Chapter 1

113 6 1
                                    

Thriana's POV

Pikit-pikit pa ang mata ko habang nakaharap sa pagkain ko. Inaantok pa ako. Gustong-gusto ko pang matulog

*Pak*

"Aray!" Naiusal ko ng biglang mabatukan ako ng nanay ko

"Aba! itong batang ito! Anong oras na?! Ano bang ginagawa mo? Naghihintay kaba ng tunog ng kampana ng simbahan bago kumain?" Singhal niya saakin.

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya at sa pagkain ko.

"Aishhh! Inaantok pa ako" Nakangusong reklamo ko.

Naramdaman ko ang mala lazer na mata niya na nakatutok na saakin

"Nanay naman eh! Ito na po! Kakain na po!" Walang choice na sabi ko

Tinalikuran niya nalang ako tsaka inasikaso ang nakababatang kapatid ko na daig pa ang IQ ko. Napairap nalang ako ng wala sa oras. Binilisan ko na ang pagkain ko tsaka ako naligo at nag bihis na ng uniform. Hinayaan ko lang ilugay ang buhok ko tsaka ko na isinukbit ang bag ko.

Napaigtad ako sa gulat ng pagbukas ko ng pintuan ay nakadungaw na mukha ng magulang ko at ng nakakabatang kapatid ko ang bumungad saakin

"Ano ba?!" Gulat na sabi ko sa kanila

Nag-iwas ng tingin si Tatay, si nanay naman ay ngumuso lang habang si Berto or sabihin na nating Alberto este Albert pala ay malapad ang ngiting naka tingin saakin

Napangisi ang nanay at tatay habang sinusuri ang kabuohan ko.

"Excited na talaga akong ichika sa mga kumare at kaibigan ko na sa Seun-Di University nag-aaral ang anak ko" Sabi ng nanay ng may kalagakan sa mukha

"Galingan mo dun, iana ha? Wag kang magpapahuli sa kanila makipag tagisan ka ng galing sa kanila" Ani ng tatay habang pina pagpagan ang uniform ko at inaayos ang kwelyo

"Wala namang galing si ate eh" Irit pa ng kapatid ko.

Tinignan ko naman siya ng masama, malapad na ngiti at peace sign lang ang ibinigay niya saakin.

"Oh siya! Sige na. Lumarga na kayo at baka malate pa ang dalawang ito" Sabi ni nanay kay tatay.

Nagpaalam lang kami kay nanay bago kami pumasok sa sasakyan. Inistart na ni Tatay ang engine na ngayon ko lang nasuri ang itsura, naka black suit siya at mukhang body guard. Pffttt!

"Tsaahh! Ikabit ang seatbelt at tayo ay aalis na" Sabi niya habang tumatawa pa. Ng maistart niya ay pinaandar niya na, hindi pa kami nakakalayo ay bigla ng

*Scraaatchh*

"Aray ko tay!" Naiusal ko ng maumpog ang ulo ko

"Aray ko! Ang sakit!" Reklamo pa ng kapatid ko

Humalakhak ang tatay ko "Pasensya na mga anak, ito kasing si beka ngayon ko lang ulit nagamit kaya ganun. Ayos lang yan" Litanya niya pa tsaka inistart ang engine

"Kelan niyo po ba ito huling ginamit, tay?" Tanong ng kapatid ko

"Sampung taon na ang nakalipas" sabi niya pa. Napanganga ako sa sinabi niya

10%... 20% . 30% .. 40% ...50% ...... 100% Loading ... Processing ...

"Ano?!" Napasigaw ako ng wala sa oras

"Ayos lang iyan. Ayos lang" Tumatawa pang aniya habang binubuhay parin ang engine  ng mapaandar na ay doon ko lang nakita ang makapal na buga ng usok na nanggaling pa sa tambutso nitong sasakyan namin

Napakagat ako sa labi ko ng makita kong napapaubo ang mga taong dinadaraanan namin.  Hinatid muna namin si Bert bago ako ihinatid ni tatay. Nakapasok na kami sa gate ng University at halos mapanganga ako sa nakikita kong ganda. Ihinelera ng tatay ang sasakyan namin sa mga naparada.

"Wag ka munang lumabas. Hintayin mo ako" Iyon ang sabi niya bago umibis sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Gusto kong matawa sa posisyon niya umaarte siyang driver ko.

"Mga mayayaman talaga ang napasok sa paaralang ito. Tignan mo ang mga sasakyan na nasa tabi natin" Sabi niya ng namamangha

Napabusangot naman ako

Humarap siya saakin. "Sige na pumasok kana. Galingan mo ha?" Sabi niya

Inikot ko ang mata ko tsaka ko siya tinignan "Tay, uuwi nalang ako" Iyon ang naiusal ko. Parang ayoko sa university na ito. Psh!

Napaigtad ako ng biglang umingaw at narinig ko ang mala megaphone na boses ng nanay ko

'Dry and clean! Always mabango at surely linis ang damit mo! Saan kana? Saan kapa? Sa Iana at Alberto Dry and Clean shop kana!'

Nakagat ko ang labi ko habang tanaw ang tinginan ng estudyante saamin. Tinignan ko naman si Tatay na taranta na at di alam ang gagawin. Hinarang niya ang kamay niya sa sasakyan

"Sige na umalis kana!" Sabi niya pa habang natataranta. Lutang ko siyang tinignan

"Pasok na" Sabi niya tsaka pimatalikod ako at tinulak ako paharap sa malaking eskwelahan na nasa harapan namin. Nakatungo ang ulo kong nag lakad. Ng nasa harap na ako ng main entrance ay hinigpitan ko ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Bumuntong-hininga ako. "You can do it Thraiana!" Pag che cheer ko pa sa sarili ko tsaka ko kinuha ang university guide na nasa bag ko.

Inilibot ko ng mga mata ko at halos mapapadyak ako sa ini ng makita ko kong gaano kalawak ang eskwelahang kinatatayuan ko.

"Argh! Saan ba kasi yung Dean's Office?" Tinignan ko ang University Guide tsaka ko inililibot ang paningin ko

"Ayun" Turo ko sa guide tsaka sa lugar na nasa harap ko

Tumakbo ako papunta roon pero classrooms ang naroon. Pumunta ako sa kanan nun pero Janitor's Room iyon. Halos magulo ko na ang buhok ko sa inis. Malawak ang eskwelahang ito magkadugtong ang building na parang pa curve pero may building din naman na nakakaiba iyong abandonado ata na nasa likod kung saan narito na ako ngayon.

Walang buhay akong nag lakad papasunod sa dinadaanan ko. Napahinto ako ng may marinig ako. Nilingon ko iyon at halos manlaki ang mata ko isa iyong Garden Sanctuary. Pumasok ako roon pero agad ding napako ang mga paa ko ng makita ko ang pinanggagalingan ng tunog.

Isang lalaking naka side view na tumutugtug ng violin. Namamangha kong inilibot ang paningin ko at ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Blonde ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng white coat at white slacks pants at iyong brown shoes. Napalunok ako at napako ang mga paa ko, ng ibinaba niya ang hawak niya tsaka niya ako nilingon.

'Aish! Patay'

Four Thorns in one FlowerWhere stories live. Discover now