Chapter 1

22.9K 253 18
                                    

“YANAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!”

Sigaw ni Jessica sakin

“Bilisan mo nga jan Yana!!!!” sigaw niya ulit

“oo nandito na” sagot ko at dali-daling pumunta kay Jessi (JESSI NA LANG FOR SHORT)

“ang bagal mo talaga! Akin na nga yan!” at kinuha agad sakin yung bag niya

“Bye Mom!” at beso beso kay Tita Jessa

“Bye Princess!” nag beso din kay Jessi “at ikaw Yana, agahan mo ang pag-uwi ha!”

“opo” tipid kong sagot

Sumakay na kami sa kotse nila Tita, nasa unahan si Jessi kasi sa kanila naman ito at ako nasa likod kasama ang mga gamit niya. Laging ganito ang scenario tuwing umaga.

Oo nga pala, ako si YANA ENRIQUEZ, 19 years old and BS Culinary Arts ang course ko. Yun kasi ang pangarap ng aking ina mula nung pumanaw siya na maging isang magaling na chef, kaya naman ako ang nagpatuloy sa kanyang pangarap. Syempre gusto ko din maging isang magaling na cook o chef at tumayo ng isang restaurant.

Oo tama nga, ulila na ako at ngayon ay naging katulong sa Tita Jessa Ramirez ko. Pinsan ko si Jessi, kaya naman bilang ganti o kabayaran ng kanilang pagkupkop sakin ay manilbihan bilang katulong sa kanila.

Student ako sa umaga at katulong sa gabi o kapag wala na akong klase.

Ganyan ang buhay ko, kahit na pinsan inaalipusta ako nila Tita pero nagpapakumbaba ako dahil sila naman ang nagpapakain sakin at nagpapa-aral.

Ang aking ama naman ay iniwan nalang kami ni nanay, sabi ni nanay ay bigla lang nawala si itay sa dagat. Isang seaman ang aking ama pero nawala siya nung papunta silang State, at ang sabi ni Inay ay baka napatay siya ng mga pirata.

“YANA!! YANA!! ANO BA!!??” sigaw ni Jessi

“Bakit Jessi??”

“BAKIT NAPAKA BINGI MO!! KANINA PA AKO SALITA NG SALITA DITO!!!!”

“Sorry Jessi!”

“anyway!! Nakaka stress talaga sayo! May photoshoot ako mamaya kaya after your class just go straight to the Club! Okay??!” siya habang nalalagay ng make-up

“Okay Jessi! May 2 pm pa matapos ang klase ko ngayon”

“I don’t care just follow what I’ve said kahit maaga kang matapos!”

A Cinderella Like Story [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon