28: CONFRONTATION

80.7K 933 54
                                    

"Admitting won't kill you, atleast you've been honest to the person you love and to yourself."--MeetMeThereChu

SUPER LIKE KO YUNG COMMENT NIYA SA CHAPTER 20 KAYA IKAW MEETMETHERECHU ANG PAGDEDICATAN KO NG CHAPTER NA ITO :))

CHAPTER 28

"Demi... Nagkita kami ng Papa mo. Gusto ka niya makausap."

"Kamusta Demitria?" He's still the same, the way he look, he smile, he stand but not his visible aging. The last time I saw him it's been several years but I cannot forget about him. He's my dad and he's the one who hurt my mom, who hurt me then left us without even looking back. Sa loob ng mga taon na wala siya puro puot ang natanim ko sa dibdib ko. And I swear to myself that I will never call him Dad, after all, he didn't even play the role in my life when he decide to leave.

"Better without you. Bakit ka pa bumalik?"

"Demi!" Saway ni Mama.

"Bakit Ma? Bakit nyo pa kinakausap ang lalaking yan?"

Walang nagtangkang sumagot sa tanong ko.

Ganun pala huh. "Rafael, let's go. Sa pad mo ako matutulog ngayon." Lumapit ako kay Rafael para higitin siya papalabas.

"Demi.." Hindi ko siya pinansin at hinila papalabas ng bahay. "Demi!"

Napalingon ako kaagad sa kaniya. Nakalabas na kami ng bahay.

"Don't act too immature. Face your Dad."

"Bakit ka ba nakikialam? Kakampi ka rin sa lalaking yun na iniwan kami ni Mama? Sige! Doon ka na." Binitawan ko siya.

"Demi listen! Ayaw mo bang malaman kung bakit niya kayo iniwan dati?"

"Hindi na mahalaga yun! Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako habang hinahatak niya ako pabalik. Bago kami tuluyang pumasok tinitigan niya muna ako. "Ano ba?!"

"If you don't listen, I'll kiss you!"

Anong pagbabanta yan? Wala ako sa mood makipaglaro sa kaniya. "Wag ka nga makisa--"

Hindi ko natuloy dahil hinalikan niya ako. Of course, I was shocked! Nanlaki yung mata ko habang yung mga mata naman niya nakapikit. I frozed until he started to move his lips. Kahit galit na galit na galit na galit ako nawala yun... Nanghihina ako sa halik niya kaya napakapit ako sa leeg niya at naipikit ko ang mata ko. I answered his kiss and as much as I wanted it to last longer, he stopped.

"Will you listen now?" He wispered. "Hindi madadaan sa init ng ulo ang isang usapan. Papakinggan mo ang Papa mo, saka ka mag decide kung anong gagawin mo o sasabihin mo okay?"

Hindi ko alam kung pano niya ako napapayag. Basta nakita ko na lang ang sarili ko sa harapan ng mga magulang ko.

"Demitria..." Pagsisimula ni Jacinto, that's his name. "Anak.." Nangangatog na lumapit siya sa akin at mismong sa harap ko lumuhod siya. "Sorry." Kita ko yung pagpatak ng luha niya.

Ako? Nakatingin sa kaniya. Sa loob ko parang sasabog ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Galit ako pero parang may kumukurot sa akin na masakit.

"Patawad anak. Alam kong sobra-sobra ang pakakamaling nagawa ko."

Gusto ko siyang sigawan, sumbatan, saktan pero hindi ko magawa kasi pagkumilos ako alam kong maiiyak ako sa harap niya and I don't want him to see me crying. Gusto ko ipakitang malakas ako. Na kahit wala siya kaya ko!

FAKE FIANCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon