Jessie James si Asyong ?

Sam : Wala .. Trip lang daw ? Haha weird nga eh ! Pero alam mo na hehe ..

Tsk ! Eh si Paulo kumusta ?

Sam : Bakit ? Anong meron kay Paulo ?

Uhmmm nevermind. Ano nga palang nangyayari sayo ? Sabi mo kanina na mababaliw ka na ?

Sam : Ayy ! Oo nga pala ! Syeeeeete, Boy, nababaliw na ko !

Ano b---Pusang gala, Samantha, wag mo kong yugyugin ! Nahihilo ako !

Sam : Sorry ! Natatakot kasi ako !

Sumampa ito sa hospital bed ko at yumakap sakin.

Sam : Takot saan ? M-May nakikita ka bang multo d-dito ?

Mabilis kong sinuyod ng tingin ang silid ko. Takot kasi ako sa multo !

Sam : Mas nakakatakot pa sa multo !

Aswang ?

Sam : Hindiiiiiii !

Nyeta, B2 ! Sasampalin na kita ! Ano ba yun ?

Tumitig lamang ito sakin at mukhang nakikipagtalo pa sa sarili kung sasabihin ba o hindi sakin ang laman ng isip niya.

Sam : Si .. Si Luke.

Love Song : Dylan aceWhere stories live. Discover now