Chapter 15: Memory lane. Timeless. Wayback. Throwback. Flashback.

7.6K 166 30
                                    

Clark's POV

"Clark, salo!" hagis ni Lex ng susi ng sasakyan sa akin.

"Ah? Ako magddrive?"  tanong ko sa kanya.

"Kaw na! tinatamad ako!" aniya at sumakay na sya.

Honestly I smiled.

Kadalasan si Lex ang nagmamaneho pag magkasama kami sa kadahilanang wala daw syang tiwala kaya kinukuha nya ang manibela. But this time, since pinagmaneho nya ko, it means may tiwala na sya. Sounds like level up to me.

Sumakay na ko at pinaandar ang makina. Sa totoo nyan, di ako mapakali. Its been months since Lex and I went out, naging busy kasi kami sa sari sarili naming mga buhay.

Napatingin ako sa kanya at nagpupunas na sya ng interior ng kotse ko, sus! neat freak talaga! pati mga cd ko balak pa ata nya iarrange alphabetically!!

"Oi! lalaking may OCD! tigilan mo nga yan!" banat ko sa kanya.

"Ssh! Quiet!" banat nya at pinagpatuloy lang nya ginagawa nya.

"Oi Lex, alam mo bang burara si Cleo ha?"

"Huh? nahalata mo din? ako pa nga tagapulot ng sapatos nun eh, palagi kasing nawawala ang kapares haha!"

Sht at proud pa sya ah!  "Martyr ka tol, alam mo ba yon?!"

"Clark, imaginin mo na lang kung kayo ni Cleo ang magkatuluyan, payatas na yang bahay nyo! gets? opposites attract!!"

"Whatever." sagot ko sabay liko sa isang kanto.

Lumilipad ang utak ko habang nagmamaneho. Im imagining life without Cleo. Siguro para nanaman akong wasted. Actually eversince that i met Cleo, everything became light, alam nyo yun, parang gaan ng buhay.

Narating na namin ang isang Bar at pumarada ako. Bumaba na kami ni Lex at pumasok.

"HHOOMMAAYYGGAYD!!! LEX LUTHOR?! IKAW BA YAN?!" sigaw ng isa sa mga tropa namin.

"Walanjo! si Lex nga!! sa wakas the Supervillian appeared!!"  sigaw pa ng isa.

"Ano ba?! ang iingay nyo! nakakahiya!"  sigaw sa kanila ni Lex pero di naman sya binigyang pansin at sa halip, dinambaan pa sya ng tropa at pinagbabatukan.


"I Miss you!! Muwahhhh!!"  sigaw ng isa at halik kay Lex.

"Ano ba?! uupakan kita!"  amba ni Lex pero andami pang humalik sa kanya.

Nakangiti na lang akong nanonood sa kanila sa gilid. Sobra nilang namiss si Lex ah. Sa totoo nyan hiniling ko na sana ako na lang si Lex, si Lex na kahit iritableng tao ay gustong gusto pa rin ng marami.

"Oi Lex! baby! tagay na! woohoo! oi kaw ah! dami mo ng utang! lagi na lang si Clark Kent ang tumatambay dito! sawa na kami sa bida, gusto namin yun kalaban! haha!"

"Grabe kayo! mga bully kayo! wag nyo nga kong paginitan! ayun si Clark oh!"

"Ano ka ba Lex Luthor, nahithit na namin lahat ng chismax jan! ikaw ang kailangan magkwento! ano ha? bat antagal mong nawala!? ha?!"

"Hoy mga alcoholic na lalaki! di ako nawala! nakaonline ako sa Ragnarok! diba nagkikita kita tayo dun?!"

"Sira ulo! Oo nga! pero ano? syota? ano? sino yan ah?"

Blah blah blah. Ang ingay nila. Kawawa naman si Lex.

Nagsindi ako ng sigarilyo at uminom. Napatingin ako sa apoy ng sigarilyo ng magsimulang alalahanin ang nakaraan. Yup, flashback... the reason why Lex became Dad's unwanted child at ang storya sa Utang na loob na sinasabi ni Lex kanina.

My Twin's Rejected Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now