EMERSON: ||3||

4.5K 136 5
                                    

Trish

Dali dali na akong nag ayos.
Anong oras na kasi baka kung mapano si Lauren sa flight niya.

At ngayon nag da drive nako mag isa. Oo nag da drive ako, at papunta nako sa bahay namin.

At hindi naman natagalan, nakarating nadin ako samin.

Yun parin naman ang itsura nang bahay, walang masyadong nagbago.

Nagtingin tingin pa muna ako saglit at nagdesisyon na ding bumaba.

"Trisha? Kaw ba yan?" napalingon ako sa nagsalita

"Trisha! ikaw nga!" napatigil siya sa pagdidilig at tumakbo papunta sakin.

"Lalo kanang gumanda" bati niya sakin habang nakayakap.

"Hindi naman po ate Celia" hmmpp nagpapa humble pako e.

Kung nagtataka kayo, Si manang Celia ay syang nag palaki sa bunso naming kapatid na si Amanda, masasabi kung mas ma alaga pa nga siya sakin kaysa sa alaga nyang si Amanda kaya ganun nalang kami ka close.

"Well.... tama na yan! aalis na kami Nay Celia,hwag kang epal" pag wawasik ni Lauren.

Napayuko nalang si ate Celia at ngumiti nalang nang kunti tyaka dahang dahang lumayo.

"Lauren, that's not a nice thing to say" pagsasaway ko sa kanya nang wala ni si ate Celia.

Napailing lang siya at dire diretso nang sumakay sa sasakyan ko.

"Nasaan na ang tatay?" tanong ko sa kanya at luminga linga sa paligid.

"Im here, my daughter" napatingin ako sa bandang yun at nakita ko siyang nakatayo sa gilid nang pintuan.

"Tay!" napatakbo ako papunta sa kanya at yumakap

"Ikaw na muna ang humatid sa kapatid mo a, may aasikasuhin pa kasi ako" sabi niya habang hihaplos ang aking likuran.

"Hindi po kayo sasama?" napa atras ako nang konti.

Hindi na siya sumagot at umiling nalang.

"Kamusta ka na doon anak? okay ka lang ba?" pag iiba niya nang pag uusapan.

"Oo tay, okay lang ho ako doon" sagot ko naman

"Ano ba yan ate! malalate nako sa flight oh! mamaya nalang kayong mag-uusap!!! yun kung babalik kapa dito mamaya" sakwil naman ni Lauren habang nasa loob na nang sasakyan.

Pinandilatan ko nalang siya nang tingin at napa tahimik naman.

"Sige na anak, naiinip nayong kapatid mo oh" sabi ni tatay

"Sige tay, mauna na po kami...pupunta punta lang po ako dito kapag may oras" pagpapaalam ko at niyakap siya.

Nang napaandar ko na yung sasakyan napatanong ako kay Lauren.

"Akala ko ba takot ka pumunta nang States, ba't atat na atat ka ngayon?"

"Wala lang no, malilate na talaga ako kaya dinistorbo ko na kayo ni Itay" sabi niya

"Hmmmmm" pag imik ko hindi ako na convince e.

Pagkatapos nun naging tahimik na ang buong biyahe.

Hanggang sa makarating na kami nang airport na walang galos.

"Alis na ko to teh" sabi niya at niyakap na din ako

"Pag gumaling kana, simulan muna ding magpakabait ha" bulong ko.

Napatawa naman siya at yun tuluyan nang pumasok sa airport para makapag check in na agad.

Habang ako tulala lang dito sa labas. Nag iisip kasi ako kung saan ako pupunta ngayon.

Mr. Emerson (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon