a friend or an enemy?

606 19 2
                                    

''Anong nangyari?!'' Nagtatakang tanong ni Norman pagbalik niya matapos makitang nagkalat ang mga papel sa sahig.
''Wala!'' Inis na sagot ni arah '' mag-cr lang ako'' at tapos ay lumabas.
'' ano kayang nangyari dun? Saglit ko lang iniwan ay nagkagun na.'' Niligpit na lang ni Norman ang mga kalat at nagsimula ulit sa trabaho.


Samantalang naghilamos ng mukha si arah pagdating sa banyo. Inangat niya ang mukha pagkatapos maghilamos at tumingin sa salamin. Isang mensahe ang nakasulat sa salamin na tila ba nais itong ipabasa sa kanya.

Wag mong ipagamit ang katawan mo sa kanya!.........

''Buwisit!'' Alam ni arah na hindi isang tao ang gumawa nun upang takutin siya o biruin. Binura pa niya ang nakasulat sa salamin ng kanyang kamay,,pero hindi ito nabubura kahit anong gawin niya. Nakasulat sa mismong loob ng salamin ang mensahe.

''Bwisit! Hindi nyo ba talaga ako tatantanan! Ayoko na nga e.......ayoko na! Tigilan niyo na ako!''

Tinalikuran na niya ang salamin upang lumabas pero isang babae ang bigla niyang nakita pagharap niya. "ayoko na! ayoko na! tama na! " pinaghahampas niya ng dalang hand bag ang babae subalit tumatagos lang ito sa kanya . At pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo.

Bumalik uli si Arah sa files room na inis na inis.

" bakit?! anong nangyari sa'yo?" tanong ni Norman sa kanya kitang-kita kasi sa mukha niya ang pagkainis.

"wala!.....gusto ko nang umuwi!'

"ah, ok........pero sandali lang tatapusin ko na lang ito" tinutukoy ni Norman ay yung mga natitira pang files na kailang itabi. " maupo ka na lang muna diyan pls.......sandali na lang ito."

Nakatulog si Arah sa kaakhintay kay Norman.

"Arah.........." paulit-ulit na tawag ni Norman kay Arah para gisingin.

"bakit ba?" paungol na tanong ni arah.

"mukhang napasarap ang tulog mo ah!........tara na ihahatid na kita para mas makatulog ka ng maayos."

"bakit anong oras na ba?"

"alas singko na ng hapon."

"ayan nakatulog na ako sa kakahintay sayo.....hatid mo na ako"

binitbit na ni Arah ang mga dala-dala niya; pati yung mga pagkaing natira pa niya. Halatang wala pa siya sa mood ng lumabas hindi kasi niya napapansin ang mga katrabaho ni Norman na bumabati sa kanya. Dumiretso lang siya sa owner at sumakay.

"may problema ka ba?........kanina ka pa tahimik ah!" tanong ni Norman habang nagmamaneho.

"wala,antok lang"

"ok, sorry ha?"

"bakit?"

"nainip ka"

"Wala yun!...........ilibre mo na lang ulit ako sa susunod."

Natawa naman si Norman, " parang bumabalik na sa dati ah! pagkain na ang laman ng utak mo........di mo pa nga ubos yang pagkain mo e"

"ano ka ba! tinira ko talaga ito para sa hapunan ko"

"ibig mong sabihin hanggang hapunan yung inorder mo?"

" di ba halata?"

Lalong natawa ang binata.

"sige,tawa pa! masamid ka.................sana!"

Malapit na ang lugar na inuupahan ni Arah, natatanaw na kasi ang kurbadang kalsada na; paglagpas kasi nun ay ang mismong building na ng apartment. Hindi pa man nila nadadaanan ang kurbadang kalsada ay nakakaramdam na ng kaakiba si Arah, bumibigat na ang pakiramdam niya sa lugar na iyon. 

The sleepwalker ( COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz